Author's Pov.
Nakangiting nilalanghap ni Flame ang sariwang hangin mula sa garden kung saan siya nakatambay ngayon habang nakapikit ang kanyang mga mata.
"Waahhhh Flame help me si Mikka hinahampas ako huhuhu."
Mula sa pagkakapikit dumilat siya at gulat na nilingon si Donalyn na maluha luhang papunta sa kanya. Hinahabol ito ni Mikka na may hawak na panghampas sa langaw.
Medyo nataranta siya ng magtago sa kanya si Donalyn at siya ang pinanghaharang nito kay Mikka, na nakasimangot at pilit na pinapalo si Donalyn.
"Teka nga, ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Aray! Mikka masakit ah, ano ba!" Reklamo niya ng mahampas siya ni Mikka sa ulo.
Tumigil si Mikka sa pagpapalo kay Donalyn at nakamaywang itong tumingin sa kanya habang may inis parin sa mukha nito.
"May pisteng langaw kasi na naliligaw rito sa bahay natin eh, pinapatay ko lang." Inis na sabi nito sa kanya.
"Waahhh... May deperensya na ba mata mo Mikka? Hindi ako langaw... Tao ako, tao." Sagot naman ni Donalyn.
"Sinong nagsabi sayo na tao ka? Isa kang piste na langaw! Kinain mo ang chocolate kong itinabi sa ref." Nanglalaking mata na sabi ni Mikka at sinubukan ulit hampasin si Donalyn na todo iwas at siya ang ginagawang panangga.
"Hoy Mikka huwag kang namimintang kung hindi mo naman nakita. Wala kang prove na ako ang kumain ng chocolate mo." Sabi ni Donalyn sabay pout.
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...