Chapter 25

336 20 1
                                    

Saglit pa lang ata yung natutulog ko nung may gumising sakin. Aware ako na salubong ang kilay ko nang magising ako habang tinitignan siya. Ilang oras pa lang ang tulog ko! Bakit may nanggigising agad?

"Uhh... lead, sorry kung ginising kita. Pinapatawag kasi tayong lahat ni Commander," si Lian.

I groaned. Gustong-gusto ko pa matulog. Gusto kong bawiin yung pagod na naipon ko sa isang linggo ko rito pero hindi pwede. Dahil kung hindi ako sisipot mababalewala yung accomplishment namin kanina at baka maiwan ako rito sa Oton.

Kahit ayoko, tumayo ako at sinabi kay Lian na mag-aasikaso lang ako. Dinampot ko yung tuwalya at pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo sinuot ko na yung spare uniform ko. Sinigurado ko muna na lahat ng gamit ko nasa maayos na pagtataguan bago ako lumabas.

"Morning!" bati sakin ng mga nakakasalubong ko. Ayoko namang masabihan na masungit kaya nginitian ko na lang sila kahit wala ako sa mood. Kahit naglalakad ako ramdam ko pa rin yung antok! Bwisit!

"She's here!" excited na sambit ni Lexy nang makita ako.

Nagpalakpakan sila habang papalapit ako. Yung grupo ko naman na Team Ales, todo ang ngiti sakin. Si Asher umiiling pa habang todo bigay sa kakapalakpak.

"That's my baby!" naiiyak kunwari na sabi niya habang naiiling.

Inirapan ko siya. Wala ako sa mood pero dahil sa ginagawa nila natatawa ako.

Niyakap ako bigla ng mahigpit ni Spike pagkalapit ko. Ang dami tuloy nang-asar samin tapos sila Frank pilit kaming pinaghihiwalay.

"Oy, oy, oy! Ano 'yan? Wala sa usapan 'yan, a!" si Eliah.

"Aba hoy boy fucker! Lumayo-layo ka nga!" hinatak ako ng tuluyan ni Asher.

"'Wag niyo nga akong hatak-hatakin. Hindi ba masakit mga katawan niyo at kung makahatak kayo parang 'di kayo nanggaling sa gulo?"

"Sungit naman porket siya nakahuli!"

Nagtawanan sila pero umirap ako ulit. Inabutan naman ako ni Lian ng kape at biscuit.

"Ano 'to? May patay? Ba't ganto lang almusal?" biro ko.

"You'll know later," sagot sakin ni Lexy. "Tara na! Kanina pa tayo hinihintay ni Commander!"

Inakbayan ako ni Asher habang papunta kami sa sasakyan namin papunta sa main quarters. Muntik pa tuloy matapon yung kape buti na lang nailayo ko sakin.

"Kamusta sugat mo?" tanong ko sakaniya habang naglalakad kami.

"Nagamot na ni Lian. Puro daplis lang naman. Worth it naman yung pagkasakal sakin since nahuli mo naman si Labrazal," asar niya sakin at sinangga-sangga ba ang balikat ko habang pasimplenh dumukot sa biscuit.

Pipindutin ko sana yung sugat niya pero naka-full uniform din siya gaya ko kaya natatakpan. Hinayaan ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Tahimik lang ako sa byahe dahil antok na antok talaga ako. Kung hindi lang ako dinadaldal nila Asher makakatulog ako ulit. Naiinis ako at the same time natutuwa sa kadaldalan ni Asher dahil kung hindi siya madaldal, siguradong masisira ang mood ni Commander at ipapaiwan ako rito dahil kung gisingin man nila ako mamaya hindi na ako magpapagising.

Kaso maya-maya lang natahimik na rin silang lahat. Panay na rin ang mga hikab nila kaya napagtanto kong baka yung iba sakanila wala pang tulog. Grabe. Ang tibay. 24 hours na silang gising kung ganun!

Pagkarating namin sa main quarters dumiretso kami sa opisina ni Commander. Pagkababa pa lang namin ng sasakyan inanunsyo agad na nakarating na kami. Kaya pagkapasok namin sa opisina nakatayo na agad si Commander at halatang inaantay na lang kami.

Mission ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon