"H-Huh? Ano pong anak?" I wanted to push him away but my body refuses to do it. Para akong estatwa roon na nakatayo at nagtatakang tinitignan ang bawat kasama ko.
Patuloy ang pag-iyak ni Senator sa balikat ko. Tulad niya, humahagulgol din ang kaniyang asawa sa loob ng pamamahay nila at inaalo naman ito ng anak na si Alessandra.
Habang tinitignan ko sila, nanatili rin ang titig ni Alessandra sakin. Hindi ko maintindihan ang paraan ng pagtingin niya. Walang emosyon. Blangko. Wala.
"Tangina," narinig ko nanamang mura ni Asher sa gilid.
Kumalas sa yakap si Senator at hinawakan ako ng marahan sa magkabilang pisngi. Namumula na ang mata niya kakaiyak habang ako eto... nagtataka pa rin.
"You're my daughter, Machaela," pinilit niyang buuin ang boses pero nababasag pa rin ito dahil sa pag-iyak.
"Alexander! Stop this! Stop everything!" sigaw ni Tita Alicia mula sa loob.
"Machaela, ako ang ama mo."
"Alexander!"
Everything happened too fast. Kanina, sakin nakaharap si Senator pero ngayon hinatak siya ni Tita Alicia at sinampal. Hinatak naman ako ni Clark at nilagay sa likuran niya. Protecting me from everything. Protecting me from this chaos.
"I told you that's enough! You chose us! Kami ang sinamahan mo! Remember nineteen years ago? I made you choose! It's between me or your mistress! Sino'ng pinili mo? Kami! Kami ni Alessandra, Alex! Kami ng panganay mo at hindi ng bastarda mong anak! Hindi yung kabit mo na may responsibilidad na bantayan at protektahan ka!"
Pakiramdam ko pinipiga yung puso ko. Totoo ba 'to? Totoo ba lahat ng naririnig ko?
At... kabit?
Kabit si Mama ni Senator?
"You promised and swore you will never find this daughter of yours again. You swore that we're going to be your only priority! Nangako kang hindi mo siya hahanapin, Alex! Isipin mo anong mararamdaman ni Alessandra rito!? How dare—"
"Tumahimik ka na, Alicia!" Senator's voice boomed the area. Natahimik si Tita Alicia dahil doon. Hindi makapaniwalang tinitigan niya si Senator habang nanginginig ang mga kamay. "I have the right to find my own child! Alicia, anak ko si Machaela! Bakit kailangan mong ipagdamot sa bata yung presensya ng tatay niya? I should've found her years ago if it weren't for you! I've been selfish for almost a decade! I've been a bastard of a father, Alicia. And I'm growing older. I can't die knowing I have a daughter who needs me out here. I can't..."
"I can't believe you, Alexander! I can't believe you!" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Tita Alicia at sinampal muli si Senator. Halos mapaatras ako ng balingan niya ako at titigan. Then, I know... for sure, that in a split of second, I saw how her eyes softened before turning her back on us.
Hindi siya sinundan ni Alessandra. Hindi gumalaw si Alessandra mula sa pwesto niya. Nanatili lamang siyang nakatayo roon habang nakatingin sa tatay niya.
Akala ko aamuhin siya ni Senator pero binalingan ako nitong muli. At nang makitang nasa likuran na ako ni Clark, tinignan niya si Clark.
"Hijo, please..."
Humigpit ang pagkakahawak ni Clark sa kamay ko. Tila ba nag-iisip siya kung papabayaan niya ako o itatago na lamang sa likuran niya.
"I need to talk to my daughter, hijo. Intindihin mo ako. I've been gone for too long. Hindi kami nakapag-usap o kung anoman lang. Ibigay mo sakin 'tong pagkakataon na 'to nagmamakaawa ako."
Huminga ako ng malalim. Bakit walang luhang lumalabas? Bakit wala akong maramdaman? Parang namamanhid na ako sa dami ng nangyayari sa buhay ko.
I stepped aside to see Senator clearly. Sunod-sunod ang naging pagbaling ng mga ulo patungo sakin. Lahat sila pinapanood ang susunod kong gagawin.