Chapter 27

48 3 0
                                    

Dawn's POV

Here I am, sitting and drinking at my cousin's wedding.

Reception na at hindi ako nagkakamali, magmula sa carpet at hanggang sa iba pang mga gamit ay ginto ang presyo.

Late akong dumating dahil may pinakausap sa akin si Lady Shi tungkol sa Yakuza Organization. Tuloy ay puro sigaw ang inabot ko sa pinsan kong buntis.

"Ikaw! Alam mo bang napakahalaga nitong kasal ko tapos late ka pa!" nakangiwing sigaw nito na tila ba nanunumbat. "Porke—"

"Jax," pigil ni Jamie sa sasabihin niya. Alam kong tungkol sa kasal ko ang tinutukoy niya.

Napailing ako. "Tigilan mo ko, Jax. Alam kong gusto mong isampal sakin ang kayamanan mo dahil hindi mo matanggap na ako ang pinakamayaman sa ating tatlo." ... na dapat ay apat tayo. Tumawa nalang ako na para bang tawa ni Jayden. Lahat ay nahawa sa tawa ko maliban sa isa.

Kay Martin.

Nakatitig lang siya sa akin habang nakangunot ang noo na para bang pinag-aaralan ang bawat parte ko.

Tinignan ko ang suot ko. Simpleng blue dress lang naman ito. Ito ang pinatahi ni Jax para sakin upang matakpan ang mga tattoos ko sa dibdib at likod. Sinadya 'yon. Long sleeve ito pero see-through na ang sleeve. Bale ang natatakpan lamang ay mula sa umpisa ng tattoos ko hanggang sa matapos.

Naalala ko kung gaano siya kalasing kagabi. Alam kong hindi niya na maalala ang mga sinabi ko. Pero bakit ganito siya makatingin ngayon?

Tuloy ay hindi ako mapakali kasi kanina pa siya nakatitig sakin.

"Huy, Martin! Ano ba 'yang ginuguhit mo? Hanggang sa kasal ko ba naman?" si Matt na nilapitan si Martin.

Oo nga naman. Kanina pa siya may ginuguhit mula nang matapos ang pagkain. Kapansin-pansin 'yon kahit napakahaba ng table namin.

Nasa kabilang table ang banda ko dahil sabi nila'y gusto nilang magpahinga. Hindi naman sila makakapagpahinga dahil ang ingay sa table na ito.

"At nakatitig ka pa talaga kay Jayden, ha?" sambit muli ni Matt at nakisilip sa ginuguhit niya.

Hindi sumagot si Martin. Na-cu-curious tuloy ako kung anong ginuguhit niya. At isa pa, hindi ko alam na marunong siya gumuhit.

"Ayaw mamansin!" asar na humarap si Matt sa mga kaibigan na tumatawa.

"Pakita mo na kasi," tumatawang singit ni Marco.

"Ano ba yan?" si Pierz.

"Oo nga! Nakakaintriga!" ani ng lalaking sekretarya ni Jax.

"Oy, Martin!" tawag ni Luke pero nginisihan lang siya nito.

Nangunot ang noo ko. Ano ba yun?

Dahil napikon na si Matt, hinablot niya ang papel na 'yon at tinignan. Nagbago ang hitsura niya at napalitan ng nagtatakang tingin.

"Ano 'to?" tanong ni Matt kasabay ng pagharap niya ng papel sa amin.

Nanahimik ang lahat nang makita 'yon.

Tattoos.

Ang mga tattoos ko ang ginuhit ni Martin.

Napatingin ako kina Jamie at Jax. Nagbago ang hitsura nila. Ang mga nang-aasar na hitsura ay napalitan ng pagtataka at pagtatanong.

Maski ako.

Napatingin ako kay Martin. Walang emosyong nakatitig siya sa akin.

"Ang cool ng drawing mo, pre!" komento ni Marco.

The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now