Tumungo ako sa conference room dahil nagpatawag ulit ako ng meeting. Nakita kong kumpleto na sila roon. Pagkapasok ko ay tumahimik silang lahat at nagsiayusan ng upo.
Nilabas ko mula sa bag ko ang kopya ng file tungkol kay Alessandra. Binigyan ko ang mga piling tao na kinuha ko para sa task na ito.
"Jen, Lian, Frans, Clark, Asher at Eliah, kayong anim ang kinukuha ko para makasama ko sa task na 'to," sabi ko at inabot sakanila ang mga papel. "Nakalagay d'yan ang info tungkol kay Alessandra. Lahat lahat pati ang tungkol sa tatay niya. Nilagay ko rin ang mga pangalan na may galit kay Alexander Raoet, tatay ni Alessandra, para kung sakaling maencounter niyo sila alam niyo na ang gagawin."
Kinuha ko naman ang isa pang folder. Naglalaman iyon ng mission ko sa Tondo. Ang lugar kung saan marami akong binabantayan dahil napakarami ring kriminal.
"Albert, sayo ko na binibigay 'tong mission na 'to. Isama mo si Stein dito tsaka si Hanz. Alam niyo kung anong ginagawa ko rito sa misyon na 'to kaya ayun din ang gawin niyo. 'Wag na 'wag niyong aalisan ng tingin si Alvega. Alam niyo na 'yun," utos ko sakaniya.
"Ales," naglingunan agad sakin sila Asher. Alam na nila ang tawag ko sa misyon na 'to. "Magkakaro'n tayo ng rotation. From 6am-12pm, si Jen at Lian. 12pm to 6pm, si Frans at Eliah. 6pm to 12am, Asher and Clark. Ako na pagdating ng 12am hanggang alas sais ng umaga."
"I'll go with you," si Clark habang nilalaro ang susi niya.
"You'll be with Asher, S. JCF," tawag ko sakaniya.
"I mean, I'll be there from six pm to six am. You don't have anyone with you."
"12 hours 'yun. Kaya mo?" tanong ni Asher kay Clark.
Sumandal si Clark sa upuan niya at pinaglaruan ang susi niya. Dahil sa ginawa niya lalong hindi naalis ang tingin sakaniya ng mga babae.
"I'm just volunteering. She's alone at that time."
"Kaya naman ni lead 'yon. Ilang beses na siyang pumupunta sa mga mission ng siya lang mag-isa," si Frank.
Tumahimik ang buong conference room pagkatapos. Nakita ko ang tinginan ng lahat at ang awkward na pag-ayos nila ng upo nila. May ibang umubo pa kaya umayos din ako ng upo para mapunta sakin ang atensyon ng lahat.
I was about to speak when Clark said something again.
"Sorry. I just thought maybe she needs someone to be with her. I don't question her ability but we don't know what those people can do." explain ni Clark.
"Okay. Listen up. I'll be bringing somebody with me. Pero sigurado akong hindi kayo 'yun, Asher at Clark. You need to rest." pagkatapos kong sabihin iyon ay nagpatuloy ako sa iba pang announcement ko.
Tumagal din ng isa't kalahating oras ang meeting na ginawa ko. Sinabi ko rin sakanila na lahat ng napag-usapan ay final na at wala ng mababago. At dahil wala naman kaming gagawin ni Asher, tumambay muna kami sa headquarters pampalipas ng oras.
"How did your meeting go?" hindi ko namalayan ang pagdating ni Mama. Mukhang pagod siya dahil umupo siya sa tabi ko. "Rhea, can you get me some coffee?" tanong nito sa isang tauhan na dumaan.
Bumaba ang tingin ko sa bandang bewang ni Mama. Nakita ko roon ang dalawang baril na nakasabit kaya nag-iwas ako ng tingin.
Hindi ako sanay sa paggamit ng baril at kung ano pang deadly weapons. Mas gusto kong ginagawa ang trabaho ko gamit lamang ang kamay pero hindi pumapayag si Mama sa desisyon ko. Hindi raw pwede na hindi ako marunong humawak ng mga ganoong klaseng bagay. I won't be an Agent if I don't know how to use those kind of weapons.