Author's Pov.
Nang makalabas si John mula sa clinic napag decisionan niyang umakyat sa rooftop. Pero hindi niya akalain na maririnig niya ang pag uusap nila Shantal at Zoreen. Hindi niya gusto makinig sa usapan nila pero gusto niya rin malaman kung bumalik na ba ang alaala ng kaibigan niya.
Nakinig lang siya sa usapan ng dalawa at rinig na rinig niya ang pag iyak ni Shantal. May kung anong nakapa siyang naramdaman ng marinig niyang umiiyak si Shantal at nasasaktan. Siguro ay hindi lang siya sanay na naririnig niyang umiiyak si Shantal at nasasaktan dahil lagi itong nakangiti at tumatawa.
May narinig siyang malakas na sampal sa tingin niya sinampal ni Shantal si Zoreen. At hindi nga siya nagkakamali ng hula ng marinig niyang humingi ng sorry si Shantal sa pagkakasampal niya kay Zoreen, napailing siya.
Parang mamon ang puso ni Shantal sobrang lambot. Aniya sa isip niya.
Nagtago siya sa madilim na parte ng makarinig siya ng mga yapak. Nakita niyang tumatakbo pababa si Shantal habang umiiyak lumabas siya sa pinagtataguan niya, nakita niyang nakatingin si Zoreen sa langit habang nakapamulsa.
"Hindi ko alam na chissmoso ka pala." Rinig niyang sbai ni Zoreen.
Hindi ito lumingon sa kanya patuloy lang itong nakatingin sa langit.
"Huwag mo ng patagalin 'to Zoreen, mamili ka na kung sino sa kanilang dalawa dahil mas lalo lang silang masasaktan kapag pinatagal mo pa." Sabi niya.
"Suko ka na ba?" Tanong nito sa kanya saka ito humarap.
Alam niya kung ano ang tinutukoy ni Zoreen, namulsa siya at nakipagmatigasan siya ng tingin kay Zoreen.
"Sumuko ako hindi dahil napagod ako. Sumuko ako dahil kahit anong gawin ko ikaw lang talaga ang mahal ni Flame. Gusto ko na siyang maging masaya Zoreen at ikaw ang kasiyahan niya." Seryoso sabi ni John.
Unti unti itong lumapit ito sa kanya nagulat na lang siya sa sunod nitong ginawa sa kanya.
*Booggsshh*
Muntik na siyang matumba sa pagsuntok sa kanya ni Zoreen. Nailagan niya ang sunod na binitawan sa kanya ni Zoreen na suntok pero hindi niya napansin ang isang kamao nito kaya natamaan siya sa panga.
Nanginig ang tuhod niya dahil sa suntok nito pero tinatagan niya ang mga tuhod niya para hindi siya matumba. Sumuntok siya kay Zoreen pero naharang lang iyon ng isang kamay ni Zoreen at sinuntok siya sa sikmura pagkatapos ay sa mukha naman.
Napaupo siya samento ng suntukin siya nito ng malakas tatayo sana siya ng unahin siya ulit nito ng suntukin. Hanggang sa sunod sunod na suntok na ang inabot niya kay Zoreen.
Tangina! Ang lakas niya parin manuntok. Walang duda na siya nga talaga ang leader namin. Aniya sa isip.
Tumigil na ito sa pagsuntok sa kanya, nakaramdam siya ng hilo dahil sa suntok nito hinayaan niya na lang ang sarili niyang mahiga sa samento. Nalasahan niya rin ang dugo sa labi niya, bahagya pa siyang natawa tumingin siya sa kalangitan.
Naalala niya ang sinabi nito noon sa kanya sa bar ng suntukin niya ito. Hindi niya iyon makakalimutan dahil isa yung banta, banta mula sa isang king ng Bloodkings, mula sa leader nila at kapag nagbanta ito dapat ka ng kabahan dahil kapag sinabi nito gagawin talaga iyon ng leader nila.
'Kapag naalala kita, bibilangin ko ang lahat lahat ng kasalanan mo sa'kin. Kung gaano karami ang kasalanan mo sa'kin ganun rin karami ang ibibigay ko sayong suntok hanggang sa hindi ka na makatayo at mabasag ko 'yang pagmumukha mo. Siguraduhin mo lang din na may maganda kang maidadahilan sa'kin. Tatandaan ko ang lahat ng ginawa mo'
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...