Xella Norris Pov.
Natagpuan na walang buhay ang katawan ng isang politician na si Rodel Hastabante sa isang bahay nito sa quezon city sunog ang mukha nito na hanggang sa leeg at my tama ng ilang baril sa katawan. My nakaukit din sa dibdib nito na RED.
Ngunit sino nga ba si Red? At kaano ano nito sila Black, blue, white, at violet na katulad rin nya ay nag iiwan din ng palatandaan ng mga taong pinapatay nila--
"Bakit mo pinatay nanunuod pa ako eh" Tinaasan ko ng kilay si Dennis dahil sa pagrereklamo nya.
"Umuwi ka sa inyo at doon ka manuod syaka ano bang ginagawa mo dito ah? My sarili kayong hide out ng BloodKings bakit dito kayo nagsusumiksik sa hide quarter namin" Sabi nya dito.
"Grabi ka naman magsalita Xella, eh, mas gusto namin dito lagi maraming pagkain hahaha" Tumatawang sabi ni Jerald.
"Hayaan mona Xella siguro naghhirap na sila kaya dito nakikisiksik satin" Pang aasar naman ni Rosevil.
"Hoy! Hindi kami naghihirap no, hinding hindi maghihirap ang BloodKings" Inis na sagot ni Jerald.
"Grabi si Queen masyadong brutal kung pumatay kahit isang taon na ang lumipas nakakapanibago parin sya" Umiiling na sabi ni Nike.
"Mas mabuti ng ganun sya kaysa naman katulad ng dati dapat nga matuwa pa kayo dahil hindi na sya mahina katulad ng noon" Nakangising sagot ni Jennica habang ngumunguya ng bubble gum.
"Matuwa? Ano ang dapat ikatuwa namin doon? Nang dahil sa inyo kung bakit kaya ng pumatay ng tao ngayon ni Flame!" Galit na sabi ni John.
Bumukas ang pintuan na nagkokonek sa room ng agency nila na 'Job Order' at niluwa nun si Danirisse na walang emosyon ang mukha.
Malaki ang hide quarter namin at bukod doon walang basta basta makakapasok sa hide quarter namin dahil maraming patibong ang naghihintay sa kanila bukod pa doon maraming CCTV na nakapalibot sa bahay namin papunta palang sila sa agency slash bahay namin kitang kita na sila ng CCTV. Matagal na ang 'Job Order' namin noong nagpakalayo layo sila dati sa Bloodkings na busy sila dito sa agency.
Maingat rin kami sa trabaho namin dahil illegal ito pero hindi naman kami ang nakikiusap sa mga customers namin para pumunta sila dito sa agency namin sila lang ang nagkukusa at sinisigurado namin sa mga customers namin na hindi nila pwedeng isumbong to sa pulis, government o kahit NBI pa yan, sila lang ang kawawa.
"Where's Flame?" Malamig na tanong ni Danirisse.
"Bakit? Huwag mong sabihin na my kumuha na naman sa kanya sa JOB ORDER at papatay na naman sya? Katatapos nya lang pumatay kagabi Danirisse heto nga oh at kakabalita palang sa tv sa taong brutal nyang pinatay!" Galit na sabi sa kanya ni John.
Tinitigan sya ni Danirisse ng matalim lahat kami dito ay tahimik at walang makapagsalita nararamdaman din namin ang nakakatakot na aura ng dalawa.
"Kung my trabaho na naman sya ngayon hindi ko na kasalanan yun kusa ang mga customers ang namimili kung sino ang gagawa ng ipapautos nila" Malamig na sagot ni Danirisse.
"PUTANGINA NG DAHIL SA INYO KUNG BAKIT NAGING KILLER SI FLAME!" Galit na sigaw ni John.
Bang
"Danirisse" Gulat na sabi ko at lumapit sa kanya hinawakan ko ang kamay nya para ibaba nito ang hawak nyang baril.
Tinignan ko si John na nakahawak sa balikat nya my daplis ito ng bala. Nanglilisik ang mga mata nito na nakatingin kay Danirisse.
"Woah! Kalma lang Danirisse hindi tayo magkakalaban dito magka-kakampi tayo dito" Sabi ni Nike.
"Lahat tayo dito killer, lahat tayo dito pumatay na ng tao! Lahat tayo dito nabahiran na ng dugo ng taong pinatay natin! And let me remind you John Lim pumatay ka na rin bago pa maging 'killer' si Flame na sinasabi mo. Bakit sino pa ba ang HINDI KILLER satin dito at papatayin ko ngayon mismo"
Walang nakareact sa sinabi ni Danirisse lahat kami ay natahimik umalis sya at pumunta sa taas ng kwarto nya.
"Linisan mona yang sugat mo, you idiot" Seryosong sabi ni James na ngayon lang nagsalita hinagis nya dito ang medical kit buti nalang nasalo ito ni John bago pa tumama sa mukha nya.
Totoo rin naman ang sinabi ni Danirisse lahat kami dito ay killer na, lahat kami dito ay pumatay na ng tao. Oo, kami nga ang dahilan kung bakit nag iba na ngayon si Flame pero tinulungan lang namin sya kung paano maging malakas hindi namin sya pinilit na pumatay ng tao, hindi namin sya pinilit na maging katulad namin, hindi namin sya pinilit para maging killer lahat ng yun ay CHOICE NYA.
Sa buhay natin marami talagang nagbabago kahit ayaw man natin myrong magbabago at magbabago parin. Sabi nga nila NOTHING'S PERMANENT lahat nagbabago pero ang pagbabago ni Flame ay choice nya yun. Minsan talaga nagbabago ang tao dahil sa mga naging karanasan nila katulad nalang ni Flame ang mga naging karanasan nya noon ang naging dahilan kung bakit sya nagbago ngayon.
Ang pangit na naging karanasan mo noon ang syang maghububog sayo para magbago ka at maging malakas. Ang mga pangit na nakaranasan mo ang magtuturo sayo kung paano maging matatag, matibay at higit sa lahat para maging malakas.
"Xella magluto ka na nga lang nakakagutom ang nangyari sa dalawa" Sabi ni Jerald.
"Nakakagutom? Sabihin mo lang patay gutom ka talaga" Pang aasar sa kanya ni Rosevil.
"Hoy hindi ako patay gutom no! Sa gwapo kong 'to magiging patay gutom lang ako? Never mangyayari yan" Depensa ni Jerald at inayos pa ang buhok nito.
Aakyat na sana ako ng magsalita si James.
"Where are you going?" Nilingon ko si James na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin.
"Lalabas. Eto kasi ang daanan palabas ng bahay na to. Tanga lang James alam mong hagdanan to papuntang kwarto tapos magtatanong ka kung saan ako pupunta? Bopols." Pamimilosopo ko sa kanya.
"Tangina!" Inis na sabi nya.
"Hindi ka magluluto?" Tanong pa sakin ni John.
"Kusina ba tong hagdanan?" Pamimilosopo ko rin sa kanya.
"Wala ka talagang kwentang kausap" Naiinis na sabi ni James pero nginisihan ko lang sya.
Hindi kona sila pinansin at dumiretsyo na lang ako ng pag akyat.
"AKO NA ANG MAGLULUTO" Masayang sigaw ni Jennica.
"Yatik! My estinggisher na ba sa kusina nyo? Hindi natatapos ang pagluluto ni Jennica na walang nasusunog" Rinig kong sabi ni Dennis.
"Hindi na kailangan yun ni Jennica kaya na ng malaking bunganga nya paapolahin ang apoy diba Jennica?" Sabi ni Rosevil na my pang aasar ang tono.
"GAGO KANG BABAE KA PAPATAYIN KITA!" Galit na sigaw ni Jennica.
Sunod ko nalang na narinig ay my kalabugan ng nangyayari sa baba napailing na lang ako bago pumasok sa loob ng kwarto ko.
***
WARNING: BRUTAL, PALAMURA, BRUTAL,
PALAMURA, BRUTAL, PALAMURA, BRUTAL.Brutal at maraming mura sa storya na to kaya kung hindi ka sanay sa mga badwords at brutalan free to leave my story.
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
AcciónSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...