Chapter 36

422 17 0
                                    

Kung pwede ko lang gawin na hindi na pumasok para asikasuhin yung nangyayari, ginawa ko na. Pero alam kong hindi matutuwa si Papa kung malalaman niyang hindi ako pumapasok lalo na't graduating ako.

Gusto ko siyang iligtas pero gusto ko ring ipakita sakaniya yung diploma ko. Kaya pinapangako ko sa sarili ko na makakaya kong pagsabayin 'yon. Makukuha ko siya kasabay ng pag-aaral ko.

"Laxamana! Are you even listening?"

Muntik ko na atang mahampas yung katabi ko dahil sa sobrang gulat nang sumigaw yung Professor ko. Napatingin ako sakaniya na ngayon ay ang talim na ng titig sakin.

"Sorry po,"

Ang hirap pala. Yung papasok ka para pumasa dahil gusto mong gumraduate pero sa nangyayari parang gusto mo na lang tumigil. Pero alam mong walang matutuwa sa gagawin mo kasi ito na, e. Konting lakad na lang tapos ngayon ka pa aatras?

"I've been noticing you the past few days, Laxamana. We need to talk after your class,"

Tahimik akong tumango at umupo sa upuan ko.

Sinubukan kong makinig na sa mga susunod ko pang klase. Mabuti na lang yung iba kong classmate pinipilit akong makinig. Kapag napapansin nilang natutulala na ako o napapaisip, kinakausap agad ako o sinasaway. And that means so much to me.

"Machaela, inaabangan ka na ni Ma'am Puroc sa labas." tinuro ng isang kaklase ko ang Professor na nasa labas ng classroom.

Nagmadali ako sa pagliligpit ng gamit. Bakit pinuntahan pa ako ni Ma'am dito? Nakakahiya!

"Ma'am..." tawag ko sakaniya habang sinasapo ang mga gamit na dumudulas sa kamay ko.

"Follow me, Miss Laxamana,"

Tahimik akong nakasunod sakaniya. May ibang estudyante na napapatingin, malamang nagtataka bakit ako kasunod ng isang professor. Pumasok kami sa isang kwarto at napagtanto kong nasa opisina pala kami ng mga prof. Tumungo siya sa isang desk na sa tingin ko ay kanya dahil nilapag niya ang mga gamit niya at umupo.

"Take a seat,"

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako masyadong kinakabahan. Siguro dahil yung kaba na 'yon, mararamdaman ko na lang para sa Papa ko. Hindi na ako kakabahan ng mas higit pa roon.

"Machaela, is something bothering you? Or do you have a problem? Look, I won't force you to tell me things but I just wanted to remind you that you're running for Magna Cum Laude. Hindi mo pwedeng hayaan na mawala 'yon sayo dahil I'm very sure that you've worked hard for it. I saw your struggles and even I can't let that happen. Kaya habang maaga pa, gusto kong kausapin ka tungkol dito."

"Sorry po. May nangyayari lang po talaga ngayon kaya hindi ko po maiwasang mag-space out. Pero babawi ako, Ma'am. Kung may kailangan po akong ipasa para ma-maintain yung GWA ko gagawin ko po. Kahit po sa ibang prof kakausapin ko na lang po sila para mabawi yung grades na nababawas sakin..."

Inalisa ko ang sinabi ko kay Ma'am dahil tinitigan niya ako matapos kong sabihin 'yon. May nasabi ba akong mali? Wala naman, 'di ba? Tungkol lang naman sa grades lahat ng 'yon. Bakit kung makatingin si Ma'am parang...

"Machaela," bumuntong hininga si Ma'am. "I heard some rumors. I don't know where this started and honestly, I don't want to open this up to you because I know it's your family matter but if this is the one that's been bothering you, I hope you know that I'm with you. I'm going to help you gain back your grades but I also need your cooperation here, Machaela. Hindi lahat ng professor maiintindihan ang kalagayan mo kaya kailangan nating magtulungan."

Rumors...

She said she heard rumors.

Ibig sabihin ba no'n?

Mission ImpossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon