"Sakit ba sa ulo, pare ko?"
Sinamaan ko ng tingin si Asher dahil doon. Napaatras siya at napataas ng dalawa niyang kamay.
"Hala! Chillax!" hinawakan niya pa ang balikat ko pero masyado siyang malayo sakin kaya halos istretch niya ang kamay niya para lang maabot ako.
"Hindi ko na alam gagawin ko kay Alessandra," sabi ko habang naglalakad patungo sa library.
Nagpadala naman na ako ng mga tauhan sa Cebu. Dahil marami naman ang recruit at nadagdagan din ang mga miyembro ko ay hindi na ako nag-dalawang isip na magpadala ng iilan pa.
"Nandun naman si Clark. Alam mo, nakikita kong may potensyal 'yon," sagot ni Asher sakin.
Napatigil ako sa paglalakad at hinarap si Asher.
"Wala naman na tayong klase. Mag-training na lang kaya tayo?" sabi ko at tinignan niya naman ako ng may excitement sa mata.
Pumunta kami sa headquarters at nagpalit na ng damit. Nakasalubong namin sila Frans at sumama rin sila samin. Oh, nasabi ko bang kambal si Frans and Frank?
"Lead, patingin ako nung binabantayan mo ngayon. Usap-usapan kasi nila Aron na maganda raw, e,"
Natigil ako sa ginagawa kong pag-akyat sa mataas na bahagi ng training area. Kasing laki ng arena ang training area dahil maraming station 'to. Tatlo ang training area. Isa para sa aerial, terrestrial at pelagic. Nasa terrestrial arena ako since dito ako mas nadadalian. Aerial is a bit hard but pelagic is way harder.
Nakalambitin ako sa pader habang nakatingin kay Frans na nasa baba. Si Asher naman ay nasa kabilang side at abala sa paghahasa sa speed niya.
"Nasa bag ko yung folder. Hanapin mo yung folder na may Ales," sabi ko at hinatak paangat ang sarili ko.
Inactivate ko ang opponent at naglitawan bigla ang mga kalaban ko. Mga robot lamang ang mga 'to pero daig pa ang tao sa sobrang tibay at bilis. Napayuko ako nung may robot na umatake sakin at muntik na akong malaglag sa pader na pinaghirapan kong akyatin!
Gumulong ako at umikot. Tinamaan ko ang paa ng dalawang robot na kalaban ko at napaupo naman sila. Tumayo agad ako at sinalubong ang suntok ng isa bago yumuko at pumunta sa kabilang gilid para masipa ko at nalaglag siya sa pader. Hindi naman sila masisira since may mga foam na sasalo sa baba. Nababalot ang lapag ng arena ng foam kaya imbes na masaktan ka tatalbog ka pa sa oras na bumagsak ka.
Agh! Sana pala hindi ko na lang inactivate! Ang hirap lusutan ng mga robot na 'to. Lantay gulay na ako bago ako makarating sa dulo para nasa ibang station na ako!
"Hala lead! Ito 'yun? Bakit kamukha mo? Magkapatid ba kayo?" sunod sunod na tanong ni Frans kaya napalingon ako sakaniya. Dahil sa paglingon ko, natamaan ako ng isang robot kaya isang malakas na tili ang napakawalan ko nung nalaglag ako sa pader.
Nang idilat ko ang mata ko ay nakita kong napatakip sa tenga ang mga kasama ko rito sa training area. Maging si Asher na nasa kabilang side ay napatakip sa tenga at napatingin samin.
"Grabe, lead! Ilang buwan ka bang hindi nakatili? Mukhang inipon mo pa 'yun, ah?" asar ni Frans sakin.
Lumapit siya at tinulungan akong tumayo. Hawak hawak niya pa rin yung folder kaya napatingin ako roon.
Weh? Magkamukha kami? Tinignan ko si Frans at nagpacute ako bigla. Kumunot ang noo niya at tinakpan ang mata niya kaya natawa ako.
"Ano ba 'yan, lead! Hindi pala kayo magkamukha!"
Lumayo siya sakin kaya binato ko siya nung maliit na bola na nasa gilid ko at tumama 'yon sa noo niya.
"Walang bawian!"