Chapter 4

560 21 1
                                    

"Wow! I can't believe this is Philippines!" manghang sabi ni Alessandra habang tinitignan ang mga kalesa na dumadaan.

Wala akong pasok ngayon. Sakto at tinawagan niya ako na itour ko raw siya kaya pumayag ako. Dito ko siya pinunta sa Intramuros since ito yung pinakamalapit para samin.

"Let's ride?" tanong niya habang pinipigilan ang buhok sa paghampas. Lumalakas kasi ang hangin kaya kinailangan niya pang hawakan ang buhok niya.

She's wearing a sundress partnered with her stiletto. Gusto ko sana siyang pagsabihan sa mga isusuot niya mula ngayon dahil nasa Pilipinas na siya at wala na sa US. Yes, she hired us to be her guards pero knowing Philippines? Ewan ko na lang.

"Ikaw na lang. I'll watch you from here." sagot ko.

Ngumuso siya. Hindi nakakasawa yung ganda nitong babae na 'to lalo na't ang tangkad niya pa. Hanggang tenga niya lang ata ako.

"Come on, Aela! Move your ass! Masyado mong pinapanindigan yung trabaho mo," gusto kong matawa sa pagtatagalog niya dahil hindi siya diretso magsalita.

"Trabaho ko kasi 'yon,"

Inirapan niya ako at hinawakan sa palapulsuhan bago hinatak. Sa pagkabigla, hindi ako agad nakaangal lalo na't ang lakas ng puwersa niya. Huli na bago pa ako makapalag dahil nasa gilid na agad kami ng kalesang gusto niyang sakyan.

"Kuya! Pakiikot po kami dito sa buong Intramuros. Please?" halos mapakurap-kurap ako dahil sa inaasta niya sa harapan ng kutsero. She's using her cuteness! As if they won't agree. This is their business so of course they'll say yes!

"Sakay na po kayo," sabi ng kutsero.

Inalalayan naming dalawa si Alessandra para makasakay. Nang makaakyat na siya ay sumakay na din ako at tumabi sakaniya. Pero bago pa iyon nilibot ko muna ang paningin ko at nang mapagtantong wala namang kahina-hinala ay tinuon ko na ang atensyon ko sakaniya.

She was very happy on our ride. Hindi mawawala ang ngiti niya habang dumadaan kami sa kung saan saan. We even moved to Luneta and we rode another kalesa for her. My eyes widened of shock when I saw she payed another 1000 bill to the kutsero!

"Sabi ko sayo hindi dapat isanglibo!" suway ko sakaniya.

"Hey, Aela, calm down. Can't you see how tiring their work is? They deserve to be payed on that price. Anyway, let's eat?"

Gusto kong bumuntong hininga dahil sakto lang ang perang dala ko. Kung may pangkain man ako, pangtusok-tusok lang. Pero dahil kasama ko si Alessandra alam kong hindi kami sa ganun kakain.

"Sasamahan na lang kita,"

"What? Are you kidding me? Kakain ka rin! It's on me."

"Kanina ka pa gumagastos, Alessandra."

"So? 'Wag ka ng mahiya. Magtatampo ako kung tatanggihan mo ako. I can feel the bond between us kaya! You're like my sister already."

Natawa ako sa pagtatagalog niya kaya sinimangutan niya ako. Kalaunan, napilit niya na rin ako. Pumunta kami sa Mall of Asia at doon naghanap ng makakainan. I know she will choose some high-class restaurant.

"Mabuti na lang din umalis tayo. May dahilan ako kung sakaling magtanong sila Mommy kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag nila. I still don't know what to say!" dire-diretso niyang sabi.

"Bakit naman? Papagalitan ka ba kasi nandito ka?" tanong ko at uminom ng tubig.

"Yes. They don't know that I'm here. I didn't told them. I just... ran away?"

Halos mabuga ko ang tubig sakaniya. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko! Nakita ko naman ang pagpipigil niya ng tawa at ang pag-atras niya. Pinunasan ko ang bibig ko at tinignan siya.

Mission ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon