Nakayuko lang ako habang naglalakad pabalik sa resort pero napahinto ako ng may dalawang pares ng sapatos ang nakita ko na nasa harapan ko.
Agad kong inangat ang mukha at ganun na lang ang panglalaki ng mata ko ng makita ko si John.
"John" Sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya.
Alam na nyang nandito ako sa samar, so, ibig sabihin alam na nilang buhay si Zoreen. Galit kaya sila samin dahil hindi namin inamin sa kanila?
Sa kanilang lima na bloodkings si John ang sobrang over protective sakin. Minsan nga napagkakamalan na kaming magkarelasyon dahil sa sobra nitong ka'over-protective, tapos sweet pa.
Pero walang malisya sakin yun dahil talagang mabait lang si John sakin at lalo na kay Zheryo. Tinuturing ko syang bestfriend ko.
"So alam nyo na" Sabi ko sa kanya habang pilit parin na nakangiti sa kanya.
"Yes. At iuuwi na kita sa manila" Seryoso nyang sabi kaya napasimangot ako.
"Ayaw. Gusto ko pang makasama si Zoreen" Sabi ko.
"Pero hindi ka nya maalala" Madiin na sabi nya.
Napabuntong hininga ako sa isipan na umaatake na naman ang pagiging over-protective nya.
"I know pero alam ko someday maaalala nya rin ako. Hindi man ngayon, bukas, sa isang bukas. Alam ko darating din ang panahon na maaalala nya ako" Sabi ko sa kanya.
Lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit na para bang sa pamamagitan ng pag yakap nya sakin, mababawasan ang sakit na nararamdaman sa puso ko kinagat ko ang labi ko para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mata ko.
Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko.
"Masaya ka ba na nakita mona sya?" Seryoso nyang tanong sakin.
Natigilan ako dahil sa tanong nya. Masaya nga ba ako na nakita ko si Zoreen? Pinakiramdaman ko ang sarili ko, oo. masaya ako, masaya ako na sa wakas nakita ko na ang taong mahal ko at alam kong buhay sya.
Pero mas nangingibaw ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa isipan na buhay nga sya pero hindi naman nya ako maalala at ang masakit pa doon pinagtutulukan nya akong lumayo sa kanya.
Pero ayaw kong ipaalam yun kay John ayaw kong mag alala sya sakin kaya hanggat maaari ikikimkim ko nalang 'tong nararamdaman kong sakit.
Kaya ko pa naman eh.. Hindi mali. KAKAYANIN pala.
"Oo naman masaya ako... Masaya ako kasi finally nakita ko na rin si Zoreen" Nakangiting sabi ko sa kanya.
"If it hurts. Just say so. Don't just smile like a fool" Seryosong sabi nya na ikinawala ng ngiti ko.
Kahit anong pigil ko sa mga luha ko trinaydor ako ng mata ko dahil nag unahan ng magbagsakan sa pisngi ko ang masagana kong luha.
Niyakap ko sya ng mahigpit at ganun rin ang ginawa nya hindi ko alam kung paano ko pa iha-handle itong sakit na nararamdaman ko.
"Pakiramdam ko unti unti akong namamatay sa sakit parang hindi ko na kinakaya" Sabi ko kanya habang patuloy parin na umiiyak.
"If you didn't kill your feelings with him. That feelings will kill you" Sabi nya.
"Kung kaya ko lang patayin ang nararamdaman ko para sa kanya. Edi sana noon ko pa ginawa. Mahirap patayin ang pagmamahal ko para kay Zoreen. Hindi ko kaya. Hindi." Sabi ko sa kanya at mas lalo syang niyakap.
"Ayaw kitang nakikitang nagkakaganito Flame. Kaya iuuwi na kita sa manila huwag mo ng saktan ang sarili mo"
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan nya ang luha sa pisngi ko.
"Don't cry. I don't want to see you crying" Sabi nya.
Ngumiti ako ng pagak ng may maalala ako sa sinabi nya.
"Sinabi rin sakin yan noon ni Zoreen. Pero tignan mo ngayon, sya ang dahilan ng mga luha ko" Natatawa kong sabi sa kanya.
"Yeah. At nagiging mahina ka kapag nandito ka sa samar. Kaya bukas uuwi na tayo sa manila" Final na sabi nya na ikinailing ko.
"No. May date kami bukas ni Zoreen niyaya ko sya kapalit nun na hindi kona sya guguluhin. Pwede bang sa isang araw na lang tayo bumalik ng manila?" Sabi ko.
Mataman lang syang nakatingin sakin habang nakakunot ang noo nya. Pinagtiklop ko ang dalawang kamay ko sabay nag puppy eyes.
"Please. Please. Please?"
Bumuntong hininga sya kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti ng tagumpay. Alam ko kapag ganito na sya hindi na nya ako matatanggihan.
"Fine. Basta sa isang araw babalik na tayong manila. Understand?"
"Yeeheeyyy" Parang batang sabi ko sabay yakap sa kanya kaya napatawa sya.
"Moody. Kanina umiiyak ka ngayon naman masaya kana" Sabi nya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Masaya ako kapag nakakasama kita John. Parang ang gaan ng nasa paligid ko kapag nasa tabi lang kita. Katulad ng ganito ang gaan lang sa pakiramdam dahil kasama kita"
Natigilan sya sa sinabi ko at hindi agad nakapagsalita.
"Baka inlove kana sakin" Nang aasar na sabi nya.
Natatawang hinampas ko sya sa braso habang napangiwi naman sya at hinamas himas ang braso nyang hinampas ko.
"Assuming ka John"
Mas lalo syang natawa sa sinabi ko. Inakbayan nya ako.
"Tignan lang natin baka mamaya sabihin mo nalang sakin na nainlove kana sa isang gwapong katulad ko" Mayabang na sabi nya.
"Wow naman. Huwag kang magdala ng bagyo dito John Lim" Sabi ko sa kanya sabay irap.
Mas lalong lumakas ang tawa nya dahil sa sinabi ko.
"Tatawa tawa ka jan baka mamaya nyan ikaw na pala ang inlove sakin. Sinasabi mo lang na ako ang maiinlove sayo" Dagdag na sabi ko sa tono na may pang aasar.
Natigil sya sa pagtawa at umiwas ng tingin sakin.
Luh? Anyari?
"Tss. Nagugutom na ako wala pa akong kain simula ng dumating ako dito kanina. Tara kain tayo" Yaya nya sakin at hinila na ako paalis.
Nagkibit balikat na lang ako sa pagbabago ng mood ni John.
***
Sapul si John hahaha. Bumalik sa kanya ang pang aasar nya😁
Please don't forget to VOTE and COMMENTS:)
Thank you😘
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...