Martin's POV
NAKATINGIN ako sa pinto kung saan lumabas si Dawn. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap. Hindi ko malaman kung anong dahilan niya para ganituhin niya ako.
'Eh, ano nga bang ginawa niya sa akin?'
Bumuntong hininga ako at napatingin sa mga kabanda niyang tumutugtog. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng inggit. Mas matagal nilang kasama si Dawn at marami na silang pinagdaanan. Alam na alam na nila kung paano makisama at kumilos sa oras na hindi maganda ang timpla ni Dawn.
'Bakit ko ba kasi iniisip 'yon? Hindi ko naman siya mahal...' nag-aalangang pag-iisip ko.
"Magagalit na naman si Faye," biglang ani ni Joz na inaayos ang keyboard.
"Wala na naman si Dawn," ani Zetteki at binaba na ang drum sticks saka nag-inat.
"Wag niyo nalang sabihin kay Faye," ani Quizon at inaayos na ang mic.
"Hayaan niyo na muna... baka may pinagdadaanan," singit naman ni Trez na nilalagay sa stand ang gitara.
Well, I'm sure may pinagdadaanan siya. Pero bakit niya tinatago sa mga kabanda niya? Bakit niya tinatago sa mga matatagal na niyang kasama?
Gusto ko na siyang makilala. Yung totoong siya... naiintriga ako sa buhay na mayroon siya. Sa mga sinasabi niya sa akin, parang.. parang nagugustuhan ko na siya.
Lumipas ang mga oras ay walang Dawn na bumalik sa unit namin. Ni-isa walang nagtatanong o nagsasalita tungkol sa kaniya. Para lang silang normal na walang pakialam sa kaniya.
Heto at ang lahat ay nagmomovie-marathon at nagsisikain.
"Where's Dawn? Gabi na, wala pa rin siya," tanong ko nang hindi mapigilan ang sarili.
"Miss mo na agad?" Mapanudyong ngiti sa akin ni Jozya.
"H-Hindi, ah. Nag-aalala lang ako..." sagot ko at naupo sa tabi niya.
"Wow, nag-aalala!" Napalingon naman ako kay Dirky na may hawak ng isang bowl na popcorn at umupo sa kabilang side ko.
"We're used to this. Minsan ay isang linggo at higit pa siyang nawawala o hindi nagpapakita," singit ni Trez na umupo sa lapag.
"Hindi ba kayo nababahala? Babae siya. Baka kung anong mangyari sa kaniya," aniko.
"She can take care of herself, Martin, don't worry," nakangiwing sabad ni Zetteki.
"Besides, marunong sa bakbakan 'yon." Quizon said and changed the TV channel.
"Huh?" Nalilitong tanong ko.
"Tss, you like her and you don't know her. Really?" Maxima pointed out. "She's veeerrryyy, or way too goooood in Martial Arts, Taekwondo and-"
"Okay, stop, Maxim, too much information," malamig na boses mula sa likod ko! Nasisiguro kong si Dawn yon!
"'Kay..." nakangiwing tango ni Maxima.
Agad akong napalingon at umaliwalas ang muhka ko nang makita siya. "D-Dawn!"
"Oh?" Napalingon ito sa akin at nasaktan ako sa pakikitungo niya. Malamig at naninimbang. Parang walang interes siya sa akin.
"W-Where have you been?" Tanong ko, nauutal pa at tila di mapakali.
"She is with me," bigla ay may nagsalita sa likuran nito at nakita ko ang kapatid ni Trez.
YOU ARE READING
The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)
RomanceEVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people you are closest to. Even the famous people... even the most loved by many fans... even the most talented girl. A very talented girl. She's a...