Chapter Seventy Four.

4.5K 127 14
                                    

Flame Pov.

"Yeheeyyy... Excited na po talaga akong pumunta sa enchanted kingdom." Tuwang tuwa na sabi ni Zheryo.

Pareho kaming natawa ni Zoreen sa sinabi ng anak namin. Kinuha niya ang kamay ko pagkatapos ay kiniss niya ang kamay ko habang nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ko tuloy maiwasan ang kiligin sa ginawa niya, simpleng gesture lang ang ginagawa niya pero ang lakas na ng epekto sakin.

Inlove na inlove talaga ako sa lalaki na 'to.

"Eyes on road Zoreen Hans." Sabi ko sa kanya at inirapan siya.

Siya kasi ang nag da-drive tapos ako ang katabi niya nasa likod naman ng backseat si Zheryo.

Papunta kami ngayon sa enchanted kingdom okay lang naman kung umabsent kami ng ilang araw.

Saka gusto lang namin tuparin ang pangako namin kay Zheryo na dadalhin namin siya sa enchanted kungdom,  3days lang kami doon.

"Mommy, daddy... Love na love ko po kayo. Salamat po at kahit hindi niyo ako totoong anak, tinuring niyo parin ako na totoong anak." Sabi niya at niyakap kami pareho ni Zoreen.

Kiniss niya pa kaming dalawa sa magkabilaang pisngi.

"Asus ang anak ko naglambing. Hahaha. Sempre mabait kang bata kaya hindi ka mahirap mahalin. Kahit na hindi ka samin nanggaling, para samin ng daddy mo anak ka namin, kadugo at mismong sakin ka lumabas." Sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.

Humagikhik naman siya.

"Dont worry son sa susunod bibigyan ka na namin ng kapatid." Nakangising sabi ni Zoreen.

Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya kaya nahampas ko siya sa braso. At sigurado ako namumula ang buong mukha ko.

Bakit kailangan niya pang sabihin yun sa bata?

"Talaga dad? Kailan naman po? Sana naman pag uwi natin dito sa pilipinas may kapatid na po ako." Inosenteng sabi ni Zheryo.

Napaubo ako dahil sa sinabi ng anak ko. Putragis! Kung ano ano kasi sinasabi ni Zoreen pati tuloy anak namin nahahawa na sa kanya.

"Hahaha. Depende kung gusto na ng mommy mo. Why not." Nakangising sabi ni Zoreen sabay tingin sakin.

Malakas ko siyang sinuntok, mas lalong namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

Bwesit na Zoreen 'to halata naman na sinasadya niyang asarin ako.

"Hoy Zoreen umayos ka ah! Kung ano ano amg tinuturo mo sa anak natin! Bad influence ka sa kanya." Sabi ko at tinignan siya ng masama pero ang gago tumawa lang.

The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon