Chapter Twenty Five.

4.8K 150 11
                                    

Flame Pov.

"Salamat sa paghatid mo John" Nakangiti kong sabi sa kanya.

Hinawakan nya ang kamay ko.

"Basta ikaw. Magpahinga kana alam kong napagod ka sa byahe" Nakangiti nyang sabi.

Nakangiti akong tumango sa kanya at inalis ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko.

Lumabas na ako sa kotse binuksan nya bintana sa kotse nya.

"Bye" Sabi ko sabay wave.

Tumango sya at umalis na bumuntong hininga ako. Malapit na palang dumilim pagpasok ko sa bahay nakita ko si mommy na pababa ng hagdanan.

"Anak. Nakauwi kana pala. Kamusta ang pag babakasyon mo sa samar nag enjoy ka ba?" Tanong sakin ni mommy.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi ako pumunta sa samar para magbakasyon kundi kunin ang taong mahal ko kaso nabigo ako. Kaya lang hindi pa nila alam na buhay pa si Zoreen.

Kung alam lang ni mommy kung gaano kahirap ang ginawa ko sa samar at kung gaano kasakit na iwan doon ang mahal ko.

Humalik ako sa pisngi nya bago nagsalita.

"Opo" Sabi ko nalang.

"Masaya akong malaman yan" Nakangiti nyang sabi.

"Nasaan po pala si Zheryo?" Tanong ko kay mommy ng mapansin kong tahimik ang bahay.

"Nasa mall sila ni ate Ashlea mo pinasyal sya. Nako. Namimiss kana ng anak mo"

Napangiti ako sa sinabi ni mommy namiss ko rin ang anak ko.

"Osya. Alam kong pagod ka magpahinga ka mona sa kwarto mo ipapatawag na lang kita kapag kakain na" Tumango na lang ako sa sinabi ni mommy.

Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto kinain na naman ng lungkot ang puso ko.

Pati rin pala kwarto ko malungkot.

Mapait akong napangiti ng madaan ng mga mata ko ang mga nakahalerang pictures namin ng bloodkings at ng mga kaibigan ko. Kinuha ko ang picture frame na may larawan namin ng bloodkings at ng mga kaibigan ko.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko ng pumatak ang luha ko sa picture. Lahat kami dito ay nakangiti pictures namin to sa tagaytay bago umuwi at ito na rin ang last pictures namin na magkakasama.

Kinuha ko ang picture frame na pictures namin nila Donalyn, Charice, Janice, Mikka, Claire at Jessica. Umupo ako sa kama at hindi ko mapigilan ang mapahagulhul ng bumalik na naman sa alaalala ko ang mga panahon na buhay pa sila... Ang mga panahon na kasama kopa sila, nagtatawanan, nagkukulitan.

May kung anong kumirot sa puso ko ng maalala ko ang pagkamatay nila Donalyn, Charice, Janice at Mikka. Kung paano humantong sa pagkakawatak watak ang samahan namin.

"Masakit parin kapag naaalala ko na wala na kayo... Sana nandito pa kayo bakit nyo kasi ako iniwan! Masakit hindi ko parin tanggap pagkawala nyo" Sabi ko at niyakap ng mahigpit ang picture.

Bakit kailangan pa humantong sa ganito ang lahat? Hindi ako kilala ni Zoreen, hindi ko alam kung buhay pa ba si Claire. At hindi ko rin alam kung makikita kopa ulit si Jessica.

Masakit isipin na ang samahan nyong magkakaibigan na binuo ay ngayon wala na.

Namimiss kona kayo...

Natigil ako sa pag iyak ng biglang humangin.

*Blaagg*

Napatingin ako sa bumagsak... Ang camera ni Charice.

"Smile Flame... Smile ayiieee ngingiti na yan" Tumayo ako ng marinig ko ang boses ni Charice sa camera.

Kinuha ko ang camera kusa pala itong nag play sa video. Kapag namimiss ko kasi sila tinitignan ko ang mga video namin sa tagaytay hindi ko maiwasan ang mapangiti ng makita ko ang itshura ko sa camera pilit akong ngumingiti dahil sa pangungulit ng mga kaibigan ko hawak hawak ni Charice ang camera nya habang vini-videohan kami. Eto yung time na malungkot ako dahil naaalala ko ang sinabi sakin noon ni ate na na-rape sya.

"Smile lang Flame sayo nalang tong chocolate ko. Want mo? Pero bilhan mo ulit ako ng bago ah? Hihihi"

"Siraulo ka talaga Donalyn magbibigay ka nalang paubos pa yang chocolate mo. Isang subo na lang yan ah, tapos magpapabili kapa ng bago patay gutom ka talaga"

Hindi ko namalayan na tumatawa na pala ako sa pag uusap nila Donalyn at Mikka. Lalo na nakita kong nag pout si Dona.

"Ayan oh! Ngumiti din si Flame. Yeheyyy" Sabi ni Janice.

"Flame smile lang huwag kang malungkot tangina mo mas lalo kang pumapangit" Sabi naman ni  Jessica na may pang aasar.

Pero halata naman na pinapagaan nya lang kalooban ko.

"Apoy smile lang gusto namin lagi ka lang nakangiti" Sabi ni Claire sabay akbay sakin.

"Oh dali picture tayo... Dali" Sabi ni Charice.

Tumabi sila sakin nakavideo parin ito pero nakaset na sa camera.

"Say Bestfriends Forever" Sabi ni Charice.

"Bestfriends Forever" Sabay sabay naman namin na sabi.

"Isa pa..." Sabi Donalyn at sya na ang humawak sa camera.

"Say Smile Flame" Sabi nya na nakangiti.

"Smile Flame" Sabay sabay nilang sabi habang ako ay natawa.

Kasabay ng pag click ng camera ay huminto na rin ang video. Nakagat ko ang labi ko at inangat ang mukha ko para hindi tumulo ang mga luha ko pero nabigo ako dahil sunod sunod na tumulo parin ito. Niyakap ko ng mahigpit ang camera kasabay nun ay humangin na naman.

"Okay okay. I get it. Sinadya nyo to diba? Sinadya nyo to para hindi na ako umiyak. Salamat bestfriends talagang namimiss ko lang kayo. Mahal ko kayo salamat sa panahon na nakasama ko kayo" Sabi ko habang tumutulo parin ang luha ko.

Pakiramdam ko nandito lang sila malapit sakin binabantayan ako.

Pumunta ako sa kama at humiga pumikit ako habang yakap yakap parin ang camera pero may ngiti sa mga labi ko.

Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko hanggang sa tangayin na ako ng antok.

***

Habang sinusulat ko 'to talagang nalulungkot ako. Namimiss ko sila:(

The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon