Punyeta!
Paanong hindi 'yan yung una mong masasabi kung pagkarating mo sa location nasusunog na sasakyan yung maaabutan mo?
"We can't do anything about it anymore,"
Hindi ko nilingon si Clark pagkasabi niya nun. Oo, si Clark. Nang maka-recover pala kasi siya sa paghalik na ginawa ko sumunod agad siya. At eto kami ngayon... tinititigang masunog yung nagkakaisang ebidensya.
"Bakit nila sinunog? Nahanapan ni Jen kanina ng mapa 'tong buong lugar kanina at kitang-kita namin na maayos pa yung sasakyan. Nakaparada nga lang dyan pero hindi siya nasusunog!"
Napansin ko ang pagkuyom ng kamao saglit ni Clark. Nang makita niyang nakatingin ako roon, tinanggal niya agad ang pagkakakuyom at nilapitan ang sasakyan.
"Mukhang kanina pa sinunog 'tobg sasakyan dahil halos wala ng matira. Wala na tayong mapapala rito,"
"Baka meron pa. May mahahanap pa naman siguro tayo dyan kung tatanggalin natin yung alab. Wala bang malapit na ilog dito?"
Bumuntong hininga si Clark at naglakad palapit sakin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para mapatingin ako sakaniya.
"Let's give this one up, baby. Nakatunog siguro yung kumuha kay Alicia kaya ganito ang nangyari,"
Tignan mo 'to. Baka akala niya hindi ko napapansin na Alicia lang ang tawag niya kay Tita. Napakawalang-modo talaga nitong lalaki na 'to, e.
"Paano na ngayon? Anong gagawin natin? Wala na tayong ibang lead kundi ito lang,"
"We'll find another way. For now..." dahan-dahang sumilay ang ngisi sa labi niya. "I wanna take my girlfriend to a dinner date,"
Imbes na ako yung nagtatatalon sa kilig feeling ko yung puso ko na lang yung gumagawa nun para sakin dahil nakakahiya naman kung gagawin ko sa harap ni Clark 'yun, diba? Mukha akong tanga nun.
"Seryoso ka ba? Nasa kalagitnaan tayo ng-"
"Ayaw mo?" ngumuso nanaman siya. Para siyang bata na pinagbawalan lumabas. "Ayaw mo ba akong kadate? Kinakahiya mo ba ako bilang boyfriend mo? Bakit? Pangit ba ko? Kahiya-hiya-"
Hinalikan ko siya ulit. Ang daldal, e!
"Ang dami mong sinasabi. Tara na po. Kakain na tayo," baka ikaw pa kainin ko. Charot!
"Nakakailan ka na, a?"
Tinalikuran ko siya agad dahil alam mong mahuhuli niya kong nakangisi. Malamang makakailan talaga ko! Nakakaadik ba naman, e! Tapos ang lambot-lambot pa!
Sumakay na ako sa motor at tinitigan siya. Pinapanood niya pa rin ang bawat galaw ko at may naglalarong ngisi sa labi niya. Nginisian ko rin siya.
"Lead the way, baby,"
"Ayaw mong sakin sumakay?"
Naglaho bigla yung ngisi sa labi ko at pinamulahan ng mukha. Anong sakaniya sumakay? Agad-agad?! Ilang oras pa lang kami tapos-
"What are you thinking?" natatawang tanong niya at nilapitan ako. Hinawakan niya nanaman yung manibela para harangin ako. "You're thinking about something else, don't you?"
B-Bakit naman kasi kailangan... sakyan ko agad siya? Ang wild, Mama!
Lalo akong pinamulahan ng mukha nung tumawa na talaga siya. Pailing-iling pa ang loko habang napapatingin sa ibaba. Ang kapal ng mukha para tawanan ako?!
"What I'm saying is..." he cleared his throat. "You ride with me there..." tinuro niya ang motor. "And not here," tapos tinuro niya yung katawan niya kaya nanlaki ang mata ko.