Someone's Pov.
Yumakap ako kay Jun habang naninigarilyo siya katatapos lang namin mag sex and i guess katulad ng dati na satisfied ko naman siya. Aba. Dapat lang mahirap umarte sa harap niya na gustong gusto ko ang ginagawa niya kahit ang totoo naman talaga ay nakakasuka.
"Love i think dapat na akong magparamdam sa buhay ni Flame. Medyo matagal na rin akong nanahimik at na bo-bored na ako. Gusto kong makita ang takot sa mga mata ni Flame habang pinaglalaruan ko siya" Nakangisi kong sabi.
Pinatay niya ang yosi sa ashtray at tinitigan ako.
"Anong plano mo?" Tanong niya.
Mas lalo ko siyang niyakap, napapangiti ako kapag naiisip ko ang plano na gagawin ko kay Flame.
"Anong plano ko?" Sabi ko sabay tingin sa mga mata niya. "Plano kong pakabahin siya ng sobra sobra. Gusto kong ma-paranoid siya kung sino ang nagbabanta sa buhay ng mga taong mahal niya. Gusto kong isipin niya na tapos na ang masasaya niyang araw, dahil sisiguraduhin ko na magdudusa siya... Ipaparanas ko sa kanya kung ano ang pakiramdam ng magdusa at maghirap. Kung ano ang naramdaman ko ng mga panahon na yun, kung gaano kahirap at kasakit ang mga pinagdaanan ko habang siya ay nagsasaya. Wala siyang karapatan maging masaya Jun. Wala!"
Napakamao ako sa matinding galit na nararamdaman ko. Hindi pwedeng masaya siya habang ako ay nagdurusa hanggang ngayon. Hihilahin ko siya papaba hanggang sa maging magkapareho kami ng kalagayan.
"Tell me love kung anong plano mo at ako na ang bahala mag utos sa mga tauhan ko" Tumingin ako kay Jun at ngumiti.
"Thank you love. Alam kong maaasahan kita, buti na lang nandito ka. Dahil kung wala ka hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko" Pag da-drama ko sa kanya.
"Anything for you love. Lahat gagawin ko para sayo"
Hinila ko ang batok niya at hinalikan siya ng mariin para maunawaan niya kung ano ang gusto kong mangyari, at hindi nga ako nabigo dahil hiniga niya ako sa kama at pinaibabawan.
Sige lang angkin mo lang ako ng angkinin hanggang sa magsawa ka. Dahil oras na matapos ko ang paghihiganti kay Flame, hindi na kita pakikinabangan kaya itatapon na lang kita na parang basura na wala ng silbi.
Be ready Flame Collins dahil sisimulan ko ng guluhin ang buhay mo...
Flame Pov.
PAALIS na sana ako mula sa HQ ng may tumawag sa'kin.
"Flame"
Nilingon ko ang taong tumawag sa'kin at napangiti ako ng makita kong si John iyon.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Pasyal tayo" Nakangiti niyang sabi.
"Pasyal? Saan naman tayo papasyal?"
"May alam akong magandang park na pwede natin pasyalan" Napakamot siya sa batok niya na parang nahihiya.
"Okay" Pagpayag ko.
Lumiwanag naman ang mukha niya sa sagot ko.
"Kotse ko na lang ang gagamitin okay lang ba?"
"Sure" Sabi ko na nakangiti.
Sumakay na ako sa kotse at ganun rin siya. Nagsimula na siyang magmaneho binuksan ko ang bintana ng kotse para pumasok ang hangin. Napapikit pa ako ng tumama sa mukha ko ang hangin.
Hindi ko maiwasan ang magbalik tanaw sa nakaraan namin ni Zoreen ng first time niya akong sunduin sa bahay.
"Bakit ka ba pumunta dito ha? Syaka bakit nagpakilala ka kanila mommy and daddy na boyfriend kita. Nakalimutan mo na bang FAKE RELATIONSHIP lang ang meron tayo ngayon"
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...