Chapter Sixty Five.

4.6K 126 4
                                    

Akirah Pov.

"Malapit na siya." Bulong sakin ni Arquelyn.

"Oo alam ko may mata ako." Sabi ko sabay irap sa kanya.

Hindi na siya nagsalita nakatago kami ngayon at inaabangan ang malanding Samantha na 'to. Kahit sinabi samin ni Shantal na huwag kaming sumunod hindi kami nakinig, hindi mapagkakatiwalaan ang pagmumukha ni Samantha.

Grabi nga ang pagtitimpi namin ni Arquelyn kanina ng itulak niya si Shantal. Matapang lang siya dahil hindi siya pinapatulan ng kaibigan namin, pero kami ang harapin niya hindi namin siya uurungan.

Hindi naman kasi mahilig makipag away si Shantal, si John lang naman ang pinapatulan niya na hanggang ngayon ay nakakapanibago parin. Nakakalabas siya ng ibat'ibang emosyon kapag si John ang kausap niya.

Nang malapit na samin si Samantha lumabas kami sa pinagtataguan namin ni Arquelyn at binuhusan ko siya ng juice.

"WHAT THE HELL!!" Galit na sigaw niya habang nakatingin sa uniform niyang may mansya.

"Akala mo ba palalagpasin namin ang ginawa mo kay Shantal? Tangjuice ka ang hilig mong awayin ang taong hindi pumapatol sayo. Bakit hindi kami ang harapin mo para makita mo ang hinahanap mo." Sabi ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

Lumapit sa kanya si Arquelyn at inikotan pagkatapos tinignan niya ito mula ulo hanggang mukhang paa. I mean hanggang pala hahaha.

"Ganito yung ginawa mo kay Shantal diba?" Sabi ni Arquelyn at tinulak ng malakas ang noo ni Samantha.

Galit na dinuro niya kami, kitang kita ko kung paano mamula ang mukha niya sa sobrang galit. Sa itshura niya ngayon para niya kaming kakainin ng buhay.

"MGA PUTANGINA NIYO! WALA KAYONG PAKIILAM KUNG ANO ANG GUSTO KONG GAWIN KAY SHANTAL. MGA GAGO KAYO!! MAMATAY NA KAYO!!" Galit na sigaw niya akmang itutulak niya si Arquelyn ng umiwas siya at sinipa niya ito ng malakas sa likod kaya napaupo ito.

"Ganyan rin ang ginawa mo kay Shantal diba? So quits na kayo dahil naipaghiganti na rin namin siya sayo." Nakangising sabi ni Arquelyn.

"At saka may pakiilam kami sa kanya dahil bestfriend namin siya at hindi kami papayag na sasaktan mo na lang ng ganun ang kaibigan namin." Sabi ko.

Tumayo siya at nanglilisik ang mga matang tumingin samin.

"MGA GAGO! MGA PUTA KAYO!!" Galit na galit na sigaw niya parin.

Tss. Akala ko ba matapang ang babae na 'to? Eh, bakit puro satsat lang.

The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon