Chapter Twenty Two.

4.9K 142 8
                                    

Author's Pov.

Magkahawak kamay na naglalakad sila Flame at Zoreen. Tahamik lang silang naglalakad sa gilid ng dagat ninanamnam ang sandaling magkasama sila dahil alam nila anumang oras ay matatapos na ang oras nilang magkasama at matatapos na rin ang usapan nila.

(Soundtrack:Just a kiss.
By: Lady Antebellum)

🎤Lyin here with you is so close to me

It's hard to fight these feelings when

It feels so hard to breath caught in

This moment Caught in your smile🎤

Napatingin si Flame sa kalangitan na unti unti ng kinakain ng dilim. Pakiramdam nya habag unti unting bumababa ang araw ay unti unti rin nawawarak ang puso nya. Sobrang sakit... To the point na gusto nyang magwala sa sakit na nararamdaman nya.

🎤I've never opened up to anyone

So hard to hold back when im holding

You in my arms but we don't need

To rush this let's just take it slow🎤

"Tell me about us" Napatingin si Flame kay Zoreen dahil sa sinabi nito.

Nakangiti ito sa kanya pero hindi umabot sa mga mata nito. Siguro ay gusto nitong makipagkwentuhan hanggang sa dumating ang oras na maghihiwalay sila. Pinilit nyang ngumiti dito ayaw nya itong biguin sa gusto nitong mangyari.

Huminto sila sa paglalakad at pareho lang nilang tinignan ang araw na unti unti ng bumababa.

🎤Just a kiss in your lips in the moonlight

Just a touch of the fire burnin' so bright

No i don't wanna mess this thing up

No i don't wanna push too far

Just a shot in the dark that you just might

Be the one i've been waiting for

My Whole life, So baby i'm alright

With just a kiss goodnight🎤

"Sa school na pinasukan ko anim kayong magkaka-groupo at tinawag kayong BloodKings. Ikaw ang namumuno sa BloodKings at tinatawag ka nilang KING. Kilala kayong walang kinakatakutan, nakakatakot, at delikadong makalaban. Isa kayo sa pinakamalakas na gangsters. At nung unang kita natin lagi tayong magkaaway at laging nagkakasagutan. Masyado ka kasing mayabang at napakaangas akala mo ata lahat ng taong nakapaligid sayo ay takot. Pero iba ako kapag nagkakabanggan ang landas natin walang oras na hindi tayo nagsasabong"

Hindi maiwasan ni Flame ang mapangiti habang binabalikan nya ang nakaraan nila ni Zoreen. Dati inis na inis sya kay Zoreen pero ngayon kapag naaalala na nya iyon ay napapangiti sya.

Ang akala nyang pangit na pangyayari ay ituturing nya pa pala isa sa mga magagandang nangyari sa buhay nya. Pasimple syang tumingin kay Zoreen nakangiti ito at mukhang naaaliw din ito sa kinukwento nya.

🎤I know that if we give this a little time

It'll only bring us closer to the love we

Wanna find it's never felt so real

No it's never felt so right🎤

"Hanggang isang araw papasok kami nun sa kaibigan ko sa room ng bigla mo akong hilahin at sinabi mo sa ex mo at sa fiancee nya na girlfriend mo ako" Pagpapatuloy nya sa kwento.

The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon