Author's Pov.
"Girls how about mag boy hunting tayo mamayang gabi?"
Napatingin sila Flame, Jessica, Claire, Danirisse, Xella, Rosevil, Arquelyn, Akirah at Shantal sa sinabi ni Jennica na nakangisi.
Nabura ang pagkakangisi niya ng hindi magsalita ang mga ito at nakatitig lang sa kanya.
"Nako naman. Ano bang klaseng tingin yan? Kung makatingin kayo sakin, akala niyo naman ipapakidnap ko kayo." Sabi niya sabay simangot.
"Tss. Wala kasing kwenta ang mga pinagsasabi mo." Sabi ni Jessica sabay irap.
"Girls huwag kayong Kj okay? Sabado naman bukas eh. Girls bonding 'to." Pang co-convince pa niya.
"Bakit tayo mag ha-hunting ng mga boys? Anong gagawin natin sa kanila?" Clueless na tanong ni Shantal.
"Haists! Tagasaan bundok ka ba Shantal ah, at hindi mo alam ang salitang boy hunting?" Inis na sabi ni Xella.
"Sa samar. Bundok na ba yun?" Natawa ang mga babae sa inosenteng pagkakasabi ni Shantal, habang nakasimangot naman si Xella.
"Sige na pumayag na kayo mag boys hunting tayo mamaya. Para hindi naman boring ang highschool days natin. Mga teenagers na tayo kaya normal lang na magsaya tayo."
"Mapapatay ka ni Zoreen kapag narinig niya mga pinagsasabi mo." Sabi ni Flame.
Agad naman nagpalinga linga si Jennica ng makita niya na wala ang bloodkings ngumiti siya. Nandito kasi sila sa loob ng classroom at hinihintay ang sunod na teacher nila.
Pero dahil wala pa ito nagtumpok tumpok mona silang magkakaibigan.
"Sorry pero loyal ako sa yelo ko. Mahal ko yun, at ayaw kong masaktan ko siya." Sabi ni Flame.
"Yuck nakakasuka yang pinagsasabi mo Apoy." Sabi ni Claire at umarte na parang nasusuka.
"Me too. Baka mag away kami ni James kapag pumayag ako sa gusto mo." Sabi naman ni Danirisse.
"Edi shing. Kayo na ang may boyfriend, kayo na ang taken." Sabi ni Akirah.
"So ganun na lang yun? Purket may boyfriend na kayo hindi na kayo pwedeng makipag bonding samin? What a useless friends." Pasiring na sabi ni Arquelyn.
"Tss. Don't teach my girlfriend to be a cheater." Napatingin sila sa nagsalita.
Nanglaki ang mga mata nila ng makita ang bloodkings. Parehong madilim ang mga mukha nila Zoreen at James.
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...