Chapter Twenty Three.

4.7K 136 9
                                    

Dedication to:SILENT READERS:) Para sa inyo to. I hope magustuhan nyo:))
-----

Shantal Eunice Seok Pov.

"Yeheeyyy! Completo na hihihi" Masaya kong sabi habang tumatalon talon.

"Wow! Sinong may birthday?"

"Baka si Lee? Nah-ah. Malayo pa ang birthday ng lalaki na yun"

Nanglaki ang mata ko ng marinig ko ang dalawang boses na iyon. Agad akong lumingon sa likod ko at nakita ko ang dalawang babae na bestfriends ko.

"WAAAHHH BESTFRIENDDSSS" Masaya kong sigaw at tumakbo sa kanila mahigpit ko silang niyakap.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanila at hinawakan ko ang pareho nilang kamay.

"Waahhh nandito kayo... Nandito kayo" Masaya kong sabi habang tumatalon talon.

"Oo... Oo, namiss ka namin... Namiss ka namin... kaya pumunta kami dito, kaya pumunta kami dito" Tumatango tango ako sa sinabi ni Arquelyn habang nakangiti.

"Teka teka... Bakit paulit ulit lang sinasabi mo?" Kunot noong sabi ni Akirah kay Arquelyn.

"Eh kasi paulit ulit din sinabi ni Shantal. Nahawa ako, gaya ka nalang para masaya" Sagot naman ni Akirah.

"Ayiieee.. Tama... Tama... True friends tayo... True friends tayo, kaya dapat lang na suportahan natin si Shantal... True friends tayo, kaya dapat lang na suportahan natin si Shantal..." Salitan lang ang tingin ko sa kanila habang nagsasalita.

Ano ba ang pinag uusapan nila? Syaka bakit paulit ulit sila?

Sila Akirah Fercruz at Akirah Miyuki Knight ay ang body guards ko at the same time bestfriends ko. Matagal ko na silang body guard pero hindi halata dahil kung umakto sila ay parang mga kaibigan ko lang. Pero kaibigan naman talaga sila. Ayy, ano ba yan ang gulo ko no? Hahaha. Hayaan nyo na cute naman kayo eh. Hihihi

So ayon nga. Kinuha sila ni kuya Lee para maging body guards ko pero mas pinili ni kuya na babae ang magbabantay sakin para hindi agaw eksena. Ganyan ganyan lang yan sila pero ang bangis nyan kung makipag away. Kapag walang pasukan ay dito kami namamalagi sa beach ressort na pag mamay-ari namin kaya dumadalaw dalaw na lang sila.

Pero kapag pasukan na nasa iisang apartment lang kami malapit sa school namin. Grade 12 na kami ngayong pasukan.

"Anong ginagawa nyo?" Tumingin kami sa nagsalitang lalaki.

Si kuya. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin saming tatlo na patuloy parin sa pagtalon talon.

"Umayos nga kayo para kayong mga kanggaroo jan na nakawala" Inis na saway nya samin.

Agad naman kaming huminto sa pagtalon pero nakahawak parin ang mga kamay namin habang nakatingin kay kuya.

"Ang we-weird nyo talagang tatlo. Mababaliw ang mga taong makakasama nyong tatlo" Sabi nya pa ulit sabay alis.

"Mababaliw? Sinong mababaliw?" Tanong ko kay Akirah.

"Mababaliw? Sinong mababaliw?" Tanong naman ni Akirah kay Arquelyn.

"Mababaliw? Sinong mababaliw?" Balik tanong sakin ni Arquelyn.

Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanilang dalawa at humawak sa ulo ko. Pakiramdam ko sumakit ang ulo ko sa kanilang dalawa. Nagtatanong ako kung sino ang mababaliw pero sakin parin ang balik.

Kaya nga ako nagtanong kasi HINDI KO ALAM diba? Dapat na ata akong maniwala kay kuya na weird sila, teka parang may mali? Ah. Oo. Kami pala sinabihan ni kuya na weird. Tss.

The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon