Hindi ko nasaksihan kung paano umiyak si Mama. Kung paano siya naghirap. Kung paano siya pinagkaisahan ng mundo lalo na't nabansagan siyang kabit. Hindi ko alam kung saan siya humanap ng lakas noon para labanan ang lahat at nagawa akong isilang.
Kaya sabi ko noon sa sarili ko, lahat ng makikilala kong ina, ituturing kong parang tunay sakin. Na hangga't maaari, kung kaya ko, pati sila poprotektahan ko. Dahil hindi ko 'yon nagawa sa nanay ko. Hindi ko siya napagtanggol sa mga taong mapanghusga at puno lamang ng panlalait ang alam. Sa mga taong akala mo napakaperpekto kung umasta pero may mga tinatago rin namang sikreto na mas malala pa sa mama ko.
Kagat ko ang ibabang labi ko habang niyayakap si Tita Alicia. After days of trying to trace and access Dad's gadgets na nasa kanya, parang gusto na lang naming sumuko. Kung magaling si Jen pakiramdam ko nakakuha rin sila ng mas magaling pa rito. Hindi namin alam kung bakit hindi namin malocate ang cellphone at iPad na dala ni Papa. Sinabi sakin ni Tita Alicia na dala raw 'yon ni Papa nung araw na dinakip siya at nakita niyang nasa gamit 'yon ni Papa.
"He shouldn't have stayed! God, Alessandra! Bakit naging ganito ang pinsan mo?" hindi na umiiyak si Tita ngayon kundi puro galit na lang ang naririnig ko mula sakanya dahil kay Alisson.
Hindi na ako nakakapasok. Sinabihan ko na lang si Asher na ibigay sa Professor ko ang sulat na ginawa at hiniling na sana maintindihan nila ang sitwasyon ko. I don't care about the title of graduating being a Magna Cum Laude anymore. Gusto ko na lang ngayon makuha ang Papa ko sa kamay ng bruha na 'yon.
"Mommy, I told you to rest. Sinabi rin ng Doctor na kailangan mong magpahinga. Hindi mo raw pwedeng pagurin at stress-in ang sarili mo dahil halos hindi ka kumakain nung mga nakaraang linggo kaya mabilis kang mahilo. Hayaan mong kami na ni Machaela ang mag-ayos nito, My. Please, rest. Dad won't like seeing you getting thinner." nag-squat pa si Alessandra sa harap ni Tita habang hinahawakan ang kamay nito.
"How can I rest knowing that my husband is not with me? Anak, you're Dad's risking his life just to make us safe! Sinasabi ko na nga ba at hindi maganda ang ideyang umuwi tayo rito!"
Dahan-dahan akong tumayo kaya napatingin sakin si Alessandra. Hindi ko siya pinansin dahil kinakausap pa siya ni Tita. Wala naman akong balak umalis ng kwarto pero pakiramdam ko kasi hindi magandang katabi ako ni Tita habang sinasabi ang mga 'yon. Mamaya mapansin niya nanaman ako at biglang tumaas presyon niya.
"Mom! Umuwi man tayo rito o hindi, habang kasama natin si Alisson, hindi tayo ligtas! Paano pala kung nasa States pa rin tayo ngayon at biglang nangyari 'to? Walang Machaela at grupo niya na nandyan para satin! Do you think Dad and I can handle it all? Because we both know that you can't, Mom."
Nanatili akong nakahalukipkip sa bandang pintuan habang pinagmamasdan silang mag-ina na nag-uusap. Nalipat sakin ang tingin ni Tita with her devastated face. Parang may pinupunit sa loob ko dahil sa emosyon na nakikita ko sakanya.
Ganito rin ba si Mama noon? Ganito ba siya kawasak?
She heaved a deep breathe before looking back at my sister. "Alessandra, can you leave me and Machaela alone?"
Wala namang dahilan para kabahan pero bakit ganun ang naramdaman ko nung pinaalis niya si Alessandra? Parang may panibagong sikreto nanaman ako na malalaman na makakapagpawasak sakin.
"I'll be downstairs tracking Dad's tech, Mommy." paalam nito. Sinulyapan niya lang ako at binigyan ng tipid na ngiti bago tuluyang mawala sa paningin ko.
Hindi ako mapakali habang nakatayo malapit sa pintuan. Hindi ko pa man naririnig yung gusto niyang sabihin pakiramdam ko nawawasak na ako. Ganito na ata talaga yung epekto nila sakin. Kada buka ng bibig nila aakalain kong meron silang masamang ibabalita.