MASARAP ANG TULOG ni Martin at nagising lamang siya dahil sa isang tawag.
"Pre, pumunta ka! Kasal ko 'to!" tila hindi makapaghintay na sigaw ni Matt.
Napakamot sa ulo si Martin at nakapikit pang tumayo upang mag-inat habang hawak ang phone.
"Bwisit ka. Ang aga-aga pa, nang-iimbita ka na!"
"Ano? It's nine in the morning, gunggong! Talagang tulog mantika ka pa rin ha? Eh oras na yata ng breakfast niyo kaya sabi ni Jax ngayon ako tumawag sayo!"
Nangunot ang noo ni Martin at napatingin sa wall clock. Nine O' three na pala.
"Oo na. Oo na! Asan ba invitation para maniwala ako sayo?" Nang-aasar na tanong ni Martin at kinuha ang towel.
Ramdam niya naman ang pagsimangot ni Matt sa kabilang linya. "Gago ka, Alvarez! Magkakaanak na ako at lahat-lahat, hindi ka pa rin naniniwala!"
"Tsk, oo na. Pupunta ako." Pagpayag ni Martin.
"Yes!" Masayang sigaw ng kaibigan. "Ipapadala ko na riyan yung invitation!"
"Okay. Sige na, maliligo na ako."
"Sige, baho mo e!"
"Ulul!"
"Salamat!"
Napailing nalang siya sa kababata at binaba ang phone. Pumasok na siya sa banyo upang maligo.
Tumutulo pa ang butil ng tubig mula sa buhok niya nang lumabas siya sa kwarto niya. Pumaroon siya sa kusina at sakto namang nag-aalmusal na ang lahat.
"Akin yung bacon!" sigaw ni Zetteki.
"Akin yan, e!" reklamo ni Quizon na gustong kunin ang bacon ni Zetteki sa pinggan nito.
"Oh, eto. Ingay niyo." Pagpaparaya ni Joz at binigay ang bacon niya kay Quizon.
"Awww! I love you, bro!" Nagpuppy eyes pa si Quizon at halos yakapin si Jozya.
"Such a gay." Nandidiri kunyaring komento ni Trez.
Napairap lang si Quizon at kumain. Ganoon din si Zetteki at Jozya. Tumayo naman si Trez upang ikuha ng pinggan, kutsara, tinidor at baso si Martin.
"Thanks," ani Martin nang i-abot sa kaniya yon.
Tinanguan lang siya ni Trez. "Eat up. May practice tayo mamaya."
Umupo na si Martin sa libreng upuan. Pinagitnaan naman siya nina Maxima at Jayden.
Tuloy ay hindi siya makagalaw dahil nasa tabi niya si Jayden.
Why the hell I feel so guilty?
Napailing siya at kumuha ng kanin at ulam. Muhkang marami ang niluto ni Trez dahil talaga namang malakas kumain ang banda.
Nag-umpisa nang kumain si Martin nang biglang tumayo si Jayden na katabi niya kahit hindi pa ubos ang kinakain nito.
"Jayden, hindi pa ubos yung kinakain mo, ah?" Si Jozya.
Napaangat ng tingin si Martin sa kaniya at namilog ang mga mata nang makita ang mga pasa at sugat sa muhka ni Jayden. May mga cuts sa noo niya, may pasa sa gilid ng labi at mata, may sugat sa kilay at labi. Namumula pa ang pisngi nito!
W-What happened?
Bigla ay naurong ang dila ni Martin kahit pa gusto niya magsalita.
"Sumasakit ang mga sugat ko kapag ngumunguya. Mauna na ako sa practice room." Malamig na sagot nito kay Jozya at lahat nang naroroon ay tinapunan ng tingin maliban kay Martin.
YOU ARE READING
The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)
RomanceEVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people you are closest to. Even the famous people... even the most loved by many fans... even the most talented girl. A very talented girl. She's a...