Author's Pov.
"NASAAN AKO? SINO KA?" Sigaw ng lalaki bakas sa mga boses nito ang takot.
Ilang beses syang nagpumilit na makaalis sa kinakaupuan nya ngunit bigo sya dahil sa sobrang higpit ng pagkakatali sa kanya sa upuan.
Wala rin syang makita dahil my nakatakip sa mga mata nya hindi nya rin alam kung anong nangyari sa kanya at paano sya napunta sa ganitong sitwasyon ang huli nya lang na natatandaan pauwi na sya sa bahay nya ng my humampas sa ulo nya ng matigas na bagay dahilan para mawalan sya ng malay. At heto nga pagkagising nya nakatali na ang katawan nya sa upuan at my takip ang mga mata nya dahilan para kainin sya ng sobrang takot.
"SINO KA ANONG KAILANGAN MO SA AKIN!? PAKAWALAN MO AKO DITO! MAGPAKITA KA!" Sigaw nya ulit.
Hindi sya nabigo sa huli nyang sinabi dahil tinanggal ang nakapiring sa mga mata nya sa pagdilat ng mata nya malabo pa ito hanggang unti unting luminaw ang paningin nya at ganun na lang ang pamumutla nya ng makita nya ang apat nyang body guard na pugot ang mga ulo pero ang mga katawan nito ay nakabitin sa lubid.
Parang gusto nyang masuka sa nakikita nya lalo na ang dugo nitong tumutulo pa sa katawan ng mga body guard nya sa pinutulan na ulo. Napansin nya rin ang babaeng my maskara ng kulay red at nakaupo sa harapan nya naka-de'kwatro ito ng upo habang hinahawakan ang sobrang talim nitong kutsilyo my hawakan ito sa dulo na kulay red.
"Kanina ka pa sumisigaw Mr. Rodel Hestabante, naririndi na ako sa bunganga mo" Tumaas ang mga balahibo nya sa sobrang lamig ng boses nito.
"S-sino k-ka? Anong kailangan mo sakin? P-pera ba? Magkano sabihin mo lang ibibigay ko kahit m-magkano" Kinakabahan na sabi nya at hindi nya maiwasan ang mautal.
Tumayo ang babae at lumapit sa kanya kung hindi lang sya nakatali sa upuan malamang tumakbo na sya sa sobrang takot. Alam nyang hindi dapat sya matakot dahil lalaki sya at babae ang kaharap nya ngayon pero hindi nya maiwasan ang hindi makaramdam ng takot. My kung anong aura ito na hindi mo gugustuhin na makita o maramdaman manlang pakiramdam nya isang demonyo ang kaharap nya ngayon.
Hindi nya makita ang itshura ng babae dahil nakatakip ito ng kulay pulang maskara na hanggang kalahati sa mukha nya. Tanging ilong at bibig lamang ang nakikita dito nilapit ng babae ang mukha nya sa kanya kaya mas lalo syang nakaramdam ng takot dito.
"S-sino k-ka ba talaga?" Tanong nya ulit dito.
Kinilabutan sya ng magsalita ito sa gilid ng tenga nya.
"I am the devil that will bring you to hell and will give you nightmares" Malamig na sabi nito at lumayo sa kanya.
"Name your price babarayan kita kahit magkano mayaman ako kaya mabibigyan kita ng pera palayain mo lang ako" Desperadong sabi nya.
"Binibili mo ang kalayaan mo? Akala mo ba sa lahat ng oras magagamit mo yang pera mo? Kung nabili mo ang mga pulis para makalusot ka sa kasalanan mo pwest sakin hindi uubra yan. Bayad na ang kamatayan mo Mr. Hestabante my lumapit sa agency namin sa 'Job Order' para ipapatay ka" Sabi ng babae sa kanya.
My kinuha ito sa brown envelope at my kinuhang picture itinapat ito ng babae sa kanya at ganun na lang ang panglalaki ng mga mata nya ng mapagtanto nya kung sino ang nasa picture.
"Sya si Reynand Cunanan mayor ng lugar nyo sa Astor Tanuan naging mahigpit mo syang kakompetensya sa politico at hindi mo matanggap na sya ang nanalo bilang mayor sa lugar nyo kaya ang ginawa mo pinapatay mo sya! At alam mo kung ano ang ikinainis ko pa sa nalaman ko? Pinatay sya sa mismong HARAPAN ng anak nya pitong taon palang ang bata na yun para masaksihan nya ang ginawang krimin sa pagkamatay ng daddy nya. At dahil MAYAMAN KA binili mo ang mga pulis para ibasura ang kaso na isinampa ng pamilya nya laban sayo!" Galit na sabi ng babae.
"Hindi totoong pinatay ko si Reynand wala silang ebidensya na magpapatunay na ako ang nagpapatay sa kanya!" Sagot naman ni Rodel.
"Ebidensya? Paano magkakaroon ng ebidensya eh, pinapatay mo ang taong tetestigo sana at magpapatunay sa krimin na ginawa mo" Ngumisi ang babae sa kanya at lumapit mas lalong dumoble ang takot na nararamdaman nya.
"My gusto akong sabihin sayo bago kita patayin. Hindi mo madadala ang pera sa kamatayan mo" Pagkatapos sabihin ng babae yun sinaksak sya nito sa tyan at hinugot ang kutsilyong nakatarak sa tyan nya.
Tumulo ang dugo ng lalaki sa labi nya bakas parin sa mga mata nito ang takot habang nakatingin sa babaeng my maskara ng pula at kasing lamig ng yelo kung magsalita. Tinanggal ang pagkakatali sa kanya pagkatapos sinipa sya nito ng malakas dahilan para mapahiga sya.
Kahit gusto nyang tumakbo ay hindi nya magawa dahil sa labis na panghihina na kanyang nararamdaman. Tumalikod sa kanya ang babae at naglakad ito sa my drum na lata my kinuha itong isang gallon sa gilid at binuhos ang laman sa loob ng drum.
Amoy na amoy nya ang gas at alam na nya kung ano ang balak nitong gawin sa kanya kitang kita nya kung paano lumaki ang apoy sa loob ng drum na mas lalong nagpakaba sa kanya nararamdaman nya ang kamatayan nya sa loob ng drum. Pinilit nya ang sarili nyang gumapang pero hindi pa sya nakakalayo ng my umapak ng madiin sa ulo nya.
"Huwag mong takasan ang kamatayan mo Mr. Hestabante kanina pa hinihintay ni Satanas ang regalo ko sa kanya" Pagkatapos sabihin ng babae yun sa kanya ay kinaladkad sya nito papunta sa drum na my malaking apoy sa loob.
"Wala kang pamilya kaya hindi mo alam kung anong pakiramdam kung paano mamatayan ng mahal sa buhay at mas lalong hindi mo alam ang pinagdadaanan ng bata ng makita nya kung paano pinatay ang daddy nya sa harapan nya. Tignan natin kung iyakan ka ng mga taong nakapaligid sayo ng dahil sa pera mo kapag namatay ka" Sabi pa ulit nito huminto sila sa harap ng drum.
Hindi na napigilan ng lalaki at tumulo na ang mga luha nya naihi na rin ito sa sobrang takot.
"Please maawa ka sa akin" Sabi ni Rodel.
"Hindi ako dyos para maawa" Pagkatapos sabihin ng babae yun buong lakas syang hinila nito palapit sa drum dahilan para masunod ang mukha nya.
"AAAAHHHHHHH" Malakas na sigaw ng lalaki.
Binitawan ni Flame si Rodel at malamig nya lang na tinignan ang lalaki habang nasusunog ang mukha nito kahit kunting awa wala syang maramdaman dito. Hindi na sya ang dating Flame na mahina ang loob at hindi kayang pumatay ng tao dahil ngayon mas matibay pa sa bato ang puso nya tinaas nya ang baril na hawak nya at pagkatapos sunod sunod nya itong binaril.
Bang
Bang
Bang
Bang
Natumba ang lalaki sa sahig kumuha sya ng tubig at binuhos ito sa lalaki kitang kita nya ang sunog nitong mukha hanggang leeg halos hindi na ito makilala sa sunog na idinulot nito sinira ni Flame ang damit ng lalaki sa bandang dibdib at katulad ng ginagawa nya sa ibang customers nya sa 'Job Order' iniiwanan nya ito ng palatandaan.
Gamit ang matalim nyang kutsilyo sinulatan nya ito ng RED pagkatapos iniwan nya na ito at umalis na.
***
Wiw! Nakakatakot na ngayon si Flame tuluyan na nga bang nagbago ang 'Dwarf' ni yelo?Ps:Naawa ako sa lalaki habang sinusulat ko to nakaramdam ako ng konsensya pero wala eh, kailangan talaga to.
Don't forget to vote and comments😊
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...