Hindi pa ata kami nakakaisang oras na naroon pero nakarinig na ko ng nagdadatingan na mga motor. Alam ko na agad kung sino iyon dahil pa lamang sa tunog.
Nilingon ko si Alessandra na nakatingin lang sa harapan niya. Hindi iniinda ang init na nanggagaling sa araw kahit na alas dos pa lamang. Good thing there's a tree that's covering some parts of us kaya hindi kami gaanong naiinitan.
"Kailangan na nating umalis,"
Nagtataka niya akong tinignan.
"Huh? Why so fast? I haven't drank enough bottle yet."
Magsasalita pa lamang sana ako nang marinig ko na ang boses nila. Napapikit ako ng mariin at pilit kinalma ang sarili.
Keep your cool, Machaela. Naalala mo yung sinabi ni Lola noon? Na sa oras na may gawin sayo ang ibang tao, never let anger consume you. Because what's done is done.
Pero paano? Betrayal is the most painful thing that happened to me. Betrayal will make you feel the hatred towards the people who did that to you forever. It will leave a scar.
"Machaela,"
That voice... inakala kong yung nagmamay-ari ng boses na iyon ang magiging kakampi ko rito. Akala ko nung una pa lang siya na ang mapagkakatiwalaan ko. Pero nagkamali ako. Nagsanib pwersa silang lahat. Pinagkaisahan nila ako.
"Mace, umalis na tayo."
Another one.
Gusto kong matawa. Kahit magmukhang baliw ayos lang pero gusto kong ipakita nila kung ano yung ginawa nila sakin.
Sa lahat ng tao hindi ko inakalang si Asher ang isa sa t-traydor sakin. Simula nang mamulat ako sa reyalidad, kilala ko na siya. So how come that he can do that to me, right?
Pero kahit anong galit ko... kahit anong sisi ko... I knew there's this part of me that says that I'm also at fault.
They tried. Everyone tried.
I was just so clueless about what's happening to the point where I did what I wanted to do. Pero kung alam ko lang... kung sinabi lang nila sakin agad, sigurado akong hindi kami aabot sa ganito.
I want to understand all of them but I'm too hurt to do that right now. All I want to do is let myself breathe. Kasi pakiramdam ko nasasakal na ko. Unti-unti na kong kinakapos ng hininga.
"Please, leave." I tried to sounded calm.
"Don't be like this, Machaela. You know we only did that to protect you,"
"Clark," I called his name. "Not now. Let me ease the pain. Let me comfort myself."
Para kaming tanga. Nag-uusap habang nakatalikod lang ako sakanila. Sigurado akong kung ibang sitwasyon lang 'to tinawanan na kami ni Alessandra. But she knows her limits.
Naramdaman ko ang dahan-dahan na paghawak ni Alessandra sa kamay ko. Napalingon ako sakaniya at binigyan niya ako ng isang nakakapagpagaan ng loob na ngiti. Para bang nangangamba pa siyang hawakan ako noong una pero kalaunan, pinisil niya na ang kamay ko. Tila sinasabing magiging ayos lang ang lahat.
"Don't touch her, Ales." malamig na sabi ni Clark mula sa likuran.
I feel sorry towards my sister. It's like suddenly, the world hates her. Kagabi... nakita ko kung paano siya titigan ni Asher na para bang nakakadiri yung kapatid ko. Then there came another one which is Clark. Si Clark na laging mainit ang ulo sakaniya. Na akala mo may malaking kasalanan na ginawa ang kapatid ko.
Kapatid...
Funny how I lived for nineteen years knowing that I'm all alone and no family left. Then out of the blue, I met Alessandra. I handled this mission and who would have thought that the person I've been protecting for months already is my sister?