"Saglit! Hindi makapaghintay?!" sigaw ko at mabilis na kinuha ang backpack ko.
Hinablot ko pa yung isang tinapay na nasa lamesa at binuksan na ang pinto. Sumalubong agad sakin ang nakasimangot na mukha ni Asher.
"Nakasimangot ka nanaman, pare koy!" biro ko pa at lumabas para ilock na ang pinto ng bahay.
Hindi siya kumibo hanggang sa masigurado kong wala ng makakapasok sa tinutuluyan ko. Kahit naman pala pasukin nila 'yan wala silang makukuha. Kubyertos tsaka pinggan lang ata makukuha nila diyan.
Nagsimula na kong maglakad habang sumusunod naman sakin si Asher. Nakadalawang kagat pa lang ata ako sa tinapay ko ubos na agad.
"Ano ba 'yan! Hindi man lang umabot sa lalamunan. May pagkain ka ba diyan, Ash?" tanong ko at pumunta ako sa likuran niya para kalkalin ang bag niya.
"Ewan ko sayo."
Nakapa ko yung dalawang biscuit kaya agad ko iyong kinuha at kinain. Binangga ko naman siya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Ang sungit mo naman! Ano ba problema mo pare koy?"
Nanlaki ang mata ko nung tinulak niya bigla yung hansel sa bibig ko kaya muntik na atang makarating sa lalamunan ko 'yun ng walang nguya nguya. Huminto ako sa paglalakad at umubo para matulak pabalik yung hansel.
"Pucha?!" asik ko sakaniya.
"'Yan. Bagay sayo 'yan. Pagkatapos mo kong pagisingin ng alas singko kasi gusto mong maaga tayong nasa school tapos ikaw 'tong tulog pa?" inis niyang sabi. "Sana nilunok mo na yung buong hansel. Buraot." siya naman yung bumangga sakin ngayon kaya bahagya akong napaatras.
Hinagod ko pa muna yung lalamunan ko bago ako tumakbo at sumunod sakaniya. Sumakay na siya ng jeep kaya binilisan ko agad yung takbo at sumakay na din.
Lintek! Kung minamalas nga naman! Punuan pa at yung abo ayun nakaupo na! Tinitignan pa ko ng loko. Sapakin ko kaya 'to?
"Excuse po. Excuse." paulit-ulit kong sabi hanggang sa makarating ako sa dulo at siniksik ang sarili ko.
Tinignan pa ko nung babaeng nasa tabi ko kaya inismiran ko naman siya. Aba 'wag siyang mag-inarte pare-parehas kaming pasahero dito!
"Bakit hindi ka na lang sumabit?" tanong sakin ni Asher habang kinakalikot ang wallet niya.
"Ash naman e. Sorry na nga! Hindi ko naman sinasadyang makatulog ng ganun kahimbing."
"Tss,"
"Sunget naman neto. Ako ata gagawin mong abo e."
Inismiran niya lang ako kaya kumuha na din ako ng pangbayad ko.
Pagkarating namin sa eskwelahan na pinapasukan namin ay dumiretso na kami sa classroom. Magkatabi kami ni Asher pero hindi niya pa din ako pinapansin. Ano ba naman 'to! Dinamdam masiyado yung kasalanan ko.
"Abooo, sorry na." tinusok tusok ko pa yung braso niya para lang pansinin niya ko.
Nilingon niya ako. Nasapo ko na lang noo ko at napatango.
Busangot ang mukha ko nang kunin ko ang wallet ko. Sinadya ko talagang padabog na buksan iyon at dinahan-dahan pa ang pagkuha ng pera pero hinablot iyon sakin ni Asher at kinuha ang pangbayad sa mga pinangkain niya.
"Hoy! Isang daan lang usapan ah!" angal ko nang makitang 150 ang kinuha niya.
"Singkwenta lang! Tsaka kakabigay lang naman sayo ni boss ng allowance ah."
Tinulak ko ang noo niya at pumamewang, "Hoy! Gusto mong gawin kitang abo ngayon? Nagtitipid ako kasi magbabayad pa ko sa apartment! Pati ilaw tsaka tubig magbabayad pa ako. Bibili pa kong pagkain ko kaya ibalik mo singkwenta ko!" sigaw ko sakaniya.