Chapter 22

404 25 6
                                    

Hello! Sana hindi kayo malito sa timeline. So itong Mission Impossible nangyari few months pagkatapos nung sa TMA. So kung ano yung nasa Epilogue ng TMA, advance 'yun kesa rito. Thank you! Enjoy reading.

Ilang araw ang lumipas at maraming tinanggap si Mama sa mga nag-apply. Sembreak na rin namin kaya may dalawang linggo na pahinga mula sa mga nakakastress na subject.

"Machaela! Machaela buksan mo!"

Holy shet!

Nagising ako dahil sa pamilyar na boses. Dumagundong yung kaba sa dibdib ko at halos magkandarapa pa ako sa pagtayo. Peste! Nabuhol yung kumot sa paa ko!

Hindi ko na nagawang maghilamos lalo na nung narinig ko ang paulit-ulit na kalabog ng pintuan. Shet naman oh! Saglit lang!

Binuksan ko ang pinto at nakita ko agad ang nag-uusok na ilong ni Aling Sita. Kahit yung mga chismosa kong katabing unit sa apartment mga nasa likuran niya na at halatang nag-aabang sa mangyayari.

"Aba! Magandang umaga sayo, ineng! Ang sarap sarap ng tulog mo baka naman gusto mong magbayad ng renta mo!? Ayan ka nanaman, Machaela! Sayo lang sumasakit yung ulo ko sa mga nagrerenta sakin! Diba sinabi ko sayo nung nakaraan kung wala kang pangbayad umalis ka na lang? Nakakaperwisyo ka! Asan na yung bayad mo?!"

Nakagat ko yung labi ko. Sanay na ako sa ganito niya. Nung nakaraan kasi na pumalya ako sa pagbayad ng renta ay nung nag-enroll ako. Inisahang bagsak ko na lang kasi lahat. Enrollment, libro pati ibang gamit na gagamitin ko sa eskwela kaya malaki laki ang nagastos ko. Pati tuloy yung bayad sa renta noon nagastos ko.

"S-Sandali lang po, Aling Sita! Kukunin ko lang!" Nagmamadali kong sabi at inirapan niya naman ako.

Habang papunta ako sa kwarto rinig na rinig ko ang mga 'di magandang sinasabi niya tungkol sakin sa labas.

"Jusko! Kung hindi lang ako naaawa sa batang 'yan pinalayas ko na 'yan talaga! Nakakaawa lang kasi walang magulang!"

Kagat kagat ko ang labi ko habang hinahalukay ang bag ko. Binuksan ko ang wallet ko at binilang ang pera na nandoon. Shit! Kulang!

Tinaob ko na yung laman ng bag ko para makakita ng 2,500 pero wala. Isang libo lang yung laman ng wallet ko! Kinuha ko ang ATM ko at nagmamadaling lumabas kahit na kabadong kabado ako.

"Oh, akin na!"

"A-Aling Sita..." tawag ko sakaniya. "Kulang kasi yung pera. Magw-withdraw lang muna ako p-para mabayaran kita."

"Ano?! Paghihintayin mo pa ako?! At saan ka naman magw-withdraw dito, ineng?!"

Ayan na nga ba yung sinasabi ko! Jusmiyo! Feeling ko sa sobrang gigil sakin ni Aling Sita ipapakain niya na lang bigla sakin yung sigarilyo na hawak niya. Bakit ba naman kasi nakalimutan kong magwithdraw! Mababawasan tuloy yung ipon ko!

"Saglit na saglit lang, Aling Sita. Please po. Parang awa niyo na magbabayad po ako ngayong araw,"

"Ineng! Ilang araw ka ng delay sa pagbabayad! Kung hindi pa ako pumunta rito hindi ka pala magbabayad?"

Gusto kong sabihin sakaniya na masyado akong naging abala nung mga nakaraang araw pero alam kong balewala lang 'yon. Naiinis ako pero ako naman kasi yung mali kaya hindi ako makapalag.

"Ipunin mo yung gamit mo! Ayoko nang sumakit ulo ko sayo kaya umalis kana rito!" Umamba siyang papasok pero pinigilan ko siya. Halos mangiyak-ngiyak na rin ako. Hindi pwede!

"Aling Si—"

"How much?"

Natigil ako sa pakikipagtulakan kay Aling Sita nung marinig ko ang boses na 'yon.

Mission ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon