Chapter 23

46 4 0
                                    

PATULOY silang nag-eensayo ng kanilang bagong kanta na ni-revised. Kahit pa mahapdi ang mga sugat ni Dawn ay malakas ang loob niyang tumugtog.

Pero ang sakit ng punyetang braso ko.

Dahil nga nakainom siya noong isang gabi, hindi niya alam na hinampas pala siya ng tubo ng mga 'yon. Tuloy ay dami niyang mga sugat at pasa hindi lang sa muhka, maging sa iba't ibang parte ng katawan niya.

"Fuck..." napamura siya sakit at napahinto sa pagtugtog.

Naramdaman naman nila Trez na huminto siya sa pagtugtog at napatingin sa kaniya.

"What happened?" Lumapit agad sa kaniya si Jozya dahil nasa likod niya lang ang piano nito.

"Are you okay?" Tanong naman ni Quizon na ibinaba ang mic.

"It hurts," pag-amin ni Dawn dahil kitang kita na sa muhka niya ang sakit ng mga pasa at sugat niya sa katawan dahil isang beses lang itong ginamot.

"Zetteki, go and get the kit." Utos ni Trez habang binababa niya ang electric guitar.

"Okay." Binaba ni Zetteki ang drumsticks at saka agad na kinuha ang kit.

Nakatayo naman si Martin sa harap nilang lahat at hindi gumagalaw dahil marami nang nag-aasikaso sa kaniya. Nakita naman ni Dawn ang pag-igting ng panga ni Martin.

Binalewala niya 'yon nang pumasok na sina Dirk at Maxim sa kwarto at agad na nilapitan si Dawn.

"Where's the kit?" Malamig na tanong ni Maxim.

"Here..." bigay ni Zetteki rito.

Akmang bubuhatin ni Dirk si Dawn nang naiirita itong humarap sa kanila.

"I can walk!"

"Okay! Okay!" Sagot ni Dirk at inalalayan siya patungo sa sofa, malapit kay Martin.

At nang makaupo, agad siyang nilapitan ni Maxim.

"Bumalik na kayo sa pag-e-ensayo. Kaya niyo naman siguro tugtugin kahit walang acoustic?" Ani Dawn.

"You sure.. you're okay?" Si Trez, hindi pinansin ang sinasabi niya.

"Yes. Mag-practice kayo."

They sighed. Alam nilang wala silang magagawa kapag si Dawn na ang nagsalita.

Bumalik sa pag-pa-practice ang mga kabanda niya habang siya ay nakasandal sa sofa, ginagamot siya ni Maxim.

Ramdam ni Dawn ang titig ni Martin na katabi niya lang. Tsss...

"Bakit ka kasi umiinom?" iritang tanong ni Maxim sa lenggwahe nila.

"Because I want to," pagsagot naman ni Dawn sa kanilang lenggwahe.

Maxim sighed. Dinadampian nito ang mga sugat niya at nilalagyan ng kung anong pamahid ang mga pasa.

"Oh ayan, tapos na. Pabugbog ka ulit." Asar na sambit ni Maxim saka tumayo. Bumaling ito kay Dirk na nasa gilid lng nila. "Tara, bili pagkain..."

"Game!" At umalis sila.

Napailing si Dawn sa mga alagad niya at mariing pumikit. Mahapdi pa rin ang mga sugat niya at talaga namang nangingirot ang mga pasa niya.

"Malapit na ang kasal ng pinsan mo tapos nagpaganyan ka," tinig ni Martin.

Hindi siya sumagot. Mangisay ka, Alvarez. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang paghalik nito sa babaeng 'yon! Hindi niya maalala kung anong hitsura pero alam niyang kilala niya ang babaeng kasama ni Martin noong gabing 'yon.

"Ano ba? Napipi ka ba?" Tila napipikong tanong ni Martin.

Napadilat siya sa tanong na 'yon at pagak na natawa. Lihim siyang nagpapasalamat dahil busy sa ensayo ang mga kabanda niya at hindi sila napapansin ng mga ito.

"Wala lang talaga akong planong kausapin ka," malamig na sagot ni Dawn.

Napamaang si Martin at nangunot ang noo, nagsalubong ang kilay at talaga namang kumikibot ang labi!

"At bakit?" Nag-iigting ang panga nitong tanong.

"Wala ka na roon," pag-uulit muli ni Dawn sa linya ni Martin.

Natigilan si Martin at unti-unting ngumisi.

He raised his brows. Amusement is in his eyes!

Okay. What is he thinking?

"So you're jealous..." lumapit naman sa kaniya ito. "Jai is just my childhood friend..."

Nawalan ng emosyon ang mata ni Dawn at saka umangat ang gilid ng labi.

"So you were just kissing a friend. That's nice," tango-tangong aniya.

Natigilan at nagulat naman si Martin. "Saan mo nalaman 'yon? Stalker ba kita?"

Napairap sa hangin si Dawn.

"It doesn't matter. You have wife and you kiss a friend. Anong klaseng asawa ka?"

Napaawang naman ang labi ni Martin.

"Hoy babaeng nagpapanggap na si Jayden, pigilan mo 'yang bibig mo, pwede? Hindi mo ako kilala!" Inis na usal ni Martin sa kaniya.

Napatitig siya rito at ngumisi. "Pero ang asawa mo kilala ko. Tigilan mo ang babaeng kahalikan mo kung ayaw mo—"

"Ayaw na ano?!"

"Kung ayaw mong paglamayan 'yon." Pagpapatuloy ni Dawn sa sasabihin niya. Mayabang na tumitig siya sa lalaking nasa tabi niya ngayon. "Kung ako sayo, layuan mo ang Jai na sinasabi mo dahil baka bukas... malay mo nakahiga na siya sa kabaong-"

"Hoy! Masama 'yang gagawin mo!" Nagsalubong na ang kilay nito at kunot na kunot ang noo niya.

"Sino namang nagsabi sayo na ako ang gagawa? O.A mo..." nakangiwing sambit ni Dawn.

"Naisip ko lang!"

"Ba't mo naisip?"

"Ang lolo mo nga ang nag-utos na patayin ang magulang ko, kaya bakit hindi ko iisiping ikaw?!"

Natigilan si Dawn at napatingin sa kaniya.

Anong ibig niyang sabihin? Alam niya na si Shi ang nag-utos para patayin ang magulang niya? Ba't hindi ko alam yun?

"Oh ano, hindi ka makasagot?" Walang emosyong sambit ni Martin. "Sino ka ba talaga? Bakit mo kilala ang asawa ko? Bakit lolo mo ang nasa likod ng pagpapapatay sa magulang ko?"

Nanatiling tahimik si Dawn at nakatitig lang sa kaniya.

"Please, tell me..." ani pa nito nang hindi umimik si Dawn.

Napailing si Dawn at tumayo. Nagtataka ang mga kabanda niya pero mabilis siyang lumabas sa kwartong 'yon. Laking pasasalamat niya lang dahil hindi siya sinundan ni Martin.

I'm sorry, love. I can't answer that right now. I'm sorry.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now