Flame Pov.
"Hmm.. Ang sarap sarap talaga nitong ice'cream" Napairap ako dahil sa narinig kong sabi ni Shantal.
Ok. na ulit ang puso ko lalo na yung niyakap ko si Zoreen kagabi. Pakiramdam ko lahat ng sakit na naranasan ko sa kanya napawi sa isang yakap nya lang sakin kagabi.
Katulad kahapon sinusundan ko ulit sila ng patago i don't know kung nahahalata nila iyon pero tingin ko hindi. Kumpara kasi kahapon iba na ang porma ko.
Nakapantalon ako ng black at naka sando ng white may suot rin akong black jacket. Naka eyeliner din ako ng black pati lipstick ko black, tapos nakaponytail ako. Sinadya ko talaga ang ganitong outfit para hindi ako mamukhaan ni Shantal. Ok lang kung si Zoreen pero kapag si Shantal? Nah-ah. No. No. No.
"Tss. Ang kalat mo talaga kumain para kang bata" Rinig kong sabi ni Zoreen.
Nandito kasi sila sa ice'cream parlour NAGLALANDIAN.
"Ok lang mahal mo naman, diba, diba?" Sabi ni Shantal sabay bungisngis.
"Crazy girl. Of course i love you" Nakangiting sabi ni Zoreen sabay pitik sa noo ni Shantal.
Napahigpit ang paghawak ko ng kutsara.
"Ahm.. Miss are you alright?" Tinignan ko ng masama ang lalaking nagtanong sakin.
"Oo naman! Bakit hindi ako magiging ah!? Purket ba na bu-bwesit ako sa kanilang dalawa dahil sa paglalandian nila.. Kahit nasasaktan ako sa pagiging clingy ng bwesit na yelo na yan! Kahit gusto kong ipakain sa kanila itong kutsara ko sa pagkaurat sa kanila, kahit nasasaktan ako sa nakikita ko OKAY LANG AKO!" Galit na sabi ko sa kanya at hindi ko mapigilan ang mapasigaw sa huli kong sinabi.
Nagtinginan saming dalawa ang mga taong kumakain dito sa ice'cream parlour. Pati sila Zoreen at Shantal napatingin na rin sa direksyon namin.
Nanglalaki pa ang mga mata ni Shantal ng makita ako habang si Zoreen dumilim ang mukha nya ng makita ako.
Nakita ko pa kung paano nag igting ang panga ni Zoreen ng makita nya ako.
Shit! Kasalanan ng lalaki na 'to eh! May patanong tanong pa kung ok ako. Eh. OK NGA LANG AKO!
"Waahh! Sya yung si broken angel diba Harjen?" Nanglalaki ang mata na sabi ni Shantal habang nakaturo pa sakin.
Ano daw? Broken angel? Ang daming alam ng isip batang 'to!
"Let's go Shantal" Rinig kong sabi ni Zoreen.
"Yeah. You're right ok ka nga" Rinig kong sarcastic na sabi ng lalaki.
Inis ko syang nilingon at sinuntok sa tyan napayuko ang lalaki habang hawak hawak ang tyan nyang sinuntok ko.
"Aray! Bakit ka nanununtok!?" Galit na sabi nya.
"Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi mo ako tinanong kung ok lang ba ako, edi, sana hindi ako napasigaw! Hindi nila malalaman na nandito lang ako sa likod nila. Intruder ka intruder!" Galit na sabi ko.
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...