Kaya ayokong dinadala ako sa clinic ng headquarters dahil dito. Gusto ko na lang ipikit ang mata ko at makatulog pero hindi ko magawa dahil sa ingay nila. Jen is walking back and forth infront me. Frank is busy with his laptop and is trying to track someone. While Clark is beside me and is busy with his phone. The remaining which includes Carly, Aliah, Carter and Rafael which are also my members are talking about what happened to me.
"Lead naman, e! Paano kung napasama lalo bagsak mo? Edi hindi ka na nakalakad!" sermon ni Jen sakin.
Sinandal ko ang ulo ko sa pader na nasa likuran ko. Gusto kong tapunan ng masamang tingin si Clark dahil siya ang nagdala sakin dito pero mas pinili kong 'wag na lang gawin 'yon. Wala namang mangyayari kung gagawin ko 'yon. Hindi naman matitigil ang bunganga ni Jen at hindi naman babalik ang iba kong tauhan sa mga lugar kung saan sila nakadestino.
"That's exagge," sabi ni Carly at tinignan ako. "Sigurado ka bang hindi mo alam pangalan niya, lead?"
"Hindi ko rin matrack. Hinack ko na ang site ng University nila lead pero nahihirapan akong hanapin yung dinescribe niyang lalake," si Frank naman ngayon.
Napadilat ako dahil sa sinabi ni Frank. What did he say? He hacked our University's site?
"Frank!" sita ko sakaniya.
Goodness! They're overacting! Hindi naman ako nalumpo pero ito nanaman kami sa ganitong sitwasyon. Kada may nangyayari sakin ay ganyan ang ginagawa nila. They'll track the person who did this to me o kaya kapag nasa mission naman at napuruhan ako babalikan nila kahit nag-aagaw buhay na! They even putted a transmitter in me one time!
Bumukas ang pinto at pumasok si Asher na as usual nakabukas nanaman ang polo. Siya ang tinapunan ko ng masamang tingin kaya agad siyang nagtago sa likuran ni Frank at nagkunwaring tumutulong sa laptop nito.
"Kilala mo ba yung bumangga kay lead?" tanong ni Frank sakaniya habang ang mata ay nasa laptop pa rin.
"Ah, oo! Nakita ko ID. Zyke Ange—"
"Asher!" sita ko at napaigtad naman 'to ng tayo at lumapit sakin. Inabot niya sakin ang plastic na dala niya at nakita kong may laman 'yun na ice cream.
"Eto na, boss!"
"Ano 'yan?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Kunwari ka pa, pare, e. Alam ko namang gusto mo 'yan,"
Hindi ko napansin na may dala pala siyang ice cream. Ano 'to? Suhol dahil sa mga pinagsasabi niya kanina sakin? Kung alam niya lang kung gaano nakakahiya 'yon!
"Mas gusto ko atang saktan ka na lang ngayon," bumuntong hininga ako at binalingan ang mga taong nasa paligid ko. "Guys, pwede bang kalma? Na-a-appreciate ko yung concern pero tracking someone and planning to get even is not acceptable. Your reasons are too shallow," aware ako na may bahid ng inis ang boses ko pero totoo naman kasi.
Napakamot sa ulo si Asher. "Pinasundo ko lang 'yan kay Clark, a? Nahawaan na ata ng kaka-ingles neto ni rits kid," mahinang sabi niya kila Carly na nasa gilid niya pero dahil malapit siya sakin ay narinig ko 'yon.
"Maiintindihan ko sana kung may nabaling buto sakin o may tama ako ng baril pero wala naman. Kirot lang 'to,"
"Kaso kasi, lead, naalala kong si Mama napasama bagsak noon tapos nagkaron na siya ng problema sa likuran niya. Natatakot lang kaming baka mangyari sayo 'yun since nakikita naming nasasaktan ka kada gumagalaw," sabi ni Aliah.
"Maybe she just needs to rest for a while. After a few hours the pain will lessen. The Doctor gave something to her already for the pain she's feeling," sabat ni Clark.