Papunta ako ngayon sa headquarter ng Blinks tumawag kasi sa akin si Danirisse at pinapapunta nya ako sa HQ gusto nya akong kausapin. Pagkarating ko sa HQ nakita ang ibang Blinks na my kanya kanyang ginagawa.
"Uy Liit congrats sa mission mo nagawa mo ng maayos, pinasikat mo na naman ang pangalan mo" Nakangising sabi sakin ni Jennica sabay akbay.
Napasimangot ako dahil sa tinawag nya sa akin, ginagaya nya kasi si Rosevil na kapag inaatake ng topak inaasar akong LIIT!
Palibhasa mga matatangkad sila! Inis na tinanggal ko ang kamay nyang nasa braso ko.
"Pwede ba huwag mo akong matawag tawag na liit at baka mapikon ako sayo tawagin kitang bayawak" Sabi ko sa nang aasar na tono.
Nalukot ang maganda nyang mukha dahil sa sinabi ko madalas nya akong tawagin na liit, dati inis na inis pa ako sa tinatawag nya sa akin hanggang sa nakasanayan kona lang din. Minsan kapag inaasar ko rin sya tinatawag ko syang bayawak kasi diba ang bayawak malaki ang bunganga.
"Letche ka doon kana nga sa office ni Danirisse kanina kapa nya hinihintay" Sabi nya sabay tulak sa akin.
Tinignan ko mona sya ng masama bago pumunta sa office ni Danirisse hindi na ako nag abala pang kumatok dahil alam ko naman na alam nyang nandito na ako.
Bukod sa my CCTV ang office nya maraming nakapaligid rin sa HQ slash bahay na 'to na CCTV papunta kapa lang alam na nila ganyan katinik at katalino ang Blinks.
Pagbukas ko ng pintuan bumungad sa paningin ko ang maamong mukha ni Danirisse na minsan ko lang makitaan ng ibang emosyon. Lagi kasi itong seryoso at malamig ang boses kumbaga girl version sya ni Zoreen.
"Have a sit" Malamig na sabi nya sa akin at bahagyang tinuro ang upuan sa tapat ng lamesa nya.
"Anong meron?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"First i want to congratulates you dahil nagawa mo ang mission mo ng maayos, second i have a good news for you and im sure kapag narinig mo to sigurado akong matutuwa ka" Sabi nya na my nagtatagong kakaibang ngiti sa mga labi nya.
Tinaasan ko sya ng kilay bago nagsalita.
"Spill it"
Mula sa lamesa nya kinuha nya ang wine at nagsalin sa dalawang baso pagkatapos binigay nya ito sa akin at nag tost kami sabay namin ininom ang alak habang nakatingin kami sa isat isa. Nauna nyang inilagay sa lamesa ang baso nyang wala ng laman sinunod ko ang akin na wala na rin.
Nilagyan nya ulit ang baso ko ng wine pagkatapos gamit ang mga mata nya tinuro nya ang alak na nasa baso na para bang sinasabi nito na 'inumin mo ulit yan' bumuntong hininga mona ako bago ko kinuha ang basong my laman ng alak at ininom ko ito ng straight habang nakatingin sa kanya nakita ko ang unti unting pag ngiti nya na para bang na satisfied ito sa ginawa ko.
Sa ilang taon kong nakasama si Danirisse alam na alam kong mahilig ito sa pag inom ng wine walang araw na hindi ito umiinom ng alak. Kahit na my mga mission syang ginagawa umiinom mona ito ng alak.
"Nahanap na si Zoreen"
Nabitawan ko ang basong hawak ko sa sobrang tahimik ng paligid namin rinig na rinig ang pagkabasag ng baso. Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat dahil sa sinabi nya parang gusto kong maiyak sa tuwa dahil finally after 2years nakita na rin sya.
Ang Yelo ko nakita na sya..
"S-s-sigurado ka ba jan sa s-sinasabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Hindi sya nagsalita mula sa drawer ng lamesa nya my kinuha sya doon na black envelope binigay nya sa akin ito, walang sali'salita na kinuha ko ang black envelope at tinignan kung ano ang laman nun. Magkahalong lungkot, saya, pangungulila at sakit ang nararamdaman ko ng makita ko ang mga stolen shots nya sa picture.
Lungkot dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, saya dahil sa wakas nakita na rin ang taong mahal ko na matagal kong hinahanap, pangungulila dahil sa tagal ng panahon na hindi ko sya nakasama at sakit dahil hindi na ako mahal ng taong mahal ko kundi ang taong kayakap na nya dito sa picture. Tipid lang ang ngiti nya dito pero kitang kita ko ang saya sa mga mata nya.. Na dati ay para sakin..
Zoreen.. Kaya ba hindi kana bumalik sa akin dahil masaya kana kung nasaan kaman ngayon? Dahil masaya kana sa piling ng babaeng mahal mo ngayon? Paano naman ako?
Sa nakalipas na ilang taon wala parin pagbabago ang expression ng mukha nya sya parin yung Zoreen na hindi palangiti, laging naka poker face, seryoso, at kinakatakutan kapag tinitigan mo. Mali, my isa palang nagbago sa kanya yun ay ang HINDI NA AKO ANG MAHAL NYA. Parang pinipiga ng sobra ang puso ko sa kaalaman na hindi na ako ang mahal nya. Kahit pinapatay ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko pinigilan kong huwag malaglag ang mga luha ko.
"Napag alaman kong nasa samar sya ngayon kung saan nakatira ang mga taong kumupkop sa kanya. Ayon pa sa nalaman ko nakita syang nasa mga batuhan ng dagat maraming sugat at na confine sya sa hospital ng 8 walong buwan dahil sa pagkaka comatose" Napatingin ako sa sinabi ni Danirisse.
Comatose? Na comatose sya?
"My amnesia sya Flame mula ng magising sya wala na syang maalala kahit na ano sa nakaraan nya kahit ang pangalan nya hindi nya matandaan. Inaalagaan sya ng magkapatid na sila Lee Jung Seok at ang kapatid nitong si Shantal Eunice Seok na napag alamin ko rin na girlfriend nya na ngayon"
Parang bombang sumabog sa tenga ko ang sinabi ni Danirisse ang babaeng nag alaga sa kanya noong nasa hospital sya at na comatose ay syang girlfriend nya ngayon? Hindi ko napigilan ang sarili ko at nalukot ko ang litratong hawak ko picture ito nila Zoreen at Shantal halos hindi ako makapag isip ng tama dahil sa narinig kong sinabi ni Danirisse na girlfriend nya ang shantal na yun at mas lalong hindi matanggap ng puso ko na my iba na itong mahal.
Tumayo na ako at hindi na tinignan pa si Danirisse bubuksan ko na sana ang pintuan ng marinig ko ang sinabi ni Danirisse.
"Kung gusto mo syang makita ibibigay ko sayo ang eksaktong lugar kung saan sila nakatira" Napahigpit ang paghawak ko sa door'knob.
"Para saan pa? Para saktan ang sarili ko? Para ipamukha ko sa sarili ko na ang taong mahal ko ay may mahal ng iba! Na ang taong mahal ko na matagal kong hinanap at hinintay na bumalik sa akin ay hindi na ako mahal!" Hindi ko maiwasan ang maging emotional kay Danirisse.
Pakiramdam ko kasi paulit ulit na dinurog ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"Be thankful Flame dahil buhay pa si Zoreen at hindi pa sya patay, maaaring hindi ka nya maalala ngayon pero we know na kapag bumalik na ang alaala nya babalik sya satin.. Babalik sya sayo" Sabi nya pa.
Hindi ako humarap sa kanya nananatili parin akong nakatalikod sa kanya.
"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, dapat ba akong maging masaya dahil nalaman kong buhay sya o maging malungkot dahil nalaman ko na buhay nga sya pero may mahal na syang iba... At alam mo ba kung ano ang pinakamasakit doon Danirisse?" Sabi ko sabay harap sa kanya.
"Yung hindi na nga nya ako maalala, may mahal na syang iba at masaya na sya sa piling ng iba" Pagkatapos kung sabihin sa kanya iyon ay lumabas na ako ng kwarto.
Nakasalubong ko pa ang Blinks kinausap nila ako pero hindi kona sila pinansin at dumiretsyo lang ako pagpasok sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pintuan sumandal ako dito at doon kona hinayaan bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan unti unti akong napadaosdos sa pintuan at umiyak ng umiyak na parang bata.
***
PLEASE.. Mag comments naman po kayo odikea mag vote po kayo kahit yun nalang hihi. Pero mas sasaya po ako kung mag vo-vote kayo at may kasamang comments:)
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...