Chapter Thirty Two.

4.7K 141 17
                                    

Flame Pov.

"MOOMMYYY" Napangiti ako ng tumakbo palapit sakin ang anak kong si Zheryo.

Umupo ako para maging magkapantay kami pinulupot nya ang dalawang kamay nya sa leeg ko kiniss nya ako sa pisngi at ganun rin ang ginawa ko sa kanya.

"Sunday po ngayon mommy sama ka pong magsimba samin nila lolo at lola" Nakangiti nyang sabi.

Nabura ang ngiti ko dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya matagal ko ng tinalikuran ang dyos.

Alam kong sobrang mali dahil isang malaking kasalanan sa dyos ang talikuran sya. But you can't blame me matapos ang nangyari sakin at sa mga kaibigan ko tuluyan ko ng kinalimutan ang kaharian ng dyos.

Tuluyan ng nawala ang pananampalataya ko sa kanya hindi ko nga alam kung makakaapak pa ba ako sa tirahan nya o mapapatawad nya pa ako sa mga kasalanan kong nagawa.

Sa dami ng napatay ko at maling nagawa hindi ko alam kung itinuturing paba nya akong anak ng dyos o baka tuluyan na nya akong kinalimutan.

Nakikita nya ang mga ginagawa ko habang hindi sya natutuwa sa mga pinaggagawa ko halos sambahin naman ako ni satanas sa mga ginagawa kong masama.

Nakita kong papunta na sa deriksyon ko sila mommy and daddy alam kong narinig nila ang sinabi ng anak ko. Pilit akong ngumiti kay Zheryo at hinawakan ang buhok nya.

"Busy si mommy ngayon baby. Maybe next time" Sabi ko nalang.

Ibinababa kona sya at tinignan sila mommy and daddy malungkot lang na nakatingin sakin si mommy, knowing mommy makikita mo sa kanya ang pagiging maka-dyos.

"Aalis na kami" Paalam ni mommy.

Tumango ako sa kanila at kiniss sila pareho sa cheeks.

"Mag iingat po kayo" Sabi ko sa kanila tumango sila at tuluyan ng umalis.

Paakyat na sana ako ng tawagin ako ng isang katulong namin.

"Ma'am" Nilingon ko ang katulong.

"Yes?"

"May nagpapabigay po sa inyo" Sabi nya sabay abot sakin ng brown envelope.

"Oh. Salamat" Sabi ko sabay kuha ng brown envelope.

Pagpasok ko sa kwarto ko umupo ako sa kama at tinignan ang laman ng brown envelope. Ganun na lamang ang pagkagulat ko ng bumungad sakin ang mga pictures nila Claire at Jessica.

Nabitawan ko ang mga pictures at tumulo ang mga luha ko. Patay na sila Claire at Jessica binasa ko ang sulat tuluyan ng hindi nagising si Claire sa pagkaka comatose samantalang na hit and run naman si Jessica.

Nasa larawan sila Claire at Jessica na nasa loob ng kabaong. Napahawak ako sa bibig ko at hindi ko na napigilan ang mapahagulhul.

Putangina bakit pati sila iniwan rin ako! Umasa ako na mabubuhay pa si Claire, umasa ako na makikita ko pa ulit si Jessica pero putangina lang mukhang malaki ang galit sakin ng dyos at pinaparusahan nya ako ng ganito.

Hindi pa nga ako nakaka get'over sa pagkakamatay ng iba kong kaibigan tapos eto malalaman ko na patay na sila! Bwesit na buhay to!

Tumayo ako at nagpalakad lakad habang sinasabunutan ang buhok ko para akong mababaliw sa isipan na namatayan na naman ako ng mga kaibigan.

"AAAHHHHH" Sigaw ko at pinaghahagis ang mga bagay na nahawakan ko.

Mas lalo kong sinabunutan ang buhok ko at pinagtatapon ang mga gamit ko pati pintuan ko pinagsusuntok ko. Tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha ko hanggang kailan ba ako mahihirapan ng ganito? Hanggang kailan ba ako masasaktan? Pagod na pagod na ako!

The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon