Author's Pov.
Nakangiting inilibot ni Shantal ang loob ng Sanford Academy. First day of school ngayon kaya maraming mga studyante ang excited na pumasok at isa na roon si Shantal.
Tumingin si Shantal kay Harjen na seryoso lang ang mukha. Simula ng umalis sila sa bahay ay tahimik na ito at hindi siya masyadong kinakausap.
Pero unti unti na rin siyang nasasanay doon, kailangan niyang mag adjust sa bagong pinapakita na pag uugali sa kanya ng boyfriend niya dahil baka ito talaga ang ugali niya noong hindi pa ito nagkakaroon ng amesia.
"Excited na akong makilala ang mga bago natin magiging classmates Harjen. Ikaw ba?" Masayang tanong ni Shantal kay Harjen.
Saglit lang siya nitong nilingon bago nagsalita.
"No. Wala naman nakaka excite sa pagpasok ng school." Malamig na sagot nito.
Pilit lang siyang ngumiti dito hindi niya maiwasan ang masaktan kapag ganito ito kalamig sa kanya. Pakiramdam niya hindi siya nito gusto makasama at napipilitan lang na pakisamahan siya.
Kapag nasa bahay kasi ito halos magkulong na lang ito sa kwarto niya kaya hindi niya na ito nakaka kwentuhan hindi katulad ng dati.
Napatingin siya sa taong bumunggo sa braso niya.
"Huwag mo na lang pansinin ang misteryoso mong boyfriend. Mukhang may regla ata ngayon yan, kaya nagsusungit" Sabi sa kanya ni Akirah.
"Lagi yang nagsusungit. So, it's mean lagi siyang nireregla?" Pagsingit naman ni Arquelyn.
"Oo. At iyan ang ikamamatay niya, ang pagkawala ng dugo dahil sa araw araw na pag re-regla niya"
Nagtawanan ang dalawang kaibigan ni Shantal at nag apiran pa. Habang lalo naman sumimangot ang mukha ni Shantal dahil sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya sa boyfriend niya.
"Hoy kayong dalawa umayos kayo ah. Boyfriend ko yang binubully niyo." Sermon niya sa dalawa.
"Shit! Pre may mga bago daw chicks sa labas, mukhang mga transferees"
"Oo nga. Magaganda daw. Tara tignan natin"
Nagtatakang tinignan ni Shantal at ng dalawa niyang kaibigan ang dalawang lalaki na nag uusap habang papunta sa entrance ng gate.
"Hmm... Nakaka curious ah. Taon taon naman kapag unang pasukan may mga transferees din, pero hindi ganyan ka oa ang mga lalaki dito." Nagtatakang sabi ni Arquelyn.
"Let's go. Tignan natin ang mga bago daw na chicks na transferees, let's see kung worth it nga ba silang pagkaguluhan ng mga studyante dito." Sabi naman ni Akirah.
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
AcciónSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...