Author's Pov.
Nagmamadaling pumunta ang Blinks kung nasaan sila Flame, Zoreen at ang anak nila na si Zheryo. Nag signal kasi si Flame sa kanila ng emergency kaya sigurado silang nasa panganib ang kaibigan nila.
Napansin ni Danirisse na bukod sa mga kotse nilang Blinks may mga ibang kotse rin na sunod sunod ang pagtakbo, katulad sa kanila ay mabilis rin ang mga patakbo nito.
"Papunta na rin doon ang Bloodkings." Rinig niyang sabi ni Rosevil sa headseat bluetooth niya.
Mas lalo niyang binilisan ang pagpapaandar ng sasakyan, nakita na niya ang kotse nila Flame na may kalayuan sa kanila may mga nakasunod din sa mga ito na mga kotse at binabaril sila.
Napahigpit amg paghawak ni Danirisse sa monobela niya malakas ang kutob niya na inaambush sila Flame, naalala niya na ganun rin ang ginawa noon kanila Flame inambush silang magkakaibigan dahilan para mamatay ang kakambal niya.
Nilabas niya ang baril na hawak niya at sunod sunod na pinagbabaril ang mga gulong nito kaya nagpagiwang giwang ang mga ito.
Mayroon nagkabanggaan pa ang mga kotse nito at yung iba nahulog sa tulay ang kotse.
Kumunot ang noo niya na may bagong sumulpot na kotse na naman na para bang hindi nauubusan ng back up ang mga sumusununod kanila Flame.
"Jennica. Sabihin mong back'upan kami ni Rosevil ng mga bloodkings haharangin namin ang kotse na sumusunod kanila Flame." Utos ni Danirisse sa kasamahan niya.
"Copy." Sagot naman ng kausap niya.
"Xella sumunod kayo ni Jennica kanila Flame. Alalayan niyo sila." Sabi ulit ni Danirisse sa isa pa niyang kasamahan.
"Okay." Sabi ni Xella.
Deri-deritsyo ang sasakyan nila Xella at Jennica, samantalang humarang sa gitna ang kotse ni Danirisse.
Isa isa rin huminto ang mga kotse ng Bloodkings. Nagsilabasan sila sa mga kanya kanya nilang mga kotse, kinasa ni Danirisse ang hawak niyang baril saka siya naglakad palapit sa mga kotse at pinagbabaril ito.
Ganun rin ang ginawa ng mga Bloodkings tinadtad nila ito ng baril. Nagmukhang new year sa kalsada dahil sa mga sunod sunod na putok ng mga baril nila at pagsabog ng mga sasakyan.
Nanglaki ang mga mata ni Xella at Jennica ng makita nila kung paano umangat sa ere ang kotseng sinasakyan nila Flame at tumaob ito.
Biglang kinabahan ang dalawa.
"Putangina putangina putangina!" Natatarantang sabi ni Jennica.
"Jennica. Barilin mo ang mga gagong hayop na bumaril sa sasakyan nila Flame. Ako na monang bahala kanila Flame." Utos ni Xella sa kaibigan niya.
"Sige. Hihingi na rin ako ng tulong para tulungan ka kanila Flame." Kinabahan naman na sabi no Jennica.
Pareho silang kinakabahan sa kalagayan ng mga kaibigan nila at higit pa doon may bata pa sa loob ng kotse nila Flame.
Agad na hinihinto ni Xella ang kotse niya kalayuan sa kotseng tumaob sa sinasakyan nila Flame.
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...