Author's Pov.
Lahat ay tahimik lang na naghihintay sa labas ng ICU para hintayin ang doctor na kasalukuyang nasa loob nito at ino-operahan si Flame.
"Tangina!" Napatingin sila kay Zoreen na pinagsusuntok ang pader.
"Puta puta puta puta!" Paulit ulit na mura ni Zoreen habang patuloy ito sa pagsuntok ng pader at pagsisipa.
Nanginginig ang kamao niya sa galit gusto niyang patayin ang taong bumaril kay Flame. Iniisip na niya kung paanong pagpapahirap ang gagawin niya rito.
'P-please Zoreen d-don't kill a-anyone.'
Napapikit siya ng mariin ng maalala ang sinabi sa kanya ni Flame bago ito mawalan ng malay. Nangungusap ang mga ito na sundin niya ang pakiusap nito.
Malalakas at sunod sunod niyang pinagsusuntok ang pader na para bang doon niya binubunton ang galit, sakit, pagsisisi at pag aalala na nararamdaman niya.
Hindi niya alam kung paano pa niya ko-kontrolin ang sarili dahil sa pinaghalong nararamdaman niya.
"Bakit Flame!!? Bakit ayaw mong patayin ko ang taong gusto kang patayin!!? Bakit ayaw mong patayin ko ang tao na yun!!?" Galit na sigaw niya at saka sinipa ang mga upuan.
Hindi na nakatiis si James at nilapitan niya ang King nilang nagwawala. Hindi ito makakatulong ang pagwawala niya sa kalagayan ng Queen nila. Kailangan nitong kumalma.
"King stop. Lahat tayo nag aalala para kay Queen pero hindi makakatulong ang pagwawala mo." Mahinahon niyang sabi.
Unti unti dumaosdos sa pader si Zoreen hanggang sa mapaupo siya. Yumuko siya habang nakatuod ang dalawa niyang kamay sa tuhod at hawak ang kanyang buhok.
Pilit niyang kinakalma ang sarili niya pero bumalik sa isip niya ang kalagayan ni Flame ng tamaan ito ng baril at unti unting natumba.
Wala manlang ako nagawa para iligtas ka. Kasama na kita pero hindi parin kita nagawang protektahan. Sorry dwarf i'm so fucking useless. Aniya sa sarili.
Tumulo ang kanyang mga luha tahimik lang siyang lumuluha habang hinihintay na lumabas sa ICU ang doctor.
Hindi na nila alam kung anong oras na silang naghihintay sa labas ng ICU pero hanggang ngayon hindi parin lumalabas ang doctor na nagpapakaba sa kanila ng sobra.
"King." Inangat ni Zoreen kanyang ulo para tignan ang tumawag sa kanya.
Si Jerald. Kasama nito sila Rosevil, Xella at Dennis. Sila ang humanap sa sniper ng mabaril si Flame.
Tumayo siya akmang lalapit na siya kanila Dennis ng lumabas ang doctor sa ICU. Lahat sila ay lumapit sa doctor na kalalabas lang.
"Doc ano pong kalagayan ng anak ko? Okay lang po ba siya?" Nag aalalang tanong ng ina ni Flame.
"Mga magulang niya kami." Sabi rin ng ama ni Flame bakas sa mga mata nito ang pag aalala.
"Hindi maganda ang natamo ng pasyente ilang beses rin bumigay ang katawan niya ng ino-operahan namin siya. Sa ngayon unstable parin ang kalagayan niya kaya kailangan namin siya tutukan. She's now in comma."
Parang nayanig ang mundo ni Zoreen ng marinig niya ang sinabi ng doctor.
"D-doc kailan po pwedeng magising ang anak ko?" Umiiyak na tanong ng ina ni Flame.
Malungkot na umiling ang doctor sa ginang .
"Hindi ko pa masasabi sa ngayon. Tatapatin ko na po kayo Mrs. Hindi maganda ang kalagayan ng anak niyo ngayon. Kunti lang po ang tansya na magising pa ang anak niyo sa pagka comatose. "
Galit na kinuwelyuhan ni Zoreen ang doctor saka niya ito malakas na sinandal sa pader. Pilit siyang pinipigilan ng mga kasama niya pero hindi siya nagpatinag.
"Sinasabi mo bang huwag na kaming umasa na magigising pa si Flame!?" Nanginginig sa galit na tanong niya.
"Yes. Kapag hindi nagising ang pasyente sa loob ng apat na buwan, kailangan mag decision ng pamilya ng pasyente kung pakakabitan nila ito ng life support or--"
Booggsshh
Napaupo ang doctor ng suntukin siya ng malakas ni Zoreen. Nanglilisik ang mga mata nito na para bang handa siya nitong patayin.
"King kumalma ka lang." Awat ni John kay Zoreen pero malakas lang siya nitong tinulak.
Lalapit pa sana si Zoreen sa doctor ng hawakan siya ng ibang mga kasama niya.
"Fuck you! Wala kang karapatan sabihin samin na hindi na magigising si Flame! Hindi ka diyos! Kilala ko ang fiancee ko malakas siya, matibay, alam kong lalaban siya. Hindi niya kami iiwan, hindi niya ako iiwan dahil nangako siya sakin na hindi niya ako iiwan!" Malakas na sigaw ni Zoreen sa doctor.
"Walang imposible sa diyos kaya magdasal kayo, mas makakatulong rin sa pasyente na kausap kausapin siya. Excuse me." Kalmadong sabi ng doctor saka ito umalis.
Nang tuluyan ng makaalis ang doctor doon lang pinakawalan si Zoreen ng mga kasama niya.
"Sige na hijo ikaw mo na ang pumasok sa kwarto ni Flame." Sabi ng ama ni Flame at tinapik siya sa balikat
Pumasok siya sa room ni Flame halos manghina siya ng makita ang kalagayan ng fiancee niya maraming nakakabit dito at sobrang maputla ang mukha.
Lumapit siya saka umupo sa harap nito, hinawakan niya ang kamay nito at saka tinitigan ang mukha ng fiancee niya.
"Dwarf can you hear me? Please wake up. Don't do this to me you know i can't live without you right? You promise me na hindi mo ako iiwan. Alam kong malakas ka, alam kong kakayanin mo 'to, ihararap pa kita sa simbahan, ipagsisigawan ko pa sa buong mundo kung gaano kita kamahal. Gusto kopang makita ang mga magiging anak natin. Makikipagtalo pa ako sayo kung sino ang mas kamukha ng mga anak natin. At gusto pa kitang makasama habang buhay, hanggang sa pagtanda natin. Matagal mo akong hinintay at hindi mo ako sinukuan kaya ganun rin ang gagawin ko sayo. Hihintayin kita at hinding hindi kita susukuan. Okay lang sakin kahit magpahinga ka mo na. Magpapahinga ka lang Flame pero hindi mo ako pwedeng iwan. Mahal na mahal kita."
Umasa si Zoreen na baka magising si Flame dahil sa mga sinabi niya, at sasabihin nitong kinilig siya pero hindi nangyari iyon. Tanging tunog lang ng makina ang naririnig niya.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto.
"King nahuli namin ang sniper may pinapasabi ang boss niya." Hindi umimik si Zoreen sa sinabi ni Dennis.
"Pinapasabi raw ng boss niya na kayo na daw ang tumapos sa sinimulan nila Tricia at Queen. Binigay niya ang address kung nasaan siya ngayon, at mag isa ka lang daw pupunta doon. Pero nakahanda na kaming Bloodkings hindi kami papayag na mag isa ka lang makikipagkita sa lalaki na yun."
"Hindi na dito na lang kayo. Hindi 'to away ng groupo. Away 'to ng babaeng mahal namin na kami ang tatapos. Isa laban sa isa. Boyfriend laban sa boyfriend." Malamig na sagot niya.
***
I dunno kung nagustuhan niyo ang update ko na 'to, pasensya na ito lang nakayanan ng utak ko. Sorry rin sa matagal kong hindi pag update busy ako sa pag aasikaso sa mga requirements ko.
Hindi ito edited so bear with me sa mga wrong grammars, error and typos.
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...