Lumipas ang natitirang sembreak ko nang hindi ko sinasabi kahit kanino ang nangyari. Sinabihan ko rin si Clark na saaming dalawa na lang 'yon. He was upset with my decision but still kept his mouth shut. Ayokong abalahin ang grupo ko tungkol doon.
"Ae!! Ano ba naman 'to, e! Gusto kong pumuntang Boracay! Uuwi rin naman tayo mamayang gabi!" konti na lang papadyak na siya na parang bata.
"Ales, naririnig mo ba sarili mo? Gusto mong pumunta ng Boracay tapos uuwi rin tayo mamaya. Naiintindihan mo ba mga sinasabi mo?" Jusko! Magsasayang nanaman siya ng pera. Itong babae talaga na 'to akala niya ata Senator pa rin ang tatay niya, e.
Inirapan niya nanaman ako. Namumuro na talaga sakin 'to, e. Dati akala mo napakabait pero ngayon halos puti na lang ata makita ko sa mata niya kakairap sakin.
"Why do you always make this a problem? Ako naman ang gagastos, Ae. Besides, i-enjoy mo naman ang sembreak mo! Gosh! Anong klaseng sembreak yung ginawa mo? Holding guns and facing Grim Reaper? Do you really know what sembreak means, Machaela?" nakataas ang kilay na tanong niya sakin.
Pumamewang naman ako. "And do you really know what magtipid means, Alessandra?"
May sasabihin pa sana siya pero tinikom niya ang bibig niya at umakyat na lang sa kwarto niya. Ako naman, naisipan kong puntahan yung grupo ko sa pool area. Namataan ko agad sila na naglalaro ng Monopoly. As usual, Asher being the childish one, tuwang-tuwa ang loko.
"There's someone at two o'clock," sambit ko pagkalapit ko sakanila. Sabay-sabay naman nilang tinutok ang baril nila sa tinutukoy ko kaya natawa ako. "Geez! You should've seen your faces!"
"Ugh! Napaka mo talaga, lead! Alam mong kapag busy talaga kami dun mo kami pinagt-trip-an, e!" parang bata na reklamo ni Lian. "Feeling ko tuloy nakuhanan na ko ng pera ni Eliah!"
"Oy! Grabe ka! Nakikita mo ba 'tong puro white na papel na 'to? Halos piso na lang matira sa pera ko kakabayad sa mga titulo niyo!"
Natatawang umupo ako sa tabi ni Clark. Hindi kasi siya naglalaro. Nakaupo lang siya rito sa concrete bench habang pinapanood maglaro yung mga bata sa damuhan. Hindi ko rin alam saan nila nakuha 'tong Monopoly na 'to.
"Hay nako, Team Ales. Binigo niyo nanaman ako. Diba sabi ko kapag sinabi ko ang ganun sainyo wala munang maglalabas ng kahit na anong armas? Lalaruin muna natin yung tao bago kayo maglabas diyan," sermon ko sakanila.
"Wow. Sorry, ha? Kita mo kasing nagsasaya kami rito bigla-bigla kang magsasabi ng kung ano-ano diyan at english pa." halos irapan na ako ni Asher habang sinasabi 'yon kaya tinawanan ko lang siya. Napaka-isip bata!
Pinanood ko lang sila habang naglalaro. Nang mapansin kong magl-lunch na tumungo na ako sa kusina pero nagtaka ako nung makitang abalang-abala ang mga kasambahay nila Alessandra sa pagluluto. Sobrang dami ring mga snacks na nasa counter at halatang kakagrocery pa lamang.
"Manang, may dadating po bang bisita yung mga Raoet?" nagtataka kong tanong. Akala ko hindi ako papansinin ni Manang dahil isa rin siya sa nagmamadaling kumilos pero nilingon niya ako.
"Naku, hija! Yung anak nila Sir may naisip nanaman at pinagmadali kaming magluto ng dalawang putahe na pang-sampung tao! Hindi ko ba alam sa batang iyon! Kailangan niya raw bago mag alas dos!"
Kumunot ang noo ko. And me, knowing Alessandra for how many months already, had a freaking guess.
Agad akong bumalik sa pool area nang may marinig akong kung anong static. Pagkalabas ko, nakita ko silang lahat na nakatingala. Lumapit ako ng tuluyan at sinundan ang tinitignan nila. Then there I saw the princess of the Raoets holding a mic and waving her hand at me.