"Why are you two always together?" tanong ni Alessandra na nakahalumbaba ngayon sa kitchen counter ng kusina niya rito sa condo unit niya.
As usual, nandito kaming lahat. Kaming dalawa lang naman kasi ni Asher ang nag-aaral sa grupo na 'to. Yung iba, kahit mas bata samin ng isang taon lang, ayaw mag-aral dahil okay na raw sila sa kinikita nila sa trabaho namin.
"Oo nga, lead! Napapansin na namin 'yan!" segunda pa ni Lian.
Sabay kasi kaming dumating ni Clark sa unit ni Alessandra. Sakto habang nasa byahe nagtext si Alessandra at sinabing pumunta raw ako para dun sa pambawi ko sa pang-iiwan sakaniya kagabi. Sus! Akala mo naman wala siyang kasama.
"'Wag niyong lagyan ng malisya,"
Ay wow, Machaela? Sayo talaga nanggaling 'yan?
Nilapag ko yung niluto kong kaldereta kaya nagsiayusan sila ng mga upo. Pinagluto ko sila dahil inutusan ako ng mahal na prinsesa. Parusa ko raw. Ang dami niyang alam!
"She almost got into an accident," sabat ni Clark kaya napalingon ako sakaniya ng gulat.
Bakit kailangan niya pang sabihin 'yon?! At talagang sa mga 'to pa? Kung alam niya lang paano mag-react 'tong mga 'to! Naalala ko tuloy nung sumakit yung pwetan ko. Grabe yung mga reaksyon!
Sabay sabay silang napatingin kay Clark. Kahit si Alessandra na nakahalumbaba ay napaayos ng upo at tinignan siya.
"Ano? Paano?"
"Wait, when? Where? How?"
Pinandilatan ko ng mata si Clark pero pinasadahan niya lang ako ng tingin. How could you! Kabisado ko na ang mga kasama ko!
Napatingin ako kay Asher at nakita kong nag-iba ang expression ng mukha niya. Great. Just great, Fortalejo!
"Kanina. Someone almost bumped her riding a motorcycle. Didn't saw the face 'coz he's wearing a helmet and drove too fast." He even said it cooly. Parang kanina lang galit na galit ka, a?!
Dahil alam ko na ang susunod na pangyayari tumalikod na lang ako at nagtimpla ng juice. Hindi ako nainform na madaldal ka palang Fortalejo ka!
"And why didn't you texted us, Aela? We should've known!" si Alessandra ngayon na nakataas na ang kilay sakin.
"Para saan? Hindi nga nahabol ni Clark tapos itetext ko pa kayo? Hindi ko pa man nalalabas ang phone ko para itext kayo nakalayo na 'yun so what's the purpose of it?" pasimple ko pang tinapunan ng masamang tingin si Clark pero hindi niya 'yon ininda. Bwisit ka! Yari ka sakin mamaya sa bahay!
"Dapat sinabi mo pa din, lead! Marami tayong tao around the area. Para saan pa yung beeper kung hindi mo naman kami ia-alert? Si Gabriel naka-destino 'yun malapit sa University niyo, diba?" may bahid na ng tampo ang boses ni Frank habang nagsasalita.
Bumuntong hininga ako at umupo sa tabi ni Asher na tahimik habang pinagmamasdan ako.
"Guys, okay ito, ha? Wala namang nangyari sakin. Good thing may humila sakin kaya hindi ako natamaan. Besides, nakabisado ko yung plate number. Ako na bahala." pagsisiguro ko.
Yes, I may be too shock when that happened pero gumana pa rin naman kahit papaano ang trinain ko sa sarili ko kaya nakabisado ko ang plaka no'n.
"Bakit nangyayari sayo 'to?" nagsalita na si Asher kaya napatingin kami sakaniya.
Nakatingin siya sakin pero mukhang may iniisip siyang iba. Parang tinitignan niya ako hanggang sa kaloob-looban ko. Tumagilid pa ng bahagya ang ulo niya at hinawakan niya pa ang labi niya't pinaglaruan iyon. Lalo tuloy pumula.