Chapter Seventy Nine.

4.7K 132 17
                                    

Flame Pov.

Masaya at excited akong nagising dahil birthday ko ngayon, pero napawi lahat iyon ng makita ko ang mga kasamahan ko na parang wala lang sila kung anong araw ngayon.

Bakit nga ulit kami pumunta dito sa taguig para i-celebrate ang birthday ko diba?

"Gising ka na pala. Kumain ka na lang tapos na kami kumain. Anyway happy birthday sis. I love you." Nakangiting sabi sakin ni ate Ashlea at tumutok ulit sa pinapanuod niya.

"Happy birthday liit. More birthday to come sayo." Bati rin sakin ni Jennica.

"Happy birthday apoy. Dalagang dalaga ka na. Ayiieee..." Sabi ni Claire.

"Happy birthday." Halos yan lang rin ang sinabi sakin nila Akirah, Arquelyn, Xella, Danirisse at Rosevil.

That's it? Yun na yun? Walang party... Walang celebration? Hindi ganito ang inaasahan ko. Nakakadissapointed lang kasi iba ang ine-expect ko na mangyayari.

"Flame happy birthday enjoy your birthday." Nakangiting bati sakin ni Shantal at niyakap ako.

Enjoy my birthday? Yeah. Whatever.

"Thank you." Matabang na sagot ko at tumalikod sa kanila para hindi nila makita ang lungkot sa mga mata ko.

Mabigat ang loob kong pumasok sa kusina mas nagpabigat pa sakin ng kalooban yung kumain sila ng umagahan na hindi manlang nila ako ginising.

Like seriously, anong gagawin namin dito kung hindi naman pala namin i-cecelebrate ang biryhday ko!?

"Drink this it's good for your health." Kumunot ang noo ko sa binigay na gatas sakin ni Danirisse.

"What?" Inis niyang sabi.

Hindi na lang ako nagsalita saka ko ininom ang gatas na sobrang tamis. Puta!

"Danirisse may galit ka ba sakin?" Nagtaka siya sa tanong ko.

"Wala. Bakit?" Takang tanong niya.

"Eh, sa asukal galit ka ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Damn it Flame sempre wala! Bakit ba!?" Galit na sabi na niya.

"Sobrang tamis ng gatas akala ko may galit ka sakin o galit ka sa asukal eh." Sabi ko sabay kibit'balikat.

"Tangina. Makakapatay ako ng tao ngayon. Sabi ni Jennica tatlong scoup ng kutsara raw ilagay ko sa gatas mo. Hindi ako umiinom ng gatas kaya hindi ko alam kung nilalagyan pa ba ng asukal ang gatas kasi alam kong matamis na yan. But Jennica insist na dapat pa raw lagyan ng asukal yan dahil hindi pa sapat ang tamis, baka daw hindi mo magustuhan."

The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon