Chapter 16

437 20 1
                                    

Natapos ang gabing iyon ng masaya. Nung tinamaan na ng antok sila Jen at Lian ay nagdesisyon na ang iba na umuwi. Maiiwan si Frank, Frans, Eliah at Clark dito para manatiling magbantay sa pamilyang Raoet. Tinawagan ko na rin ang ibang tauhan para sumunod at pumalit samin. Pero bago kami tuluyang umuwi ay hinanap muna ng mata ko si Alessandra para magpaalam.

"Ayun siya," sabi ko at tinuro si Alessandra na kasalukuyang kausap si Alisson sa hindi kalayuan. "Papaalam lang ako."

"I'll go with you," walang pagdadalawang isip na sabi ni Clark at tumayo na.

Halos makuryente ako nung maramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko. Napako ako sa kinatatayuan ko at napakurap. Gusto kong tignan ang kamay ni Clark na nasa likuran ko pero parang nararamdaman ko pa rin yung kuryente sa katawan ko.

"Machaela? What's wrong?" tanong niya kaya napalingon ako sakaniya.

Napaatras ako nung mapansin ang lapit ng distansya namin. Shocks! Buti na lang umatras agad ako kung hindi...

"W-Wala. Tara," iniwas ko na ang tingin sakaniya at nagsimula ng maglakad papunta kila Alessandra.

Nararamdaman ko na rin ang kirot ng paa ko. Jusmiyo! Ilang buwan na rin akong hindi nagsusuot ng ganitong kataas na heels kaya naninibago ako ngayon.

Palapit na kami kay Alessandra nung mapansin kong seryoso ang pinag-uusapan nila ni Alisson. Her parents are nowhere to be found, too. Mabilis kong nilibot ang paningin at nakitang may kausap lang ang mga ito na mukhang kaedaran nila kaya binalik ko na ang atensyon kay Alessandra.

"I don't have any patience left, Alisson. If I can do it now, I—" natigil siya sa pagsasalita nung napalingon samin si Alisson. Napansin niya 'yon kaya sumunod ang tingin niya at nung makita ako ay ngumiti. "Hi! Are you enjoying the night?"

"May problema ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin 'yun sakaniya dahil sa narinig ko kanina.

Ininom ni Alessandra ang nasa wine glass niya bago ako sagutin. "It's just my parent's foes. I can see them all from here. Smiling and laughing as if they're not saying rubbish words behind my parent's back," umirap pa siya bago ako tignan. "How about you?"

"Magpapaalam lang sana kami. Inaantok na kasi si Jen tsaka Lian. May pasok na rin ako bukas tapos exam ko pa. Maiiwan naman dito sila Clark. So... no worries,"

Nawala ang ngiti sa labi ni Alessandra at napalitan iyon ng pagnguso. Alam ko na agad ang sasabihin niya kaya umiling agad ako. Lalo namang humaba ang pagnguso niya na mukhang aabot na ata dito sa pwesto ko.

"It's still early..."

"She said she have exams, Sandra." sabi ni Alisson at tinapunan ako ng tingin na parang nanghihingi ng paumanhin.

"I'll let you go but in one condition," nagtaas pa siya ng kilay sakin.

"Ano?" pati tuloy ako nakakaramdam na ng antok. Pinapatagal lang nito ni Alessandra yung usapan. Gusto ko na ring humiga sa kama at managinip.

"I'll be preparing a dinner some other day. My parents didn't had the time to talk with you all. Don't worry. The dinner will only be for Team Ales," kumindat pa siya sakin.

"Okay," ano bang magagawa ko? Alam ko namang kahit tumanggi ako masusunod pa rin siya.

"Great!" Lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you for coming, Ae. I hope you'll do well on your exams despite of attending this tonight." bulong niya.

"Thank you."

Nagpaalam na rin ako kay Alisson bago kami tuluyang bumalik ni Clark patungo sa table. Nakita kong nakapikit na si Lian sa braso ni Frank. Nakainom din kasi sila ng konti dahil nagserve rin ng mga alak kaya maaga silang tinamaan ng antok.

Mission ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon