Flame Pov.
Naglalakad ako ng biglang may tumakip sa bibig ko at kinalakadkad ako papunta sa medyo tagong tao. Nang bitawan ng gagong tao na nanghila sakin agad akong humarap sa kanya at malakas ko siyang sinuntok sa tiyan.
Napaubo siya at napaluhod habang hawak hawak ang tiyan niyang sinuntok ko. Lalaki siya, pero dahil nakayuko siya hindi ko makita ang mukha niya.
"Sino ka? Bakit mo ako kinaladkad dito ha? Anong pinaplano mo sakin? Anong kailangan mo? Magsalita ka!" Deri'deristyo kong sabi sa kanya.
"Shut up your fucking mouth bitch!" Galit na sabi niya sabay angat ng mukha niya.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kabuuan ng mukha niya.
"Z-Zoreen? Ayos ka lang ba?" Tanong ko sabay alalay sa kanya na tumayo.
Tinignan niya ako sa mga nanlilisik niyang mga mata. Namumula ang buong mukha niya dahil sa galit.
"The hell! Sinuntok mo ako sa tiyan tapos tatanungin mo ako kung ayos lang ba ako? Ginagago mo ba ako babae!?" Galit na sabi niya.
Napasimangot ako dahil sa sinabi niya.
"Sorry na self defense ang tawag doon."
"SELF DEFENSE!!? GAGO KA BA! HINDI PA NGA KITA SINASAKTAN TAPOS NAG SE-SELF DEFENSE KA NA! BULLSHIT!!" Galit na bulyaw niya sakin.
"EH ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?! SAKA NA AKO MAG SE-SELF DEFENSE KAPAG NASAKTAN MO NA AKO!!?" Sigaw ko rin sa kanya.
Pinagtitinginan na kami ng ibang studyante pero wala kamimg pakiilam.
"BAKIT KA SUMISIGAW!!?" Galit na sigaw niya rin.
"SUMISIGAW BA AKO!!? GANITO LANG TALAGA BOSES KO TANGINA MO!"
Natahimik ako ng may maalala ako, naalala ko kasi na nagkausap rin kami ng ganito dati.
"So bakit mo nga ako kinaladkad dito? Balak mo ba akong rapen? Hindi mo naman kailangan kaladkarin ako papunta dito, sasama ako sayo kahit hindi mo ako pilitin basta ba panagutan mo lang ako." Biro ko sa kanya.
Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya.
"You're not my type. Magugunaw mo na ang mundo bago mangyari 'yon." Suplado niyang sagot.
Sinuntok ko siya sa braso dahilan para mas lalo niya akong tignan ng masama.
"Bakit yung niligawan mo ako hindi naman nagunaw ang mundo ah? Binuo ko pa nga ang mundo mo eh." Hugot ko sa kanya.
"Tss. Let's go." Sabi niya sabay hila sakin.
"Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong.
"Don't ask just shut up your fucking mouth!"
"Hoy Zoreen kidnapping 'to ah! Sisigaw ako."
Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako pinitik niya ako sa noo.
"Kanina iniisip mo na ri-rape'in kita tapos ngayon iniisip mo naman kinikiddnap kita, may sayad ka ba sa utak?" Kunot noong tanong niya.
"Gago! Huwag ka naman masyadong prangka. Nakaka hurt ka ah..." Sabi ko sabay simangot.
Pero hindi niya ako pinansin at muli niya akong hinila. Ano kaya nakain nglalaki na 'to at hinihila ako kung saan? Hindi kaya napagkamalan niya akong si Shantal kaya hinila niya ako?
Imposible naman bukod sa mas matangkad sakin si Shantal mas maganda ako sa kanya, no. Saka napansin ko rin na hindi siya nagrereklamo na tinatawag ko siyang Zoreen.
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...