Arquelyn Pov.
Mataman lang ako nakikiramdam kanila Flame at Shantal. Ewan ko ba may iba kasi akong nararamdaman sa kanilang dalawa, yung bang parang akward silang dalawa na parang hindi?
Magulo ba? Don't worry hindi lang kayo pati ako, hindi ko kasi masabi kong tama ba talaga ang kutob ko kasi nagpapansinan at nag ngingitian naman sila.
Hayst! Ang gulo.
Breaktime na ngayon kaya sama sama na naman kami, yung bloodkings naman papunta na rin sila dito sa canteen. Kung tinatanong niyo kung nasaan ang magaling na boyfriend ni Shantal, hindi ko rin alam. Basta nauna siyang lumabas kanina, inunahan pa nga niya lumabas ang teacher namin eh.
Ibang klase rin ang lalaki na yun, habang tumatagal mas lalong nagiging rude.
"Kami na lang ni Akirah ang bibili ng mga pagkain natin, anong gusto niyo?" Nakangiting tanong samin ni Shantal.
"Ako? Bakit ako? Si Arquelyn na lang!" Nakasimangot na pagrereklamo ni Akirah.
"Sino ba si Akirah ako ba? Tanga nito." Sabi ko sa kanya sabay irap.
"Oh magtatalo pa kayong dalawa, sige si Xella na lang isasama ko." Singit ni Shantal bago pa makasagot si Akirah.
"Ano? Bakit ako--"
"Sige na huwag ka ng maarte. Jusko, akala mo naman kagandahan kung makapag inarte." Pang aasar ni Xella kay Rosevil sabay tulak.
"Pakyoo!" Galit na sabi ni Rosevil.
Sinabi namin kung ano ang mga order namin kaya umalis na sila. Kumunot ang noo ko ng makita ko si Zoreen na pumasok sa canteen.
Namimili siya ng mga pagkain, napansin kong tinignan siya ni Shantal malungkot ang mukha nito. Pero ng humarap siya kay Rosevil nakangiti na ito.
Ang hilig niya talagang ipakita sa ibang tao na masaya siya kahit ang totoo hindi naman talaga.
Papunta na sila sa pwesto namin tumayo si Flame para tulungan sila sa mga bitbit nila. Saktong pagdating rin ng mga Bloodkings, nagsalubong pa ang kilay ko ng halos magkasabay lang sila John na uupo sa iisang upuan.
Pinangdilatan ni Shantal si John habang kunot na kunot naman ang noo ng isa. Bakas rin sa mukha ng kaibigan namin ang sobrang pagkainis sa kaharap niya.
Oh, bago yan kay Shantal ah. Dati kasi kahit alam niyang may inis or galit na tao sa kanya nginingitian niya lang ito. Hindi lang ito ang kauna-unahan na may nagiging kasabay si Shantal sa ibang bagay pero siya na ang unang nagpaparaya.
Pero base sa nakikita ko ngayon mukhang walang planong magparaya si Shantal kay John ng upuan.
"Akin to." Sabay na sabi nilang dalawa.
Pareho ng hindi maganda ang timpla ng mukha nila. Naagaw nila ang atensyon ng ibang mga kasama namin, lahat kami nag aabang kung anong sunod na mangyayari sa kanilang dalawa.
Hindi naman obvious sa kanilang dalawa na ayaw nila sa isat isa, ano?
"Ako ang nauna." Sabay ulit nilang sabi.
Naglaban sila ng masamang tingin, sa tingin ko nga may invisible na dumadaloy na kuryente sa mga mata nila habang nakatingin sa isat isa.
"Nice marunong rin palang mainis ang isang Shantal Eunice Seok." Nakangising sabi ni Jennica.
"Mukhang close na close sila ah." Pang aasar naman ni Xella.
"Sounds interesting." Sabi ni Danirisse sabay smirk.
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...