Zoreen Hans/Harjen Gongyo Pov.
Pumasok ako sa bahay laman parin ang babaeng nakausap ko kanina. Parang kilalang kilala nya ako, kanina yung nakita ko sya sa dagat para bang familliar na familiar sakin ang mukha nya.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit kumabog ng husto ang puso ko! The fuck! Kalalaki kong tao pero ganito ang mga pinagsasabi ko.. Damn!
Basta hindi ko maintindihan ang sarili ko para bang matagal na syang kilala ng puso ko. Tangina! Nakakabading 'tong pinagsasabi ko bwesit!
Muli kong naalala ang itshura nya ang kulay itim nyang buhok na may kulay, ang maliit nyang mata.. Mapupula nyang labi.. At ang maganda nyang mukha.
At aminin ko man o hindi may kung anong kumirot sa puso ko ng makita kong umiiyak sya habang tumatakbo. Parang gusto ko syang yakapin at patahanin!
"UTAK mo lang ang nakalimot HINDI ANG PUSO MO! Kung totoong mahal mo ako maaalala ako ng puso mo kahit nagka amnesia ka. Pero kung hindi mo ako maaalala, kung ganun hindi ako naniniwala na minahal mo ako"
"AAAHHHH!" Galit na sigaw ko ng maalala ko ang sinabi nya.
Sinuntok ko ng malakas ang pader.
Tangina! Bakit kasi nawalan pa ako ng alaala! Bwesit na buhay to!
"Waahh! Harjen sino umaway sayo ah? Halika. Ituro mo sakin at papaluin ko" Tumingin ako kay Shantal na nag aalalang lumapit sakin.
Malamang tapos na itong manuod ng paborito nyang anime na sakura. Paboritong paborito nya talaga ang anime na sakura kahit ilang beses na nya itong napanuod at natapos.
Sa isang taon na mahigit na naging girlfriend ko sya naging masaya ako sa piling nya kahit sobrang childish nito at may pagka slow pero yun ang minahal ko sa kanya.
Nang nagising ako sa hospital mula sa pagkaka coma silang magkapatid na si Lee ang nag alaga sakin. Hindi pangit ang naging pakikitungo nila sakin kahit na ba hindi nila ako kaano ano.
Alam ko rin ang tinatago nilang sekretong magkatid, sinabi sa akin yun ni Lee dahil gusto nyang protektahan ko si Shantal.
Dahil nitong mga nakaraang araw may nagtatangka sa buhay ng girlfriend ko, na syang pinagtataka namin dahil wala naman nakakaalaw na sila ang may ari sa isa sa pinakamalaking companya sa pilipinas at asia.
Sila ang nag alaga sakin noong mga panahon na lubog na lubog ako at hindi ko kilala kung sino ako. Si Shantal ang nag alaga sakin kaya nahulog ako sa kanya, hindi dahil sya ang nag alaga sakin kundi dahil sobrang bait nya.
But i don't know why na kahit alam ko sa sarili ko na mahal ko sya pero hindi ko maibigay sa kanya ang buong pagmamahal ko.
Yes. I love her pero pakiramdam ko may nakaukit na malaking espasyo sa puso ko na hindi ko matukoy kung ano. Para bang ang malaking espasyo na 'to ay matagal ng may nag mamay-ari.
"Ako si Flame Collins ang queen mo, ang dwarf mo at higit sa lahat AKO ANG TOTOO MONG GIRLFRIEND"
Napakamao ako ng maalala ko na naman ang sinabi nya. Shit! Gusto ko syang maalala pero paano? Tangina! Kahit anong pilit kong makaalala wala talaga akong matandaan!
"Harjen may masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong sakin ni Shantal.
Hinawakan ko ang kamay nya at tipid na ngumiti ayaw ko syang nag aalala sakin.
"Ok lang ako. May nakausap lang kasi akong tao mukhang kilala nya ako" At girlfriend ko raw sya.
Ang babae na yun kung gaano sya kaliit mas matangkad naman sa kanya ang pagiging confidence nya sa sarili. Hindi talaga ako naniniwala sa mga sinabi nya sakin tungkol saming dalawa. Pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit natutuwa ako sa mga pinagsasabi nya.
"Hala talaga? Nasaan sya? Halika balikan natin baka sya na ang makatulong sayo para makaalala ka" Masaya nyang sabi.
Hinila nya ako pero hindi ako nagpatinag sa paghila nya. Nakasimangot syang hinila ako ng buong lakas para itong nanghihila ng mabigat na sako dahil sa itshura nya.
Nang mapansin nyang wala talaga akong balak umalis sa pwesto ko. Napapadyak sya sa sahig sabay kamot sa pisngi nya habang nakasimangot. Hindi ko tuloy maiwasan ang matawa dahil sa ka-cute'an nya.
Pinanglakihan nya ako ng mata at namaywang.
"At anong nakakatawa Harjen Gongyo? Pinagtatawanan mo ako ah?" Sabi nya at pinaningkitan nya ako ng mata.
Pinigil ko ang huwag matawa kaya nag seryoso ako ng tingin.
"Wala" Seryoso kong sabi at namulsa.
"Hmp. Bakit kasi ayaw mong puntahan natin ang taong sinasabi mo na kakilala ka. Malay mo sya ang maging dahilan para makaalala ka" Sabi nya sabay pout.
Ang kaninang pinipigilan kong pagtawa ay tuluyan ng naglaho dahil sa sinabi nya.
"Hindi sya makakatulong sakin para makaalala ako" Malamig na sabi ko sa kanya.
Dadagdag lang sya sa pagkalito ko... Ngayon pa nga lang na saglit ko lang syang nakausap nagsisimula na akong maguluhan ano pa kaya kapag nakipag na talaga kami sa kanya.
"At paano mo naman nasabi yan, aber?" Tanong nya pero hindi ako nagsalita.
Lumapit sya sakin at seryoso nya akong tinitigan sa mata.
"Ayaw mo na bang makaalala?" Seryoso nyang tanong sakin.
Gusto. Pero natatakot ako.. Natatakot ako na baka totoo nga ang sinasabi ng babae na yun at nasaktan ko sya..
"Ikaw. Gusto mo bang makaalala ako?" Balik tanong ko sa kanya.
"Oo" Bahagya pa akong nagulat dahil sa deritsyo nyang sagot.
Malungkot syang ngumiti at hinawakan ang pisngi ko.
"Gustong gusto kong makaalala ka kasi alam ko yun lang ang tanging paraan para mabuo ka. Alam ko naman kahit hindi mo sabihin sa akin alam ko pakiramdam mo sa sarili mo na hindi ka buo dahil malaki ng iyong pagkatao ang nawala sayo. Natatakot ako, oo. Natatakot ako na baka kapag may naalala ka may malaking magbago sating dalawa pero kailangan ko maging handa kapag dumating ang panahon na yun, kasi kahit ako hindi ko rin alam kung ano ba ang nakaraan mo bago ka magka amnesia. Kung anong buhay mo noon yung hindi ka pa nawawalan ng alaala. Kung ano ka noon... See? Maraming puzzle sa buhay mo na kailangan mong ayusin.
At sa bawat pag ayos mo sa mala-puzzle mong buhay nandito lang ako sa tabi mo lagi mong kasama. At kung sakali man na dumating ang araw at makaalala ka gusto kong malaman mo na kahit ano ang maging decision mo tatanggapin ko. Bukod sa anime na sakura na nagpapasaya sakin, isa ka rin sa kaligayahan ko at gusto ko lagi kang masaya"
Niyakap ko sya ng mahigpit dahil sa sinabi nya. Mas lalo akong naguguluhan ayaw kong saktan si Shantal pero paano nga kapag totoo ang sinabi sakin ng babae kanina na sya ang totoo kong girlfriend.
Damn it! Natatakot ako na bumalik ang alaala ko at isa sa kanilang dalawa ang pwede kong masaktan.
***
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...