Author's Pov.
Pagdating ni Zoreen sa address kung saan naghihintay ang boyfriend ni Patricia ay tahimik lang siyang nagmamasid. Wala siyang maramdaman na prensence ng ibang tao.
Pumasok siya sa loob sobrang tahimik ng kapaligiran at malawak rin ang malaking bahay. Tanging tunog lang ng sapatos niya ang naririnig niya sa tuwing maglalakad siya.
Nahinto siya sa paglalakad ng mamataan niya ang maliit na pulang tuldok na nasa dibdib niya. Hindi ito kapansin pansin sa liit pero dahil lagi siyang alerto sa paligid niya, alam niyang nasa paligid niya lang ang kaaway niya.Tahimik na nagmamasid sa kanya at inaalam kung ano ang gagawin niya.
Saktong pagliyad niya ng may dumaan na bala sa dibdib niya, hindi niya naramdaman ang tunog ng pagputok ng baril kaya sigurado siyang silent gun ang gamit ng lalaking bumaril sa kanya.
Hindi pa doon nagtapos ang pamamaril sa kanya dahil sunod sunod siya nitong pinaulanan ng bala kaya mabilis siyang tumakbo habang iniiwasan ang mga bala.
May vase, painting at kung ano anong gamit na rin ang nababasag dahil sa pagtama ng mga bala. Nilibot niya ang kanyang paningin at sinundan ang mga bala kung saan ito ng gagaling.
Nakita niya ang isang lalaki na nakadapa sa pangalawang palapag habang binabaril siya, na walang iba kundi ang boyfriend ni Tricia na si Jun.
Nakita niya ang lamesa na medyo may kahabaan dumapa siya at mabilis na sumilong sa ilalim ng lamesa. Nanggigigil niyang kinasa ang dalawang baril na hawak niya at saka gumapang papunta sa pinakadulo ng lamesa.
Nang malapit na siya sa dulo ng lamesa nakahigang tumihaya siya at tinulak ang sarili niya sa madulas na tiles palabas sa dulo ng lamesa, pagkarating niya sa dulo wala siyang inaksayang panahon sunod sunod niyang pinaputukan ang lalaki na nagulat sa ginawa niya.
Bang
Bang
Bang
Bang
Bang
Bang
Bang
Patuloy lang ang pagbabaril niya dito habang dumudulas ang katawan niya sa tiles. Nakita niyang tumakbo ang lalaki kaya bumangon siya kaagad at hinabol ang lalaki. Umakyat ito sa pangatlong palapag akmang aakyat na rin siya sa hagdan ng makita niya ang anino ng lalaki sa taas.
Mabilis siyang umiwas dito ng tumalon ito sa kanya, tinignan niya ang lalaki na nanglilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Tell me, Tricia did command you to kill Flame?" Malamig na tanong niya sa binata.
Kumunot ang noo niya ng tumawa lang ito ng malakas sa sobrang lakas ng tawa nito rinig na rinig sa buong bahay ang pagtawa nito.
Bigla itong natigil sa pagtawa at sumeryoso ng tingin sa kanya.
"Paano niya pa ako uutusan eh, patay na siya!" Galit na sabi nito sa kanya na ikinagulat niya.
Sa pagkakaalam niya hindi pinatay nila Flame at ng Blinks si Tricia, dinala lang nila ito sa presinto. Nagsisinungaling lang ba ang fiancee niya sa kanya?
"Don't fucking lie to me asshole! I know she's not dead. Flame told me they did not kiled Tricia. They just sent her to the police station to arrest her." Malamig na sabi niya rito.
"Oo hindi nila pinatay si Tricia pero patay na siya! Nanlaban siya sa mga pulis at sinubukan niyang barilin ang mga ito pero siya ang nabaril! Putangina pinatay nila ang girlfriend ko! Hindi sana siya mamamatay kung hindi siya dinala doon ng girlfriend mo, kaya dapat lang na mamatay din siya! Para maramdaman mo rin ang naramdaman ko ng mawala ang babaeng mahal ko!" Galit na sigaw nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...