"SINONG magdadrive?" Umalingawngaw ang boses ni Jaxine at nang-aasar na tumingin sakin.
Yeah right. Alam niyang ayoko na magdrive ng kahit anong uri ng sasakyan maliban sa motor dahil sa nangyari noon.
"Definitely not me," agad kong sagot, nakangiwi.
"Pfft! Wala akong sinasabi..." humalakhak pa ito pero alam kong sa kabila ng halakhak niyang 'yon ay nag-aalala siya sa kalagayan ko.
And that's how we treat each other. Hindi kami showy. Tssss..
"Ako na lang.." napatingin ako sa nagsalita. Si Martin.
"Mabuti pa nga, pre. Nang may maidulot ka naman! Kanina ka pa tahimik ah, napapansin na kita!" Tumatawang ani Matt. "Anong mayroon ha?" Nanunukso nitong tinig.
"Psssshh! Wala!" Humalakhak din si Martin. "Tabi nga!" Tinabig niya ito.
"Oh, eto, susi." Hinagis ni Trez 'yon kay Martin at agad siyang pumasok sa van pagkatapos pindutin ang kung ano roon. "I'm gonna fucking sleep, gisingin niyo na lang ako pag nando'n na tayo."
"Sleep well, tukmol..." nang-aasar na sabi ni Quizon. "Kala mo talaga makakatulog siya rito..." halakhak pa nito.
Sira ulo talaga 'to, e. Tsk hahaha!
Pumasok ako sa passenger seat. Doon kasi ako sanay umupo. Mas gusto ko 'yon dahil solo ko lang at walang sisiksik sa akin.
Umikot naman si Martin upang makaupo sa driver's seat. Nagseatbelt siya at lumingon sa akin.
"What?" Hasik ko.
"Your seatbelt, please." Seryoso ang tinig niya.
Tsss, kanina pa ito, ah?
"Bakit kita susundin?" Mapaglarong tanong ko.
"Because I am your driver now?" Nagdadahilang tinig niya. "Just put it on, woman!" Ginulo niya ang buhok niya.
"Oh, bakit nag-aaway kayo?" Tumatawang tanong ni Zetteki habang pumapanik pa ang iba.
"Love quarrel, pare!" Panggagatong pa ni Quizon.
"Pag sinakal kayo ni Dawn, ewan ko na lang... hahahahaha!" sunod pa ni Jozya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" sabay-sabay silang tumawa!
Tuloy ay umupo nang tuwid si Trez at sinamaan sila ng tingin. "Please! Just minimize your noise! Y'all shits!" at muli siyang bumalik sa pagkakatulog.
-____________-
"Oops..." komento ko na lang.
Ini-start na ni Martin ang van at pinainit ang makina. Pagkatapos niyon ay nagsimula na siyang magmaneho paalis ng parking lot.
"Woman, I said put the seatbelt on or else—"
"Or else what?" Putol ko agad sa sasabihin ni Martin.
"Why are you so stubborn?!" Naiinis na niyang tanong.
"Boyfriend ba kita? Bakit kita susundin—"
"Then from now on, I am your boyfriend! Now put it on!" Putol niya sa sasabihin ko.
"Witwiw..." sumipol si Jaxine sa likod na sinundan naman ng halakhak ni Matt.
"That's my man!" puri ni Matt.
Umangat ang sulok ng labi ko. "Alright then, I am your girlfriend."
YOU ARE READING
The Darkest Moon Star [JDDS SERIES #3] (COMPLETED)
RomanceEVERYBODY IS FIGHTING A BATTLE YOU KNOW NOTHING ABOUT. Even if it's your friend, your mother, or the people you are closest to. Even the famous people... even the most loved by many fans... even the most talented girl. A very talented girl. She's a...