Author's Pov.
Nakatayo ang magandang babae sa harap ng isang malaking gate maganda ang pagkakakulay nito na kulay itim at kung titignan mabuti medyo kumikislap pa ito dahil sa kintab. Hindi nya makita ang kabuuan ng buong bahay dahil natatakpan ito ng malaking kulay itim na gate ang tanging nakikita nya lamang ang taas nito ay ang mirror house hindi nya alam kung may tao dito sa loob dahil wala syang makita na para bang pinasadya talaga nito ang pagkakagawa na hindi makita ang loob.
Pakiramdam nya sya lang ang nakikita nito kung sakaling may tao nga sa taas na iyon. Isa din sa napansin nya ay bukod sa malaking bahay na 'to wala ng ibang bahay pa, malayo ito at tago ang lugar. Hindi nya rin maiwasan ang kabahan pakiramdam nya kasi habang papunta sya sa bahay na ito ay mayroon mga matang nakatingin sa bawat nyang galaw, at para bang handang handa ito sa laban kung sakaling my mali syang gawin na hindi nila magugustuhan.
Ayon pa sa pagkakaalam nya masyadong ingat ang agency na 'to dahil illegal ito at my isa silang rule dito yun ay ang 'Kapag ikaw ay nagsumbong sa batas about sa agency namin, mamamatay kayong lahat ng mahal mo sa buhay'. Bumuntong hininga sya bago magsalita.
Nakatingin si Ashlea sa screen ng computer habang nakatingin sa kotseng huminto sa kanto ng village na to. Hinintay nya kung sino ang lalabas sa loob ng kotse nandito sya ngayon sa office room ng 'job order' kung saan sya ang naka'assign at tumatanggap ng mga customers na gustong magpagawa ng mission.
Oo, alam nya kung ano ang ginagawa ng kapatid nya, alam nya kung paano ito brutal na pumatay ng tao. Kahit ayaw nya sa ginagawa nito kung paano pumatay ng tao, at ayaw nyang pumatay ito ng tao wala syang magagawa.
Nangako sya sa sarili nya na babawi sya sa kapatid nya at susuportahan ito sa lahat ng magiging decision ni Flame. Noong una ilang beses nya itong pinigilan at kinausap about sa 'job order' pero hindi ito nagpapigil gusto daw nitong makasanayan kung paano pumatay ng tao, para daw kapag dumating ang panahon na kailangan nyang pumatay ng tao para sa mga mahal nya sa buhay hindi na ito mag aalangan na pumatay ng tao. Hindi na katulad ng dati si Flame na takot pumatay, ngayon kasi kasing lamig na ng yelo at kasing tigas na ng bato ang puso nito kapag pumapatay ito ng tao.
At dahil nga hindi na nya ito mapipigilan humingi sya ng condition dito yun ay ang makasama nya ito sa 'job order' kaya dito sya ini'assign ni Danirisse. Hindi lang ako ang kasali sa job order na 'to pati ang Bloodkings tumutulong sila kapag kailangan sila.
And speaking of Bloodkings nandito ngayon ang mga 'to kasama nya at kanina pa nagkukulitan minsan iniisip nya kung nakakatakot ba talaga ang mga 'to dahil parang my mga saltik. Tingin nya sila James, John at Zoreen lang ata ang matino sa Bloodkings, pero alam nyang kapag nasa isang gulo ito makikita mo talaga kung bakit ito tinawag na Bloodkings at kung bakit ito kinakatakutan ng mga nakakaaway nila.
Nakita nyang lumabas mula sa loob ng kotse ang babaeng na sa tingin nya ay nasa 16years. Old palang ito nakasuot pa nga ito ng uniform.
"Woah.. Mukhang may naligaw na bata sa agency natin ah" Rinig nyang sabi ni Dennis.
Maraming computer sa room na ito ang nagkokonekta sa mga CCTV sa buong bahay na 'to at kahit hindi nya ito lingunin alam nyang nakatingin ito isa sa mga computer.
"Mukhang kinabahan pa ang bata na yan" Sabi naman ni Nike.
Hindi nya tuloy maiwasan ang hindi mapairap kapag naririnig nya ang pangalan ng lalaki na yan. Ewan nya ba naiinis sya sa boses nito kapag naririnig nya itong nagsasalita umiinit ang kanyang ulo. Mas lalo pang dumagdag ang inis na nararamdaman nya ng naramdaman nya ang katawan nito na nakadikit sa likod nya. Naamoy nya ang mabango nitong hininga ng yumuko ito habang ang isang kamay nito ay nasa desk at ang isang kamay pa nito ay hawak ang kamay nya na nakahawak ng mouse.
Napakagat sya sa labi sa isipan na parang naka back hug ito sa kanya. Itinagilid nya ang kanyang mukha para makita ang gwapo nitong mukha, nakangiti ito sa kanya ng mapang akit at kitang kita nya ang mapuputi at pantay pantay na mga ngipin nito. Sobrang magkalapit ang kanilang mukha at kahit kumakabog ang puso nya sa sobrang kabang nararamdaman nya hindi nya ito ipinahalata sa lalaking gwapong kaharap nya, tinitigan nya ito ng masama.
"Inaakit mo ba ako Mr. Lim?" Mataray na sabi nya dito mas lalong lumawak ang ngiti ng binata dahil sa sinabi nya.
"Bakit naaakit kana ba? Sana naman ay oo, para sagutin mona ako. Dalawang taon na ako nangliligaw sayo" Sabi nito.
"At dalawang taon na rin kitang binabasted sabi ko naman sayo tigilan mona ako dahil my boyfriend na ako ang kulit kulit mo" Sagot nya dito.
"I don't believe you, i know wala kang boyfriend you can't fool me darling. At hindi kita titigilan hanggat hindi ka nagiging akin, araw araw kitang kukulitan hanggang sa makulitan ka sakin at sagutin mona ako" Sabi nito sa kanya sabay kindat.
Napasinghap sya ng mas lalong kumabog ang puso nya sa ginawang pagkindat nito sa kanya. Sa totoo lang mahal na nya ang binata kaso hanggat kaya nya pinipigilan nya ang nararamdaman nya para dito. Natatakot syang hindi sya nito matanggap, ang kanyang nakaraan... Natatakot syang sobra syang masaktan kapag nalaman nito ang pangit nyang nakaraan at hindi sya nito tanggapin. Kaya hanggat kaya nya pipigilan nya ang nararamdaman nya para dito.
"Anak ng puta! Hoy kayong dalawa jan umayos nga kayo sumasakit mata ko sa kakatingin sa inyo" Umiwas ng tingin si Ashlea ng marinig nya ang pang aasar ni Jerald.
Umayos na rin ng pagkakatayo si Nike at umalis ito sa tabi nya nakaramdam tuloy sya ng bahagyang panghihinayang gustong gusto nya kasing nadidikit ang katawan nito sa katawan nya at naaamoy ang mabango nitong pabango.
"Inggit ka lang kasi walang nagmamahal sayo, ang pangit mo kasi kaya walang nagkakamali sayo hahaha"
Napailing na lang si Ashlea at napangiti dahil sa asaran ng dalawa. Muli syang nag fucos sa screen ng computer naglakad ang batang babae at pagkalagpas na pagkalagpas pa lang ng batang babae sa naka sign na 'Flower Village' umilaw ang kulay pulang nakapaligid sa loob ng buong kabahayan at kasunod nun ang sunod sunod na pag iingay nito ng malakas hudyat na may nakapasok sa teritoryo nila.
Sa sobrang lakas nito ay talagang mabibingi ka pero dahil matagal na sya dito sanay na sanay na ang tenga nito sa ingay nito. Pero kahit gaano pa ito kalakas ay hindi ito maririnig sa labas dahil nakasound proof rin ang buong kabahayan.
'Warning Alert:An intruder entering the Flowers Village'
Paulit ulit na sabi ng mga nasa computers 10seconds lang ito pero sapat na ang malakas nitong tunog na halos dumagundong sa loob ng malaking bahay para warningan sila. Unti unti rin nagsilabasan ang mga patibong na hindi mo mapapansin dahil sa mga tago nitong kinakalagyan, nakahanda na ito para sa kung sinumang kaaway tanging 'start button' na lang sa computer ang kailangan pindutin para magsilabasan na ang mga patibong.
Napailing nalang si Ashlea hanggang ngayon ay namamangha parin sya sa mga hi-techs na kagamitan ng Blinks. At mas lalo syang bumibilib sa mga Blinks na mismong gumawa at nakaisip ng mga ganito. Masasabi mo talagang mahirap kalaban ang Blinks dahil sa mga hi-tech palang nitong kagamitan talagang nagsusumigaw na ito panganib.
Amazing.. Sabi sa isip ni Ashlea bago nya pinindot ang 'stop botton' para tumigil na sa pag iingay at pag wawarning ang mga computers.
***
Guys ang last name talaga ni Blinks Xella is "NORRIS" Now ko lang napansin na wrong typo ako sa last name ni Xella. I-edit ko na lang last name nya^____^
Please don't forget to VOTE and COMMENTS:))
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...