Chapter 38

496 22 0
                                    

"Anong plano?" ayun agad ang tanong ni Frank pagkasakay niya. Sinundo namin siya sa labas ng village nila Alessandra. Sinabihan niya na rin naman daw sila Eliah pero hindi raw nila pinaalam kay Ales.  Mabuti na rin 'yon. Pero I doubt kung hindi talaga sabihin ni Alisson 'yon sa pinsan niya.

"The usual. Maglalabas lang ng armas kung mauuna sila. Pero hangga't malumanay ang usapan, walang kikilos ng kahit ano. Manatili tayong kalmado bago umaksyon." sabi ko habang nakatingin sa harap. Hindi ko nga alam pano ko nasabi ng ayos lahat ng 'yon samantalang ang dami ng tumatakbo sa isip ko ngayon.

Bahagya akong nagulat nang makita ang lugar na sinasabi ni Alisson. Sigurado ba siyang dito talaga? Ang ineexpect kong lugar ay yung mga liblib. Yung tipong napakaraming puno na nasa paligid tapos madilim tsaka wala kang makikitang mga bahay. E subdivision 'to, e!

"Mukhang matutulad 'to kay Mrs. Sandoval, lead, a?" narinig kong sabi ni Frank mula sa likuran.

Naalala ko tuloy si Mrs. Sandoval. Naging kliyente rin namin yung asawa niya. Obsessed kasi masyado si Mrs. Sandoval sa asawa niya kahit hiwalay na sila. Dumating sa punto na kahit anak nila nilagay niya sa panganib. Nung sumugod kami ganito rin yung lugar. Hindi mo aakalain na may masamang tao na nakatira dahil ang gagara ng bahay.

"I think this is the one." tinigil ni Clark ang sasakyan sa tapat ng isang magarang bahay. Halatang mayaman at babae ang nakatira rito dahil yung disenyo at kulay pang-babae.

"Banda dun mo i-park. 'Wag dito mismo sa harapan." Tinuro ko ang bakanteng pwesto sa pangatlong bahay mula rito.

Mahirap na dahil baka may planuhin pa bigla si Alisson at madamay 'tong sasakyan ni Clark. Pagkapark niya bumaba na rin kami. Inayos muna ni Frank yung baril na dala niya. Halatang hindi siya sanay dahil sniper lang ang ginagamit niya madalas.

"Sharp shooter ka naman kaya magagamit mo pa rin 'yan." nginuso ko ang hawak niyang baril.

"Talagang asintado 'to lead lalo na't nandyan kapatid ko." ngumisi pa siya bago kinasa ang baril.

Napangisi at iling na lang din ako. May maipagyayabang naman kasi talaga.

Naglakad na kami papunta sa bahay ni Alisson. Pinagmasdan ko ang paligid at pinakiramdaman habang papalapit. Kung yayaman lang din naman ako pero sa ganito ako titira, dibale na lang. Sobrang tahimik. May kanya-kanyang buhay yung mga tao na akala mo wala silang kapitbahay. Mas maganda pa rin pala talaga yung magigising ka dahil sa bangayan o bibig ng mga chismosa mong kapitbahay kesa sa ganito. Para kang nasa sementeryo.

"Ganito pala buhay mo, 'no?" si Asher habang sinasabayan ako sa paglalakad.

"No thanks. Ayos na ko sa kung anong meron ako." Kahit yumaman ako hindi ako titira sa ganito!

"Sigurado si Clark ang nakakaranas ng ganito satin. Manyaman, e." si Frank.

"Tss." iyon lang ang sinagot ni Clark sakanila kaya natawa ako.

Pagkalapit namin sa gate ng bahay ni Alisson, bumukas bigla ang gate. Kumunot agad ang noo ko dahil dun. Wala namang tao sa guardhouse nila. Hindi ko pinahalata ang pagmamasid ko pero namataan ko ang CCTV na nasa guardhouse.

You're playing safe, Alisson. Ginagamit mo ang mga teknolohiya na meron ang bahay mo. Ano kayang palag ng mga 'yan sa oras na tamaan ko ng bala?

"Makiramdam kayo sa paligid." Bulong ko sakanila habang naglalakad papunta sa pintuan ng bahay ni Alisson.

Napakadaming bulaklak sa magkabilang gilid. Bukod naman doon wala na siyang ibang nakadisplay sa labas ng bahay niya. Yung kulay lang talaga ng bahay at disenyo ang nakabawi. Ano pa kaya sa loob?

Mission ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon