Sunday came by very fast. Pero naalala ko pa ang pambubulabog ng Team Ales kagabi sakin. Bago ako makatulog halos sumabog na ang cellphone ko sa sunod sunod nilang tawag. In the end nag-conference call na lang kami at sabay sabay pa silang nagsasalita. Para silang naeexcite sa isang bagay na hindi ko alam.
"Lead! Sana mag bukas na!"
"Pucha, pre, akalain mo 'yun? Wala tayong kahirap-hirap sa isusuot natin!"
"May sayawan kaya? Sana meron para masayaw ko si Alessandra,"
"Tapang mo naman, lodi. Nandun tatay no'n!"
"Teka nga teka nga! Ano bang meron bakit parang ang gulo gulo niyo?" Sabat ko.
"Seryoso, Mace, 'di mo alam?" si Asher.
"Ano nga?"
Natahimik silang lahat. Akala ko hindi na sila sasagot pero akala ko lang pala. Halos masira eardrums ko dahil sabay sabay silang sumigaw!
"Pupunta kami sa Welcome Party ng parents ni boss Alessandra bukas, lead!"
Paiba-iba sila ng sinigaw pero iisa lang ang thought. At ayun yung kasama sila bukas sa party.
"Uhh, oh-kay?"
"Ano ba 'yan, lead? Wala ka ng mas isasaya pa diyan?" si Lian.
"Joke lang! Syempre masaya ako. Akala ko ako lang pupunta e. Kala ko uuwian ko na lang kayo ng handa," biro ko.
"Grabe, lead! Naeexcite na ako! Alam mo bang ang ganda nung dress na binigay sakin ni Ma'am Ales? Sumasakit mata ko sa sobrang kintab!" si Jen.
Napatingin ako sa box na nakalagay sa gilid ng kama ko. Ayun yung long gown na binili ni Alessandra para sakin. Hindi na ako nag-abalang tanungin kung magkano 'yon dahil alam kong mahal. Kung binilhan niya ako ng ganun kamahal, pano pa kaya yung kila Jen?
Napailing na lang ako. Mukhang gumastos nanaman ng husto 'tong amo namin. Kung ako lang pipili ng isusuot ko baka naghanap na lang ako sa Divisoria.
Tumagal ata kami ng halos isang oras kakakwentuhan para sa magaganap na party. Hindi naman namin 'to first time pero iba yung pakiramdam kasi halos kaedad lang namin yung amo namin tsaka sobrang close pa namin. Sa mga dati kasi naming hawak kinailangan pa naming humanap ng mga butas para makapasok o kaya mag-disguise. Ngayon lang ata kami makakapunta sa isang party na walang pahirapan.
"See you, lead!"
"Ayoko na! Naalala niyo ba nung pumunta tayo sa party ni Sir Aguirre? Yung masquerade? Ang ganda ni lead!"
"Wala na. Laglag panga nanaman yung iba diyan,"
"Good luck sa mga puso niyo. 'Di na lang ako magd-drop name pero kakambal ko ata?" humalakhak pa si Frank.
"Oy ah! Tumigil-tigil kayo. Sige na. Matulog na tayo dahil baka may mga alaga pa kayo sa mga mata niyo bukas sa party," sabat ko. Kung makapag-usap naman kasi 'tong mga 'to akala wala ako eh.
"Good night, lead!" sabay sabay nilang sabi.
Napangiti na lang ako bago patayin ang tawag. Tinitigan ko pa ng ilang saglit ang cellphone ko.
Mama, Lola, napakinggan niyo yung mga 'yon? Ayun po yung mga taong handa kong protektahan.
Nagising ako kinabukasan no'n ng magaan ang pakiramdam. Sumabog muli ang notification ko dahil sa mga chat ng Team Ales na naeexcite na raw sila mamaya. Lalo na si Jen at Lian since tatlo lang naman kaming babae rito sa mission na 'to.
Nasa banyo ako at abalang nililinis ang ipin ko nung tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Alessandra pala 'yon. Nagmumog muna ako bago ko sagutin ang tawag.