Si Jen at Frank ang pumalit sa shift ko dahil silang dalawa lang ang nag-beep back nung nagsend ako ng signal gamit ang relo namin. Pagkarating na pagkarating nila sa condo ay umalis na rin agad ako para pumunta sa headquarters.
Papara na sana ako ng taxi nung makita ko si Eliah na mukhang inaabangan ako. Ngumisi siya nung makita ako.
"Good morning, lead. Hop on,"
Mabilis kaming nakarating sa headquarters dahil motor ang dala ni Eliah. Pumasok agad ako sa loob at sinabi sakin ng ibang tauhan kung nasan si Clark at ang lalaki. Agad kong tinahak ang daan patungo roon.
"Wala po talaga akong alam! Nagsasabi ako ng totoo!" Rinig na rinig ko ang paulit-ulit na pagsigaw ng lalaki habang papalapit ako.
Parang may kung ano na dumaplis sa puso ko dahilan para makaramdam ako ng kirot.
Bakit? Bakit kailangang maging masama ang mga mabubuting tao? Bakit imbes na maligtas sila, sila pa mismo ang naglalagay ng sarili nila sa delikadong sitwasyon. Bakit ganito ang mundo?
Natigil lamang sa pagsisigaw ang lalaki nung pumasok ako. Nakita ko si Clark sa kabilang dulo na nakasandal sa pader at nakapamulsa. Habang ang ibang tauhan naman ay nasa magkabilang gilid nung lalaki.
"Did you try asking him questions about this?" tanong ko kay Clark.
Umayos ito ng tayo at naglakad palapit. Nakita kong may nginunguya na 'tong bubblegum. Habang papalapit siya nakikita ko sakaniya si Margaux at Mary Kate. Hindi talaga matatanggi na magkapatid sila. Pare-parehas sila na may aura na maangas. Yung tipong wala naman silang ginagawa para magmukhang ganun pero ayun yung kinalalabasan.
"No,"
"Ma'am, hindi ako nagsisinungaling. Totoo yung sinasabi ko na wala akong kinalaman. Napag-utusan lang ako! Ma'am may pamilya rin ako..." halos magmakaawa na siya sa harap ko habang nagsasalita.
Bumuntong hininga ako. You should face this, Machaela. Walang hahantungan kung papairalin mo lang yung awa. Mas may alam ka kesa dito sa lalaking 'to.
Umupo ako sa harap niya at titig na titig siya sakin. Kitang kita ko ang takot na nababalot sa mukha niya. Pinipilit kong itulak palayo ang awa na nararamdaman ko dahil hindi tamang pairalin ko 'to ngayon.
"Background," sabi ko at inabot naman agad sakin ni Clark ang isang folder.
Binasa ko 'yon habang sinusulyapan ang lalaki sa harapan ko. He has three children and his wife is sick. Dati siyang nagc-construction worker pero umalis dahil sa mababang sahod.
And now he's working under someone. Someone who's as dangerous as his work.
"Hindi namin mahanap kung kanino siya nagt-trabaho ngayon. O kung sinoman yung sinasabi niyang nag-utos sakaniya. His lips are sealed. And base on his actions, I guess nothing will make him spill it." si Clark habang sumisilip na rin sa folder na binasa ko.
Binasa ko pa ang natitirang mga impormasyon bago ko isara ang folder at harapin si Franco. Franco Arizala is his name and he's 27 years old.
"Okay, Mister, umpisahan na natin 'to dahil may tatlong bata ang naghihintay sayo sa bahay niyo kasa na ang asawa mo," sinubukan kong patapangin ang boses ko. "Hindi totoo na wala kang kinalaman. Dahil nung oras na ialok sayo ang trabaho na 'to, involve ka na. Meron kang choice, Franco. Pero dahil sa gipit ka at kailangan mo ng pangtustos sa pamilya mo tinanggap mo ang trabaho. Dahil malaki ang bayad sayo, tama? Tinanggap mo dahil wala ka ng ibang choice,"
I can see frustration in his eyes and pain. But aside those two, regret is being shown in his face. And this time, I know he's not lying. He's not faking anymore.