Dalawang linggo na ata ang nakalipas simula nung bumalik kami galing Cebu. Sa dalawang araw na nag-stay kami roon, masasabi kong bitin talaga. Pagkatapos kasing magbigay ng false alarm ni Alessandra samin nagdecide kaming lahat na parusahan siya.
"Wait, what? You're going to punish me? Who do you think you are to do that kind of stunt against me?" nakataas ang kilay niyang tanong samin nung sabihin namin sakaniya na bibigyan namin siya ng parusa.
Nilabas ko ang kontrata mula sa bag na dala ko at pinakita iyon sakaniya. Tinuro ko ang isang numero kung saan nakalagay ang rule na kapag nagbigay ng false alarm ang kliyente ay paparusahan ito.
"No way. You're not my Mom to punish me. Stop talking nonsense, guys!" she even rolled her eyes at us.
"20 laps," sabi ko at nag-cross arms.
"What 20 laps?"
"Benteng ikot sa labas ng villa mo, Alessandra."
Namilog ang mata niya at napatayo pa siya mula sa kama niya.
"Are you kidding me? Is that how you punish your clients?" naiinis niyang tanong.
Nag-kibit balikat ako. "Depende kung anong klaseng tao yung boss namin. Tama na daldal at magsimula ka ng tumakbo," tumabi pa ako at pinakita sakaniya ang daanan papunta sa pintuan ng kwarto niya.
"No. Way." matigas niyang sabi at humiga pa sa kama niya. Hindi pa nakuntento ang bata at nagtalukbong pa siya ng kumot.
Bumuntong hininga ako at hinarap sila Asher.
"Buhatin niyo na 'yan," utos ko at kumilos naman sila.
Binuhat nga nila si Alessandra na balot na balot pa ng kumot. Ang likot niya habang buhat siya nila Frank pero mabuti na lang at hindi siya nalalaglag. Sinisigaw niya rin ng paulit-ulit ang pangalan ko pero tinawanan na lang namin siya nila Jen. The next thing I knew is that she's running outside her villa. Maliit lang naman ang lupain na 'yon kaya alam kong kayang kaya niya 'yun.
Natatawa na lang ako kada naaalala ko ang nangyari nung araw na 'yon. Nagulat ako nung biglang may pumitik sa ulo ko at nakita ko si Asher na nasa harapan ko nga pala. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa cafeteria. Finals na next week kaya pinasa ko muna kila Jen si Alessandra pero sinabi ko naman sakanila na i-update ako sa whereabouts nung babaeng 'yun.
"Ano ba?" singhal ko sakaniya at binaba ang tingin ko sa spaghetti na kinakain ko.
"Bakit ka ba tumatawa? Siguro may boyfriend kana, no?"
"Meron," sabi ko at sinubo na ang spaghetti na inikot ko sa tinidor.
Hinablot niya bigla sakin ang tinidor at tinuro iyon sakin. Namilog ang mata ko dahil doon at napaatras. Siraulong 'to! Sobrang lapit kaya ng tinidor sakin akala ko tuloy matutusok yung mata ko!
"Madaya ka! Sino 'yan? Bakit hindi mo sinasabi sakin? Akala ko ba AsherLeigh forever?!" halos sumigaw na siya dahilan para mapatingin samin ang ibang mga studyante na kumakain din malapit samin.
"Hoy, Abo! Ano ka ba? Manahimik ka nga. Ang ingay ingay mo. Para kang siraulo dyan," singhal ko sakaniya at binawi ang tinidor ko.
"Sino nga kasi? Tsaka pano ka pa nakahanap ng boyfriend e abalang abala kana nga sa HQ tsaka sa pag-aaral? Pano mo nasingit 'yon?!" Pangungulit niya sakin. Nung napansin niyang wala akong balak sagutin siya ay hinawakan niya bigla ang magkabila kong balikat at niyugyog. "Sinooooo!" sigaw niya sa harap ko.
Hinawi ko ang dalawa niyang kamay na nasa balikat ko at sinamaan siya ng tingin.
"Ano ba! Joke lang 'yun! Patola ka naman masyado!"