Chapter 2

811 29 0
                                    

"Mag-set ka ng meeting mamayang alas kwatro. Dito ako didiretso pagkatapos ng klase ko." sabi ko kay Jen at agad naman itong tumango.

Friday na ngayon. Automatic na kapag first and last friday ng buwan ay magpapatawag ako ng meeting. Kailangan kong makausap lahat ng tao ko at kailangan ko silang i-undergo sa medical. Mahirap na.

"Magpapadala ba ako ng sasakyan dun sa mga nasa malayo, lead?"

Tinignan ko siya, "Wala ba silang dalang motor?"

"Yung iba wala, lead."

"Magpadala ka."

Tumango ito at inasikaso na ang sinabi ko. Kinuha ko na ang gamit ko at nagpaalam na sakanila na aalis na ako.

Dumaan lang ako dito sa headquarters para sabihin iyon at para tignan ang ibang file. Parami ng parami ang mga nangyayaring krimen kaya lalong dumadami ang trabaho namin. Mabuti na lang hindi kami nauubusan ng tao dahil nakakapagrecruit pa din si Mama Tina kahit papano.

Nginitian ko ang mga nakasalubong ko na papasok pa lang sa headquarters. Lumabas na ako ng tuluyan at pumunta sa sakayan. Tinignan ko ang relo ko. May twenty minutes pa naman. Kaya pa naman siguro dahil malapit lang ang school dito sa headquarters. 'Wag lang sanang traffic.

Napatingin ako sa sasakyan na tumigil sa harap ko. Binaba ng driver ang bintana na nasa side ko at nakita ko agad ang nasa loob nito.

"S. Mikmik, need a ride?" Dungaw ni Clark sa loob.

"Oks lang naman. 'Di pa naman ako male-late."

"Hatid na kita."

Tinignan ko ulit ang orasan ko at ang mga sasakyan na dumadaan. Mukhang punuan din ang jeep ngayon dahil maaga pa. Kung maghihintay ako baka malate din ako.

"Okay lang? Sure ka ah!" sabi ko sakaniya.

Ngumiti naman siya at tinulak ang pinto ng bahagya para bumukas. Sumakay na din ako at agad niyang pinaandar iyon.

"Buti na lang nakita kita. Kung hindi, baka late ka pa." sabi niya kaya napatingin ako sakaniya. Nasa daan ang mga mata niya.

Habang tinitignan ko siya ay pumasok bigla sa isip ko ang kambal. Si Mary Kate at si Margaux.

Napaiwas ako ng tingin nung bigla niya akong balingan. Hindi ko alam kung saan ako titingin kaya tumingin na lang ako sa harap.

"You want to ask something?" tanong niya at nakita kong sinulyapan niya ako ulit.

Nag-alangan ako kung magsasalita ako. I should be sensitive enough kasi kailan lang nangyari 'yon.

"Wala naman," sagot ko at pinilit kalmahin ang sarili ko.

"I told you you look familiar, right? I remember you now," napatingin ako sakaniya. Seryoso siyang nakatingin sa daan. "You're a friend of my sisters. You helped them before."

"Sorry." mabilis kong sagot.

"You shouldn't be," agap niya. "They asked you for that. Wala akong magagawa. Besides, you only gave them informations, right?"

Tumango ako. Hindi na siya kumibo hanggang sa dumating na kami sa eskwelahan kung sa'n ako nag-aaral.

"Salamat," sabi ko nang makalabas ako at habang nakadungaw ako sa sasakyan niya.

"No problem."

Akmang tatalikod na ako pero may naalala ako kaya hinarap ko siya. Pasara palang ang bintana pero nang mapansin niya ako ay itinigil niya iyon at tinignan ako.

"You forgot something?"

"Masaya na ang kapatid mo sa itaas. Tandaan mo na lang na lagi ka niyang binabantayan. And she did that without regret." sabi ko at tumalikod na.

Mission ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon