Napaling si Flame alam nyang kanina pa nanunuod sa kanya ang mga kasama nya pero hindi lang ito agad lumabas at pinanuod mona sya.
"Aba... Dumating na kayo akala namin hindi na kayo darating eh" Nakangising sabi ni Joana.
"Maraming namamatay sa maling akala Joana. Sana mamatay na kayo" Pang aasar ni Rosevil.
Mukhang napikon si Joana kay Rosevil dahil susugurin nya sana ito kaso inawat lamang ito ni Rowena na may ngisi parin sa mga labi.
"Ayaw ko ng patagalin ang laban--"
"Kami rin ayaw na rin namin to patagalin dahil alam naman namin na wala parin magbabago sa laban na 'to" Pagpuputol ni Jennica sa iba pang sasabihin ni Maryline.
"Dahil MAHINA at BORING parin KAYONG KALABAN" Pagpapatuloy na sabi ni Xella sa limang babae.
"Ha! Ang yayabang nyo parin!" Inis na sabi ni Rowena.
"May maipagyayabang naman" Apela agad ni Jennica habang nakangisi.
Habang tahimik lamang na nakaupo si Flame at nasa tabi na nito si Danirisse. Ayaw nyang titigan ang babae dahil alam nyang galit ito sa kanya dahil pinangunahan nya ang decision nito.
Pasimple syang bumuntong hininga at nag fucos nalang ulit sa kaharap nilang babae.
"Sisiguraduhin namin na sa laban na 'to kami na ang mananalo" Sabi ni Crizelda.
"Puro kayo dakdak. Simulan na ang laban" Maangas na sabi ni Danirisse sa lima.
Nagsenyas si Maryline na sumugod ang mga lalaki sa kanila habang nakagising nakatingin sa blinks.
Medyo dumistansya ang blinks sa isat isa ng sumugod ang mga lalaki sa kanila habang cool na cool lang ang mga blinks at hinihintay na makarating sa kanila mga lalaki.
Tumayo na si Flame at tumalon sya ng mataas gamit ang dalawa nyang paa inipit nya ang upuan at buong lakas nya itong hinagis sa mga lalaki. Tinamaan nito ang tatlong lalaki naglanding sya sa baba pagkatapos kumapit sya sa upuan syaka nya isa isang sinipa ang mga lalaki.
May dalawang lalaking hahampas pa sana sa kanya hawak ang mga kahoy nito ng pareho nyang salagin ang mga kamay nito syaka nya pinilipit ng malakas narinig nya ang pagtunog ng buto ng dalawang lalaki at parehong napaluhod pagkatapos sinipa nya ito ng malakas sa mga mukha.
Yumuko si Xella sabay umikot at inisa isa nyang pinatid ang mga lalaking susugod sa kanya syaka nya ito binigyan ng malalakas na suntok. Nahawakan sya ng dalawang lalaki sa dalawa nyang kamay pero ngumisi lang sya sa mga ito.
Napansin nya ang lalaking palapit sa kanya at may hawak na kutsilyo kaya gamit ang dalawa nyang paa sinipa nya ito sa dibdib at ulo. Nag balance sya ng maayos sa sarili nya syaka sya umikot dahilan para matangay din ang dalawang lalaking may hawak sa kanya hinawakan nya ang dalawang lalaki at sabay na binalibag.
"Alright monsters come to dyosa" Nakangising sabi ni Jennica sa mga lalaki.
Tumakbo sya kaya hinabol sya ng mga lalaki ng malapit na sya sa pader pinalobo nya ang buble gum at syaka umapak sa pader at buong lakas na tumambiling naglanding sya sa likod ng apat na lalaki kasabay nun pinaputok nya ang buble gum. Lumingon sa kanya ang mga lalaki ngumisi sya syaka nya kinuha ang buble gum sa bibig nya at dinikit sa mata ng isang lalaki.
Nang sumugod ito sa kanya binigyan nya ito ng sapak sa mukha napaurong ito pero hinila nya ito at ginawang pangharang sa dalawang lalaki na hahampas sa kanya umikot sya syaka nya ito hinampas sa magkabilaang batok at sinipa nagsubo ulit sya ng buble gum sinugod pa sya ng isang lalaki habang hinihintay nya ito pinalobo nya ang buble gum bago pa umabot sa kanya ang lalaki pinaputok nya ito at syaka nya dinura sa mukha ng lalaki at sunod sunod nya itong sinuntok sa mukha.
Hinablot ni Rosevil ang isang lalaking may hawak ng dos por dos at siniko nya ito sa mukha kaya napaurong ito pero hinablot nya ang damit nito at kinuha ang dos por dos syaka nya hinampas ito sa mukha. Hinawakan nya ang magkabilang dulo na hawak nyang dos por dos syaka nya ito pinangharang sa lalaking hahampas sana sa kanya ng dos por dos narinig nya ang tunog nito ng magsalpukan ang pareho dos por dos.
Sinipa nya ito sa tyan at siniko ng malakas sa mukha pagkatapos hinampas nya ito. Nasalag nya ang kamay ng lalaking sasaksak sana sa kanya hinawakan nya ito sa kamay nito at pinaikot syaka nya ito hinampas sa tuhod. Tumalon sya ng mataas ng sabay sumugod sa kanya ang dalawang lalaki bago pa sya lumanding sa baba hinampas nya na ito sa mga ulo.
Lumiyad si Danirisse ng sabay syang suntukin ng dalawang lalaki pareho nya itong hinawakan sa kamay at pinilipit syaka nya pinagtatadyakan ang mga tuhod nito. Kinuha nya sa sahig ang dos por dos syaka pinaikot ikot sa kamay nya sumugod sa kanya ng sabay sabay ang tatlong lalaki gamit ang dos por dos sumabay sya sa pagsugod sa tatlong lalaki bago pa makaapela sa kanya ang tatlong lalaki pinaghahampas nya ang mga katawan nito.
Muli syang lumiyad ng muntik ng matamaan ang mukha nya ng lalaki na may hawak na kutsilyo sinipa nya ito sa kamay at bago pa ito bumagsak sinalo nya na ito at walang pagdadalawang isip na sinaksak ang lalaki sa dibdib. May sumugod pa sa kanyang dalawang lalaki pero inikutan nya ito at sinaksak ang mga ulo nito may mga tumalsik pa sa kanyang dugo.
Lumapit sa kanya ang apat nyang mga kasamahan at nakangisi sa limang babaeng kaharap nila ngayon. Tinapon ni Danirisse sa harap ng limang babae ang kutsilyong punong puno ng dugo dahil sa mga lalaking sinaksak nya. Hindi nya maiwasan ang mapangisi ng makita nya ang takot na dumaan sa mga mata ng apat na babae.
"It's time para kayo naman ang makalaban namin" Malamig na sabi ni Danirisse sa apat na babae.
***
Please don't forget to VOTES and COMMENTS ^____^
BINABASA MO ANG
The BadGirl Turned To Be A Devil. [COMPLETED]
ActionSEASON TWO OF 'THE BADGIRL VERSUS GANGSTERS' Hindi na ako katulad ng dati na isang BADGIRL na Kinulang sa tapang at mahina ang loob. Sa mga nangyari sa buhay ko, natutunan ko kung Paano maging mas MATAPANG na WALANG KINAKATAKUTAN. Natutunan kong pum...